Chapter 9 – Heartbroken
*rated PG
"halika na, magsasara na sila" inaakay ko si JP mula sa kinauupuan niya.
"hindi-isa pa nga eh, is pa ngang tower" aniya habang naka bow down na yung half ng body niya sa lamesa.
"Jips, halika na may thesis pa ako, may pasok pa tayo bukas" tinutulungan ko na siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
"iwan mo na lang ako, ganoon naman kayo diba, ganoon kayong lahat" kumakawala siya mula sa pagkaabresyete ko sakanya.
"ano ka ba, walang iwanan diba?" inakay ko na sa balikat ko yung kamay braso niya, habang kinukuha ko sa kabilang kamay ko yung mga gamit naming, mga libro ko, laptop, at bag niya.
"miss" hinarang pa ako ni kuya na nagtratrabaho sa bar at binigay sa akin yung bill.
Anak naman ng tokwa, Jips, ako pa rin hanggang dito?
"1,5--??" pagkuha sa kamay ni kuya ng resibo na dapat bayaran.
Wala naman akong ibang choice, card na lang ginamit ko, para makaalis na kami doon.
Nag-para ako ng taxi para makauwi kami sa condo na tinutuluyan ni JP
"tara na" sabi ko sakanya habang inaakay ko siya pasakay sa loob ng taxi.
"ayoko na PM" while he sways his head left and right with a drunk tone from his voice.
"Manong sa pearl drive po" sabi ko sa taxi driver.
"shsh, wag kang magulo, baka magsuka ka" hinayaan ko na lang ipahinga niya yung ulo niya sa balikat ko habang na biyahe. Hindi kalaunan.
"miss, gising na" may narinig akong nagsabi.
"ay, magkano po?" andito na pala kami sa tapat ng condo ni JP.
"500"
Binigay ko yung natitirang pera ko mula sa wallet ko, hindi ko na alam paano ako makakauwi pero bahala na, makauwi lang si JP.
Ginising ko na siya at pinababa sa taxi, mukang hilong-hilo pa rin siya, kinuha ko na mga gamit namin—
"miss!"
Isasara ko na sana, nang biglang tinawag ako ni manong driver...
"yung bag na isa nalimutan niyo"
"ay salamat po" kinuha ko na ito at sinara ang pinto, inakay ko sa paglalakad si JP papsok ng condo, buti na lang walang gaanong tao sa lobby.
"ang bigat mo jusq wag kang malikot"
"salamaaaat PM" sabay sigaw nito ng makarating kami sa harap ng pinto ng pad niya.
"wag kang maingay, magigising mga kapit bahay" sabi ko habang hinahanap yung susi niya sa bag niya, I'm glad na hindi naman ako nahirapan mahanap yung susi, nabuksan ko naman kaagad at binagsak na siya sa upuan niya sa sala.
Binuksan ko ng kaunti yung ilaw mula sa may kusina, para lang may ilaw yung loob, pero hindi naman gaanong madilim, nasisinagan naman ng mga ilaw ng building galling sa labas yung condo niya. Malawak, kasya buong pamilya, kaso magisa nga lang pala 'to dito sa Pinas.
Pumasok ako sa kwarto niya para maghanap ng bihisan niya. Habang siya naman ay nasa labas at nagsisigaw
"PM sana hindi na lang siya, sana ikaw na lang" sabi nito mula sa labs ng kwarto
"anak ng tokwa, bakit ba ang sakit magmahal? binigay ko naman lahat P! ano bang kulang? diba? kita mo naman yun? kasama kita P sa pagbigay at pagbili ng mga regalo, sa pagsuyo, kahit may exam tayo P, siya nauuna, bakit ganoon? okay naman noong una? bakit kailangan maglaho at baliwalaiin ang lahat? "
YOU ARE READING
On Duty
General FictionIn the busy and big world of medicine, Dr. Callejas from Rehabilitaion Medicine Department and Dr. Calma from Orthopedic Department met again after so long, bestfriends since college, inseprable, entangled with their past-will they find their way ba...