Chapter 1

8 1 0
                                    

Chapter 1 - Simula

"Are you ready?" Mom asked me as she entered my room without knocking.

I could'nt get my self to stand up in my bed. I was crying all night. I feel so drained. I feel so sad.

"Hindi magugustuhan ng ate Mikaella mo 'yang ginagawa mo sa sarili mo Breeiana! Tumayo ka na diyan at kumilos para makaalis na tayo. Ikaw na lang ang hinihintay."

Hindi ako sumagot!

I blankly watched Mommy as she sighed heavily and turning her back and went out my room.

Wala akong maayos na tulog. I can't sleep without even dreaming of ate Mika crying while begging me to help her. To save her. It's been three days. And after I learned about what happened to her wala na akong maayos na ginawa. Iyak ako ng iyak, halos di kumain. Hindi rin ako makatulog. I probably looked like a mess right now but I dont give a damn!

Hindi ko maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Bakit niya ginawa 'yon sa sarili niya gayong alam naman pala niyang buntis siya! There was another life in her body! For God's sake! It's her baby. I can't think straight. My eyes begun to water again.

"Di ko na kaya Bree! Ayoko nang mabuhay! Sobrang sakit! Hindi ko 'to kaya."

I still clearly remembered my last talk with her , two days before the incident. I was shocked because I did not know what she's going through. Hindi niya sinabi sakin na ganoon na pala kalala ang problema niya.

Pinipilit kong isipin kung may nabanggit ba siya at hindi ko lang napansin? Pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko wala akong maalala na nagsabi siya o nagkwento siya sakin na may problema siya. O baka dapat naramdaman ko na lang sana iyon. Baka pinaparamdam niya pero hindi ko naramdaman man lang?

It hurt like hell!

I don't have a sister. Kaya kapatid ang turing ko sakanya. Ate ko siya. Magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa. Nakatulong rin siguro na nag-iisa siyang anak ng kapatid ng Daddy ko. Lumaki kaming close na close sa isa't isa kahit pa nasa ibang bansa kami at nasa probinsiya siya sa Pilipinas kasama ang Lolo at Lola namin.

We often see each other sa mga special ocassions sa pamilya namin. When we go home to the Philippines, palagi siyang lumuluwas para magkasama kaming dalawa. Halos hindi kami mapaghiwalay.

Palagi kaming magkausap. Mapa chat man yan , madalas pang sa videocall. We are so close kaya di ko matanggap na wala akong kaalam alam sa pinagdadaanan niya.

Nagpakamatay siya. She overdosed a different kind of pills. They tried to revived her pero hindi na kinaya pa. Pati ang bata sa sinapupunan niya hindi na mabubuhay pa. She's 7 weeks pregnant when it happened. And she knew about the baby! Still, she wanted to end her life. Just like that!

Gusto kong magalit sa kanya. How can she do that to her self and to her baby. Gusto kong sabihin na ang duwag duwag niya. Pero ano nga ba ang alam ko sa pinagdadaanan niya.

She was broken hearted. She left a suicide post on her social media account saying that the father of the child can't accept the baby. Iniwan siya sa ere. Tinakbuhan siya. Hindi niya alam kung paano siya haharap sa mga tao lalo na sa Tita at Tito ko na malaking malaki ang expectation sakanya. Natatakot daw siyang mapahiya ang pamilya namin dahil inayawan siya ng taong nakabuntis sakanya.

Masakit.

Sobra.

Galit na galit ako sa nangyari. Kasi mahal ko siya. She's so important that this sucks so much , it stings a lot. Sana naging matapang siya. Kung sana inisip niya na mas masasaktan kami kung mawawala siya. Magagalit sila , oo , pero hindi para itakwil siya at ang baby niya.

Vengeful HeartWhere stories live. Discover now