Chapter 4

14 2 2
                                    

---------

Nakarating kami sa isang bahay. For an elegant guy like him? Hindi ko expected na ganito lang ka-normal ang bahay niya. Only that it's a bit secluded. Simple lang kasi yung bahay niya pero malawak ang lupa niya. Parang isang buong village yung sakop niya tapos yung bahay niya ay nasa pinakadulo.


"Bakit ka nakatayo lang diyan sa labas? Pasok." Kanina pa siya nagsusungit mula nang dumating kami! Ano bang meron sa kaniya? Mood swings? In fairness, magaling ata siyang magtagalog kapag naiinis.

"Malay  ko ba kung welcome ako agad sa loob?!" Sabay irap ko. Nakakainis! Pero honestly, natatakot din ako na kinakabahan. Pano to? Kahit naman kapos ako lagi, birhen parin ako...hayss!

"Tss. Just get inside, you might catch a cold if you stay like that for a very long time."

"Fine"  I walked inside with a frown. His house is so...awe...

...so awefully clean! I think I wanna throw up.

"What? I--uh--aren't you comfortable? Malinis naman ang paligid ah?"

"Paano ako magiging komportble sa ganitong klaseng lugar?! Sobrang linis! Pa-parang wala akong karapatang tumapak dito."  Should I go home now?

"What--aren't you happy?"

"How could I be?!"

"But I made it this way just for her...did I fuck up?"

"YOU" Huh? Na-offend ko ba siya?

"Just..go to the room assigned for you. Upstairs..second to the left."

"Ah. Okay." I smiled at him kahit na kinakabahan ako sa loob-loob ko. Baka kasi na-oofend ko siya! Ugh. I'm really good at ruining my relationships with others.

Umakyat na ako at iniwan siya doon na mukhang nanlulumo ang mukha. Bahala na. Magsosorry nalang ako bukas hakhak!


His house is simple yet magnificent. He looked so elegant enough para akalain kong sobrang laki ng bahay niya tulad ng mga prinsipeng paasa sa fairy tales. Kaso hindi sa kaniya, it's a two storey house made up of woods and whites. Sorry hindi ako interesado sa descriptive words kaya hindi ako marunong mag-describe.

Pagkapasok ko sa kwarto...

Wag na kayong mag-expect na magdedescribe pa ko basta mukha siyang kwarto!

After I changed my clothes, I looked at the mirror and silently scolding my self for trusting a man without any guaranteed safety. Napabuntong hininga ako saka humiga sa kulay cream na queen size bed.

How can I be so sure na hindi lang to isang panaginip? That man..how can he earn my trust so easily? This house, this place, it all seemed so surreal. If it's a dream, then I want to stay atleast a bit longer.

Kahit na gaano ko pa ideny tong nararamdaman ko at sabihing gusto ko nang umuwi at bumalik...may urge parin sa loob-loob ko na gustong magstay dito. Tumakas kahit sandali.

I slowly drifted into my sleep when suddenly, I heard a noise coming outside. Napabalikwas ako ng gising.

Sa tingin ko ay galing yun sa ibaba kaya naman ay dali-dali akong nagmadali sa pagbaba sa hagdan.

"G-gun?"

Wala akong masyadong makita...kahinaan ko talaga ang dilim! Tsk! I stretched my arms para maghanap ng mahahawakan nang may bigla akong marinig na kaluskos sa kanan. Napabaling ang tingin ko doon pero may narinig nanaman ako sa kaliwa na parang tumatakbo ng mabilis...what the heck?! Horror ba to?!


"Sino yan?! T*ngina magpakita ka kundi...kundi..may dala akong agua bendita!"  Shocks wala talaga akong dala! Bat ko ba sinabi yun?! Anong gagawin ko kapag nagpalita siya? Paano kung si Valak pala yan? Aiishh!!

"A-aah--!" Kyaahh!!! Biglang may humablot sa akin. Sasapakin ko na sana nang biglang may matigas na tumama sa ulo ko...

..eh?



------------------

I woke up a bit late in the morning...the freakin' hell. Ang sakit ng ulo ko. Hindi naman ako uminom ng alak kagabi ah?

I stood up and headed to the kitchen to drink some water.

What a weird dream. Ang akala ko ba mapapanaghinipan mo lang yung bagay na alam mo na o nakita mo na? Bakit napanaghinipan ko ng malinaw yung mukha nung lalaki? It's not even familiar to me.

Binalewala ko nalang yung panaginip na iyon at naghanda na sa pagpasok sa trabaho ko.

Every weekend nagtratrabaho ako sa isang café, dagdag income kasi. Nagjeep nalang ako papunta sa café na pinagtratrabahuhan ko, tipid kasi yun haha!

Pagkarating ko sa café..huh? Bakit parang ang daming customers ngayon?

" Efkairia! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Magbihis ka na dalian mo, kanina ka pa hinahanap ni manager dahil ikaw nalang ang wala. Marami pa namang customers." Hinila ako ni Tony papasok. Katrabaho ko siya rito, pero mas matanda siya sa akin ng limang taon.

"Eh bakit ba kasi ang daming tao ngayon?!"

"Matuwa ka nalang! Minsan lang to mangyari satin no!"

Totoo yun. Kinakabahan na nga ako dahil baka mag-alis ng empleyado si ma'am...syempre una ako sa listahan dahil part-timer lang naman ako.

"Yun na nga eh. Bakit biglang dagsaan naman ngayon?" Tanong ko kay Tony na naghihintay sa labas habang nagbibihis ako. Akala ko ba kailangan ng waitress sa labas?! Bat nandito pa to?

"Eh yun na nga kasi teh! May sobrang gwapong lalaki dito kanina. Aba! Bago pa magbukas ito café nandun na siya sa labas! Tapos pumasok siya right after kong buksan yung pinto. Umorder siya ng dalawang milktea tapos tumambay na siya diyan ng ilang oras."

Oh? Ang weird naman nun. Teka-

"Anong kinalaman niya sa mga tao sa labas?!"

"Hindi mo ba napansin?! Puro babae ang mga customers natin ngayon! Ang daming tumambay din kanina para lang titigan yung lalaki! Eh syempre bawal yung tambay lang....ang dami tuloy ordeerrrss!!" May kasama pang tili habang nagkwekwento. Seriously?! Saan siya nasasayahan? Sa customers o sa lalaki?

"Kaso lang umalis na siya eh. Sayang nga hindi mo naabutan. Mga 10 minutes bago ka dumating siya umalis."

"I don't care about the guy 'kay? I care about the waiting customers. Tara na dun bilis."



Nagsimula na kaming magtrabaho. Hay, kelan kaya matatapos tong struggle ko sa buhay?


-------



Magaala-una na ng tanghali nang medyo mabakante na yung café. Umupo muna ako sa sulok sa sobrang pagod. Ipokrita kasi yung isang customer kanina eh! Ang arte-arte akala mo naman hindi peke yung ilong!! Aish!

"There you are."

Napaangat ako ng ulo sa boses na narinig ko.


"How are you my queen?" He smirked as if his existence have always been true.

---------

A Tree To The Other SideWhere stories live. Discover now