Imagine
Lahat ng bagay na gustong mangyari,
Dito palaging iniisip
Mga taong gusto kong makasama,
Dito ko sila makakausapPati sa gabi,
Bago matulog marami pang pinag-iisipan
Mula sa maliit na bagay,
Hanggang sa masasakit na salitang ibinahagi nilaKahit pa nakakasakit na minsan
Hindi ko parin maiiwasan
Dahil ito lang ang bagay na pwede kong gawin,
Para maibsan ang sakit ng aking nararamdaman