Sana Makita Mo Ang Aking Halaga
Nandito ako,
Kapag may pinagdaanan ka,
Kahit inaayawan ka na ng paligid mo
Naalala mo pa ba?
Nung nakipaghiwalay yung jowa mo sa'yo
Ako ang nandito
Nung tinaksilan ka nang kaibigan mo,
Nandito ako,
Dinamayan kita kahit busy ako non
Nung naghiwalay ang mga magulang mo,
Alam ko masakit para sa'yo yun,
Nandito ako.
Ako ang laging nandito para sa'yo
Pero hindi mo nakita ang mga halaga ko,
Kailan mo ba makita ang halaga ko?
Sa panahon na wala na ako?
Minahal kita higit pa sa kaibigan pero,
Minahal mo naman ang sarili kong kapatid
