"Kuya, pwede ba akong magpasama? Bibili kasi ako ng—" Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng isang dalaga ay pinutol na agad siya ng kaniyang kapatid.
"Hindi ako pwede, marami pa akong gagawin" Saad ng isang binatang nakatutok sa kaniyang laptop.
Aalis na sana ang dalagang nagngangalang Alysa ng biglang dumating ang isang dalagang nagngangalang Chelsie.
Nakita ni Alysa na inirapan siya ni Chelsie bago tumungo sa kuya nila.
"Kuya, samahan mo ako sa mall. I'm going to buy a new make-up kasi eh, please!" Sabi ni Chelsie sa kuya nila na si Jake.
"Sige princess, hintayin mo ako" Nagtype lang ng ilan pa si Jake bago tumayo at tumungo sa kwarto upang magbihis.
-"Mom, dad, mga kuya, its my birthday tomorrow! Where are we going to celebrate?" Sabi ni Alysa habang nakangiti at kitang-kita sa mukha niya ang excitement.
Pero napawi ang kanyang ngiti ng marinig ang sagot ng kaniyang mga magulang.
"Baby, we're so sorry, meron kaming bussiness meeting sa Singapore tomorrow. Babawi nalang kami next time" Sabi ng kanyang mommy at daddy.
Bumaling naman siya sa kaniyang mga kuya.
"Tayo nalang mga kuya, lets go to—"
"May pupuntahan kami nila Chelsie bukas" Sabi ng isa pa niyang kuya na si Chase.
"Sasama nalang ako—"
"Alam mo naman na kami lang ang gusto niyang kasama diba? Magcelebrate ka nalang kasama sila Manang" Umalis ang mga kuya niya pagkatapos sabihin sa kaniya iyon.
Malungkot na napangiti nalang si Alysa.
-
Nagmulat siya ng mata at nabungaran niya ang puting kisame.Masakit man ang ulo niya ay nagawa niya pa ring lumingon sa kaniyang paligid.
"Nasaan ako? Sino kayo?" Tanong niya ng makita niya ang walong nagg-gwapuhang mga lalaki.
'Wala akong maalala'
"Nasa hospital ka ngayon at mga kapatid mo kami" Sabi noong pinakamatangkad.
-"Alysa!"
"Saan ka ba nagpupunta?! Hinahanap ka na nila daddy"
"Alysa Dela Peña! Wag mo kaming ignorahin!"
"Ano ba Alysa! Saan ka natututo ng ganyan?!"
Nagulat siya ng biglang may humablot sa kaniyang braso at sobrang higpit ng pagkahawak kaya paniguradong magpapasa iyon.
"I'm sorry but who are you?" Kinunutan niya ng noo ang lalaking may hawak sa kaniya.
"Huh! Huwag kang umarte dyan! Hinahanap ka na nila—" Naasar siya sapagkat ni hindi niya nga ito kilala at kung makasigaw ay akala mo naman kilalang kilala siya nito.
"Bitawan mo nga ako! Huwag mo akong sigawan sir, ni hindi ko nga kayo kilala"
"Alysa—!"
'Sino ba yun?'
"And I'm not Alysa! Its Amethyst!" Sabi niya tsaka tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa kanila.
꧁MSTHY_13꧂
Scarlettalie
BINABASA MO ANG
EQUAL
Short StorySi Alysa Dela Peña ay isang babaeng pinagpala. Ganda, talino, at kung ano man ang nais ng mga kababaihan ay nasa kaniya na. "If nobody is perfect then Alyssa is nobody." ika nga nila. Pero sa likod ng mga iyon ay ang pangungulila ni Alyssa sa pagmam...