Chapter 1

52 3 2
                                    

(Isabelle's POV)

Ang gwapo talaga ni James!Siya na ata ang pinakaperpektong nilalang dito sa mundong ibabaw!

Hayssss...Kelan niya kaya ako papansinin?

Limang buwan na din ang nakalipas magmula noong lumipat siya dito sa Khaldein University.

Hindi siya ganon kasikat dahil sa tinataglay niyang kasupladitohan.

Takot sa kaniya ang karamihan, kaya kahit napakagwapo non, walang nagtatangkang lumapit sa kaniya...Maliban syempre sa'kin!Lab ko yon ih!Hashtag maharot!Hahahahaha!

Araw-araw ko siyang binabati at dinadaldal, araw-araw niya din akong dinededma.

Naaawa nga ako sa kaniya dahil mag-isa lang siya palagi, kaya naman lagi ko siyang sinasamahan.

No choice din ang bestfriend kong si Aica sa tuwing sinasabayan namin si James hahaha wala eh, masyado akong matiyagang mamilit.

Dating tagalinis ng K.U ang Lolo niya kaya naman scholar siya dito.

May mga pagkakataon na binubully siya, syempre, to the rescue ako palagi. Di naman sadya ako papayag na api-apihin yon eh. Kahit lamok, di ko palalagpasin hohoho!

Btw, ako nga pala si Astrid Isabelle Lopez. 19 years old, 2nd year college. 4th year na sana kame kung hindi lang nauso si K-12, di bale na, atleast mas marami ang napapag-aralan.

Baby pa lang ako nung namatay ang aking ama, sayang, di ko man lang siya nakita at nakilala.

Sabagay, di naman nagkulang si Mama dahil pinuno niya ako ng pagmamahal at sinusuportahan niya ako palagi, kahit may mga oras na busy siya.

Pumapanglima sa listahan ng mga sikat na CEO ang magulang ko.

And yes, isa akong anak mayaman.

Wala pa'kong nagiging jowa, puro crush lang at sa lahat ng aking napusuan, si James ang pinaka-tumatak sa'kin, ewan ko din, basta ang lakas ng tama ko sa kaniya!

Sabi ng iba ampon raw ako kase ang pangit ko daw at napakasiga ko pa. Oh well, wala naman akong pake sa kanila.

I wasn't born to impress them anyw-...

"Belle?Isabelle!" oooopssss...

"Yes?" nakangiti kong sabi kay Aica.

"Yung tinititigan mo, kanina pang wala!" ano daw?!H-Hala oo nga!

"Let's go Aica!" bago pa man siya makapagsalita, hinila ko na siya puntang canteen, lunch na din kase eh, paniguradong nandon na ang aking bebe hahahaha.

"Kingina!Ikaw nama'y maghinay-hinay, madadapa ako sa'yo eh!" tumawa lang ako sa sinabi ni Aica.

And...

We're here!

James, nasan k-...

"Oh my gosh Isabelle!" nakakagitla naman ang babaitang ito.

"What?!" napatingin ako sa tinuturo niya at nagulat ako sa aking nakita.

Biglang umakyat yung dugo ko sa ulo.

Pabida na naman ang mokong na si Aiden!

"Sa susunod wag kang patanga-tanga!Tumingin ka sa dinadaanan mo!Nadumihan mo tuloy ang uniform ko!Sisipain pa kita ng isa para madala kang gago ka!"

Bago pa man masipa ni Aiden ang nakalupaging si James, sinabunutan ko na siya.

"A-Arayyy!What the f*ck Belle?!" habang inaayos niya ang kaniyang buhok, tiningnan niya ako ng masama.

🌼Reasons Why I Love You🌼Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon