-
Lamig ng simoy, alas singko ng umaga
Nanlalamig na palad sa ibabaw ng mesa
Tanging nagbibigay-init, usok mula sa tasa
Likidong itim, na pinaikot ng kutsara
-
Init ng likido, sa ilong nalalanghap
Kasing init ng sitwasyong kinakaharap
Kaya marapa't muna'y, ito ay palamigin
Pagka't pag minadali, labi ang papasuin
-
Isang taong malapit, sakin ay nagparamdam
Lihim nyang pagtingin, sa akin ay pinaalam
Dapat bang maniwala o baka malinlang?
Magdudulot ba ng saya o baka sakit lamang?
-
Dating minamasdan ngayo'y nakilalang labis
Dating tibok na normal, ngayo'y bumibilis
Dati'y wala lamang, ngayo'y pulos ngiti pag kasama
Ngunit dati ri'y masaya, nahulog na'y nasaktan pa
-
Tulad ba ng kape, kung pagmamasdan
Ang pait sa kulay, hindi mahuhulaan
Lulunurin ba sa pait, o sarap sa lalamunan
Di rin malalaman kung hindi susubukan
-
Gusto mang subukan, takot naman sa sakit
Hihigupin bang pilit, baka mapaso sa init
Lagukin man nang diretso, maiiwan din ang pait
Ngunit malamang pagkatapos, magising sa panaginip
-
Siguro nga'y magigising kung aking susubukan
Kaya init ng likido, gumuhit na sa lalamunan
Isip nga ay luminaw, damdamin ay napukaw
Isang desisyong puso ko na ang sumisigaw
-
"Ako'y natatakot lamang ngunit MAHAL DIN KITA...
Salamat sa kape... damdamin ko'y napukaw na."
BINABASA MO ANG
Kape (Tula#18)
PoetryDate: August 25, 2013 ; 5:19pm Dedicated sa lahat ng takot magmahal... BOOM.