Prologue

21 1 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This book is not intended as a substitute for the medical advice of physicians. The reader should regularly consult a physician in matters relating to his/her health and particularly with respect to any symptoms that may require diagnosis or medical attention.

Prologue:

"Doc Cal!!!!" Bigla akong napilingon sa tumawag sakin mula sa nurse station, nagmadali akong maglakad papunta doon.

"Nurse Jenny, bakit?"

"Wow doc! Blooming ka ngayon ah? May ganap?" Napangasar na ngiti ni Nurse Jenny

"Anong ganap? Bakit naman bigla kang sumigaw? Ako lang 'to" pagpapatol ko sa biro niya at biglang tumawa ang mga nurses

"Nasaan pala yung chart ng patient na sa room 1225?"

"Ay here po doc" pag abot nung isang nurse

"Ah doc, nandoon pa po yung isang doc ng patient"

"Okay lang, rounds lang ako, salamat" she handed me the chart, then umalis na ako sa nurse station at naglakad with my high heels on, corporate attire na pink blouse, at pencil skirt na beige, with my white coat on and stethoscope on my neck, ng makarating na ako sa tapat ng kwarto ng patient ko, kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napatingala ako sa nakita ko.

"PM????" Sabi ng isang di naman katangkaran pero ang ganda ng hugis ng katawan, toned muscles, naka white coat din niya, may steth sa leeg, white button down polo and black slack, with Gucci belt and brown leather shoes

"Ay doc. Cal, good morning po" bati ng isang nurse na kasama niya.

"Good morning nurse Gie"

"Good morning uh—"

"Doc, si Doctor Calma po, bagong orthopedic surgeon ng ospital" biglang sabi ni nurse Gie

"Nice to meet you, I'm Doktora Pauline Mae Callejas, from physical medical rehabilitation department, i'll just check my patient, excuse me"

Umalis na din sila agad at naiwan ako sa loob para tignan ang patient, inaddress ko na rin ang concern nito at kinamusta.

"Within no time, pag wala ng pain sa tuhod mo at kaya na nating maglakad with assistive devices without pain, then pwede ka na maging out patient, but for now, okay lang ba sayo magkakaroon ka muna ng sessions with Physical Therapist?" sabi ko sa patient ko, okay naman kasi ang prognosis (good healing) to.

"Opo doc, kung mas makakatulong yun"

"Sige, papadala ko na lang yung consent form na pumapayag kayo magpa-PT, then pag napirmmahan niyo na, we will proceed"

Ngumiti ako.

"Opo doc, thank you po" ngiti ng sinabi ng patient ko ito.

"May concerns pa po ba kayo?"

"Wala na po, salamat po ulit"

"Sige po, i'll be going na po, if may need po kayo, pwede niyo pong tawagan yung nurses, thank you po"

Lumabas na ako sa room ng patient ko at dumiretso sa nirse station para magsulat ng orders sa chart.

Nakita ko muli yung lalaking nasa room ng patient ko.

Nagsusulat ako ng biglang may sumiko sakin, i raised my eye borrows at tumingin kung sino yun

"Di ka pa rin nagbabago doktora"

Umusog ako ng kaunti para di kami magbanggan ng siko at nagpatuloy sa pagsusulat

"Hmm? Ikaw din John Patrick"

"Tss" bigla nitong sabi sabay bigay kay nurse Jenny ng chart ng patient

"Coffee?" Nagulat ako sa sinabi nito.

--- 


On DutyWhere stories live. Discover now