"What do you think?" Tanong ni Amethyst sa isa sa kaniyang mga kuya na si Vince na siyang kasama niya ngayon sa mall.
Nag-angat naman ng tingin si Vince.
"Okay lang" Saad nito at ngumiti.
Napasimangot si Amethyst at binato kay Vince ang dress na nakahanger pa na hawak niya.
"Ouch! Para saan yun?" Tanong ni Vince at hinimas ang noo na tinamaan ng hanger.
"I'm asking! Can you please answer me properly?" Tanong ni Amethyst at inirapan ang kuya niya.
'Parang dati lang, ni hindi ka makabato ni tinapay tas ngayon...aish!'
Sa isip-isip lang shempre ni Vince sinabi yun. The other seven will kill him if he say it to Amethyst.
"Okay! Hindi mo naman kailangan mamato" Sabi niya.
Nakatingin sa kaniya si Amethyst kaya nagkunwari siyang parang nalagyan ng bukol yung noo niya.
Nakita niya na nag-aalalang lumapit si Amethyst sa kaniya at saka hinaplos yung noo niya.
"Sorry na. Nainis lang ako kasi parang wala kang pakialam sa akin" Sabi ni Amethyst at saka yumuko.
Ayaw nilang magkakapatid na nalulungkot si Amethyst kaya naman ginagawa nila lahat ng gusto nito kahit sandali palang sila nagkakasama.
Niyakap niya si Amethyst.
"Hush, huwag na huwag mong isipin yan. You are our one and only princess of the house, our one and only queen nila kuya mo kaya you are so precious to us" Sabi niya saka mas hinigpitan ang yakap kay Amethyst.
Napansin niya na nagtataas baba ang balikat ni Amethyst kaya naman sinilip niya ang mukha nito at nakikitang pinipigilan nito ang humikbi habang umiiyak.
Sa sandaling panahon na magkakasama sila, nakita niya kung paano naghirap si Amethyst dahil sa naranasan nito, kung paano nito itago ang mga emosyong itinuturing nitong mahihina lang ang gumagawa.
Tulad nalang ng pag-iyak...
"Hush now" sabi niya at saka hinalikan ang buhok nito.
"Why do I have this feeling na walang nagmamahal sa akin? Na wala akong kakampi? Walang nakakaalala na nag-e-exist ako? Na—" Pinutol na niya ang kung ano man ang sasabihin nito.
"We're here. Mahal ka namin nila Mom, Dad, your kuyas', me, Chase, Vlad, Guel, Jann, Byss, Quin, and Dlei. We're always here and we are not going to leave you" Sabi ni Vince at pinahid ang luha ni Amethyst saka niyakap ulit.
"I love you all kuya" Sabi ni Amethyst na ikinangiti niya.
"We love you too Queen" Sagot ko.
'Hindi namin hahayaan na masaktan ka ulit. Kapatid ka namin at hindi na mababago yun.'
"Hindi niyo makukuha ang lupa na ito!" Sabi ni Mr. Dela Peña.
Napangisi naman ang kanilang panganay na kapatid.
"Then paano ang utang niyo? Ngayon ang deadline na ibinigay ng aming ama, hindi ba?" Pangdidiin nito kay Mr. Dela Peña.
Chase Finn Montavio. Ang panganay sa aming magkakapatid at ang pinakahalimaw sa amin. Wala siyang sinasanto, bata ka man o matanda, baguhan o sanay na. Mabait man siya sa pamilya pero hindi siya mangingiming manakit kung ang naaagrabyado ay ang mga mahal niya sa buhay.
"Bigyan niyo pa ako ng unting panahon, huhulug-hulugan ko nalang iyon paunti-unti" Sabi ni Mr. Dela Peña na bakas na ang pagmamakaawa sa boses.
"Kulang pa ang lupang ito sa sobrang laki ng utang mo pero tatanggapin na namin para lang wala na kayong utang ngunit bakit ayaw mo pa rin?" Tanong ng kuya niya.
"Mahalaga ang lupang ito sa amin—"
"Dahil ngayon ang deadline ng bayad ay kailangan mong magbigay ng sa tingin mo ay pwede mong maibayad sa amin" Putol sa sasabihin ni Mr. Dela Peña.
Nag-isip na din ako. Ano nga ba ang mayroon sila na wala kami? Mayroon kaming yaman, ngunit walang—
Nanlaki ang mata ko ng maisip ang isang bagay o mas tamang sabihin na tao ang wala kami.
Ibinulong ko ito kay Kuya Chase at agad itong tumango.
Buong pamilya ang naghahangad nito dahil sa puro lalaki kaming magkakapatid.
"Ang anak mo" Sabi ni kuya Chase ng walang paligoy-ligoy.
Nanlaki ang mata ni Mr. Dela Peña.
"Anak ko? Huwag naman ganito Mr. Montavio—"
"Yes or Yes, Mr. Dela Peña. Kung sa loob ng isang taon at hindi parin bayad ang buong utang, kukunin namin ang panganay mong anak sa babae, si Alysa Faye Dela Peña" Sabi ni kuya.
Sinabi man ni kuya na gusto niyang kunin si Alysa ay parang hindi nabahala si Mr. Dela Peña, na para bang napakawalang kwenta ng bayad sa utang niya.
How cruel for a father he is.
Binigyan namin siya ng kontrata na dapat niyang pirmahan, tinitigan niya muna ito bago pirmahan.
"Deal Mr. Montavio. Ang bayad sa utang ay si Alysa, panganay na anak ko sa babae, kapag hindi ko pa nababayaran ang utang sa loob ng isang taon."
-"Vince" Tawag sa akin ni kuya Chase kaya lumapit ako.
"Bakit kuya?" Tanong ko ng makalapit ako dito at umupo sa katapat ng upuan nito.
"Sino si Alysa?" Tanong nito.
"Pang-limang anak ng mag-asawang Dela Peña na siyang panganay sa babae at pangalawa sa bunso—" Pinutol niya ang pagsasalita ko.
"Tell me something that is suprising. Like bakit hindi ko siya kilala? Ang alam ko ay lima lang ang anak ng mag-asawang Dela Peña at hindi ko alam na anim talaga" Sabi nito kaya napabuntong hininga ako.
Buti nalang mabilis kong naisip na tutustahin ako ni kuya Chase dahil sa pagbulong-bulong ko sa kaniya nito.
"Base sa mga nakalap ko, Alysa Faye is literally unknown na anak ng mag-asawang Dela Peña. Hindi sa tinatago nila ito pero para na ring ganun kasi hindi nila ito pinapakilala bilang anak nila. Si Alysa ay maganda, matalino, at mabait na kinakainggitan daw ng mga babae sa school nila. Complete package ba naman na, kumbaga bonus nalang yung gand—"
"Continue with the facts or kung ano man ang nakalagay dyan about her" Sabi nito at malamig na tumingin sa akin na parang sinasabi na wag na akong magsalita ng kung anong walang kwenta.
Sabi ko nga, ano bang sinabi ko?
Tumikhim muna ako.
"So ayun nga, pero sa kabila ng lahat ng mga magandang bagay sa kaniya, ang pagmamahal na hinahangad niya na galing sa pamilya niya ay hindi niya makamtan. Wala siyang kaibigan ni isa, base sa nakalap ko, kagagawan ito ng bunso nilang kapatid na buwan lang ang agwat sa kaniya. Sinisiraan nito lahat ng gustong mapalapit sa kaniya hanggang sa wala nang gustong kumaibigan dito." Sabi ko at saka uminom ng tubig.
Grabe! Ang dami kong sinabi.
"Any question, kuya?"
"Wala. Just be ready para sa isang taon. Bantayan mo ang Alysa Faye na yun sa abot ng makakaya mo." Sabi nito sa akin.
"Areglado kuya. You can trust me with this." Sabi ko at saka sumaludo
We're going to have a princess in the house.
꧁MSTHY_13꧂
Scarlettalie
20200323
BINABASA MO ANG
EQUAL
Short StorySi Alysa Dela Peña ay isang babaeng pinagpala. Ganda, talino, at kung ano man ang nais ng mga kababaihan ay nasa kaniya na. "If nobody is perfect then Alyssa is nobody." ika nga nila. Pero sa likod ng mga iyon ay ang pangungulila ni Alyssa sa pagmam...