---------May napansin akong distorted circles sa branches ng puno, but what freaked me out is that it's glimmering. Pero hindi naman ganon ka-OA kasi kasi faint lang talaga siya..kaya nga ngayon ko lang napansin eh.
"Lola, what are those? Bakit sila kumikinang? Totong silver ba yon?! Akin nalang. Yayaman na ko!"
"You deserve to be happy child."
Aish! Bat ba tuwing nagtatanong ako ang lalayo ng sagot niya?! Nafu-frustrate ako. Tch
"Come here closer."
I hesitated at first. Pero sumunod nalang din. Aba't kanina pa nga kami nag-uusap dito eh. Tsaka kung may gagawin man siyang masama sa akin malaki naman yung chance ko na ma-overpower siya kasi matanda na siya.
Nagulat ako nang bigla nalang niyang hinablot ang kamay ko.
"Wh-what are you doing?"
Di nanaman ako sinagot. Tinitigan niya lang ang kamay ko at sinuri-suri. Tsk, kahit cheap lahat ng gamit ko maayos parin naman ako sa katawan! Matandang to.
"E-eh?!!" Nagulat nalang ako (ulit) nang bigla niya akong hinila at idinikit ang palad ko sa puno.
"Ano nanamang problema mo tanda? Balak mo bang ilock ako dito?!" Di ulit siya umimik. Naramdaman kong parang pailalim yung parteng pinagpatungan niya sa kamay ko. I mean parang handprint? It's weird. What made it weirder was that it fits my hand perfectly.
Akala ko may liliwanag na ng malakas tapos biglang may magbubukas na pinto somewhere kasi ito pala ay isang pinto tulad ng sa movies kaso nakalpas na ang limang minuto wala paring nangyayari. Si lola naman nakatitig lang sa kamay ko na seryosong-seryoso. I wonder kung may hinihintay siyang mangyari?? Gee?! What if pinto nga ito?!
Nangangalay na ako kaya ibababa ko na sana pero bigla akong may naramdaman.
Parang...
Parang may nakadikit sa palad ko? Ang nararamdaman ko lang kanina ay yung roughness ng puno. P-pero ngayon parang malambot na? Parang may ibang palad na nakadikit sa palad ko making it like we're up here'ing...
"GYAAHHH!! Bak-Bakit may kamay?! It even grasped my hands and entertwined our fingers! Don't tell me may nilibing silang bangkay diyan sa loob?!!"
Damn! Pinangarap ko ring makipag holding hands while walking with a touch of entertwined fingers pero hindi sa bangkay!! Pero kung bangkay yan...diba dapat malamig? Bakit ang warm and soft naman?...preserved ba yung bangkay?!
"Hahaha! Mukhang excited na siyang makilala ka."
The.fuck?
Sino? Yung bangkay?! Kaya ba niya tinutukoy yung puno na parang tao? Kasi may tao talaga sa loob niya? Yung nasa loob ba yung kapangalan ko talaga and not the tree? The heeckkk!! Goosebumps!
"Iha, alam kong hindi ka masaya. Nahihirapan ka na. Desperado. Matagal nang may hinahanap. Siya ang hinahanap mo iha. Just give it a try. Limited chances won't hurt."
Sino bang sinasabi niya? So may tao talaga sa loob?
"Walang bangkay sa loob ng puno, umayos ka nga. Ang sinasabi ko, ay yung taong tulad mo na kailangan ng tulong. Malungkot, at desperado. Oras na siguro para punan niyo ang mga pagkukulang sa buhay ninyo. At wala siya sa loob ano ba, nasa likod siya ng punong ito."
YOU ARE READING
A Tree To The Other Side
RomanceHave you ever been so lonely? So helpless...so desperate? She does. Efkairia only wanted to live, survive, and do her masterpieces until her hands hurt. Life is really unbalanced. Your life can be unique in it's own perspective and fate. She's great...