Chapter 4
Nasa balkonahe kami habang nagmemeryenda. Sinasadya kong tumitig ng tumitig sakaniya para mas mukhang kapanipaniwalang interesado ako. Not bad. Hindi naman siya masakit sa mata tignan kaya pwede na din. Iniimagine ko na lang na may sungay siyang kulay pula at may pangil. Palihim akong nangingiti.
"Ehem..." tumikhim si Ayana at natatawa sa ginagawa ko.
Sinasalinan niya ng juice isa-isa ang mga baso , at nang natapat sakin , pasimple akong tinatawanan.
Akala ba niya talaga may gusto ako kay Kael ? I smirked evilly. It only means na umeepekto ang gusto ko ipahiwatig , and that is , maisip ni Kael na interesado ako sakanya.
I continued what I'm doing , hindi na pinansin pa si Ayana sa mga simple niyang panunukso. I stared shamelessly to the guy in front of me. Halata namang naiilang siya. Tumitingin tingin din siya sa gawi ko , at kapag nakikitang nakatitig parin ako , di nagbabago , yumuyuko na lang siya o tumitingin sa ibang direksyon.
Affected? Am I making you uncomfortable?
Gusto kong matawa. Sabagay , hindi mo nga naman ako mahuhuling nakatitig sayo kung hindi karin tumitingin sakin!
Nagpatuloy naman sa pag-uusap ang mga nakakatanda. Kaya naisipan kong pagtuunan pa lalo ng atensyon si Kael.
"So , Kael ... Kaibigan ka din ba ni Ate Mika?" I seductively leaned on the table while playing with my glass of fresh mango juice.
Tumikhim siya at umayos ng pagkakaupo bago ako sinagot.
"You can say that."
Mommy laughed awkwardly.
"Naku Bree , I think you should call him Kuya." she told me then turn to Kael. "How old are you na nga ulit Kael?"
"I'm 23 Ma'am." magalang niyang sagot.
He's a bit old for me. Pwede na.
"Halos ka-edad mo pala ang panganay ko. Well , mas matanda siya ng isang taon sayo. I'm sure pinapatulong mo na 'to si Kael sa pag-mamanage ng business niyo, Dave?" baling naman ni Mommy sa Daddy ni Kael.
"Madalas lang makialam sa opisina ko noon , pinag aaralan ang pasikot-sikot. Naging hilig na niya yun kalaunan. At natutuwa akong nakikitang he excels in everything he's doing right now. And most importantly he's enjoying it."
"Earning while enjoying your hobbies..." tumango-tango pa si Daddy, bilib sa narinig.
Humanga man ng kaonti , hindi ko parin pinahalata yun. Ginamit ko pa ang pagkakataon para maipagpatuloy ang plano ko.
"Wow, nakaka-proud naman. I'm sure your girlfriend is so proud of you. You're a good catch." pumangalumbaba ako habang nakatingin parin sakaniya. Umaarteng aliw na aliw sa presenya niya. "I mean... you're good looking plus the brain and talent! almost perfect na nga.... interesting."
He laughed without humor at my remarks and said "What made you think na may girlfriend nga ako?"
"Bakit , wala ba? Nakakapang-hinayang naman kung ganon nga. With a face and body like yours, nakakahinayang namang wala."
"Nanghihinayang ka ba?"
"Well ... As I said , your a good catch. Di na masama." I smile again. But deep inside gusto ko nang sumabog sa sobrang inis sa ka-preskohan niya.
Nanghihinayang mo mukha mo!
Mommy laughed hysterically while Daddy shift into his seat.
"Pagpasensyahan niyo na 'tong bunso ni Max, minsan talaga walang break ang bibig."