Meet Me

17 1 0
                                    

     Chazzy's POV

      Kinakabahan akong naglalakad papuntang library. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Di ko maintindihan ang aking sarili parang may paruparong naglalaro sa aking tyan. Gusto kong bilisan ang aking hakbang ngunit kusang nanghihina ang aking mga tuhod. Oh my God! What's happening to me?

     Ang lapit ko na sa main door nang sumidhi ang nararamdaman kong kaba. Dahan-dahan akong pumasok at... kasalukuyan kong pinagpagpag ang aking sarili kasi ang kamalasan ba naman eh sinunggaban ako. Ang sakit ng balakang ko, ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkadapa. Natigil ko ang aking ginagawa dahil may nararamdaman akong kakaiba...parang may mga matang nakamasid sa akin, tumingala ako at naku...nakakahiya grabe kanina pa pala sya nakatingan. Naku sana kainin ako ng lupa. Ghad! C Mr. Librarian pinapanuod ako.

     "Ano pang ginagawa mo dyan? Tumayo ka na. O gusto mong buhatin pa kita. Nakaharang ka na sa dadaanan", sabi niya then smirk.

     "Eto na nga tatayo na, sungit!"dahandahan akong tumayo at sa kasamaang palad hindi ko nakaya kasi ang sakit talaga ng aking balakang ko. Dalidali syang tumakbo at sinalo ako. Binuhat niya ako papuntang clinic ngunit walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang awkward kasi ng scene akalain nyong buhatbuhat niya ako. Ako na ang kinikilig. Hay, grabe may silbi pala ang kamalasan ko ngayon. Nasa loob na kami ng clinic.

     "Pasensya ka na sa inasal ko kanina" basag nya sa katahimikan naming dalawa.

     "Ok lang at saka thank you. Nakakahiya talaga, ikaw pa tong naabala" sagot ko.

     "Wala 'yon, may kapalit naman to", sabi nya at saka ngumisi.

    "What?", ako :'(

     "Narinig mo naman di ba?", sagot nya.

     "Ano naman ang kapalit?  'Wag lang mag-involve ng money ha. Wala pa yong allowance ko at wala talaga akong sobra-sobrang pera..." pinutol nya yong litanya ko.

      "Wait, wait, wait, relax I said my kapalit pero I did'nt mean na kunin ko allowane mo, hahahaha"...tawa sya nang tawa.

     He is so weird. Anyare?

     Pak... He stopped laughing eh binatukan ko ba naman.

     "Aray"

      "Why?" takang tanong nya.

      "'Wag mo akong mawhy-why dyan ha. Pinagtatawanan mo ako. What are you laughing at?, I'm so clueless kung anong pinagtatawanan nya.

     "Eh,kasi look at yourself para kang namatayan, eh ang sabi ko lang naman kapalit" basag niya sa EMO ko. "Wait, naku iniwan ko pala ang library ng hindi nakapagpaalam kay Ma'am Chavez. Dyan ka muna ha, darating din yong mag-aasikaso sayo dito" saka tumakbo.

        "Sal..." hindi ko na naituloy kasi wala na sya at...what? Naisip ko ulit yong sinabi nyang kapalit? Ano kaya yon? Wag nyang sabihing date? Hahaha,  ako na...ako na ang assuming.

      "Miss, anong nangyari sayo?", tanong ng nurse. Sinabi ko sa kanya at kinilig ba naman si miss nurse...

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

     Sa awa ng Dios medyo okey na ang balakang ko kaya naisipan kong pumasok na ng klase hindi pa naman siguro nagstart yong klase. Napatigil ako nang may tumawag...

     "Chazz...", lumingon ako.

     "Oh, Jet ikaw pala. Akalako nauna ka na sa room natin?" kunot-noo kong tanong.

      "Wag ka ngang gumaganyan, sige ka maiinlove ako sayo nyan." Sabi nya sabay akbay.

     "Hep, hep, tumigil ka nga dyan", sabay tanggal ng kamay nya mula sa pagkakaakbay. "Kinikilabutan ako sayong bruha ka"... yes you heard it right bruha si Jet as in bruha.

      "Sssshhhh... baka may makarinig Chazz". Oo tama kayo bakla ang bestfriend ko at ako lang ang may alam kasi ba naman criminology yong kinuhang kurso dahil gusto ng daddy niya. At ang bruha nag-enjoy sa crim dahil may maraming katawan at boys doon. Sya lang yata ang reyna. Nagkwentohan kami hanggang sa nakarating sa room namin. Magkaklase kami sa College Algebra kaya ayon may time pa rin kami sa isa't isa. Charot parang lovers lang ang peg. Habang hinihintay namin ang teacher naalala ko naman si Mr. Librarian. Hindi naman sya gaanong matangkaf, hindi rin sya gaanong maputi, hindi rin sya gaanong gwapo pero bakit 'di sya matanggal-tanggal sa isip ko lalo na't may pabitin pang kapalit. Pero may kung ano sa kanya na di ko alam na parang nagtutulak na kilalanin ko sya, sa paraan ng pagtitig nya at higit sa lahat yong mga mata nya...parang palaging may sinasabi kahit wala namang lumabas sa kanyang bibig. Naputol yong pagpapantasya ko nang dumating ang teacher...(pagpapantasya talaga?)

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

     Author's Note:

          Ito ang pinakaunang pagsusulat ko. I just let my feelings out. I can express myself freely in writing.

          Masaya na akong makakagawa ng story kahit ako lang ang nagbabasa...lol... Gusto ko lang talagang ipahayag ang feelings ko ng walang pag-aalinlangang may masasaktan...:-)

                                         

                                         yangkishmats

Swerte Dahil sa MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon