Chapter 2

6 1 0
                                    

Chapter 2

Nakatingin ako sa mga puno na mabilis naming nalalagpasan habang nasa biyahe! Ganun parin, minsan hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Katulad ngayon.

Nilingon ako ni Mommy at simpleng inabot sakin ang tissue box.

Nang malaman namin ang nangyare , nagbook agad si Daddy ng ticket naming tatlo nila Mommy pauwi ng Pilipinas. Umuwi muna kami sa bahay namin sa Makati para iwanan ang ibang gamit at makapagpahinga at para na din  kunin ang sasakyan bago kami tumulak papuntang Pangasinan. My two other brothers were also on a plane right now going here in the Philippines.

Maliit lang kaming pamilya. Tatlo lang na magkakapatid sila Daddy na puro lalaki. Tipid din ang pagkakaroon ng anak. Dalawa lang ang anak ni Tito Miel na panganay nila Daddy. Isa kay Tito Mike , pero ngayon wala na. At tatlo kaming anak ni Daddy. Sa liit ng pamilya namin , we made sure na lahat kami uuwi sa Pangasinan para Kay ate Mika.

Nasabi rin na nandun na sila Tito Miel at Tita Liza kasama ang dalawa ko pang pinsan na puro lalaki nung isang araw pa. Nasa Manila lang din sila kaya mas madali silang nakauwi kumpara sa amin na galing pang London.

My Daddy's family were rich but not very rich like the Aragon's and the Montemayor's in our city in Pangasinan. But we are also well known there because my Lolo used to be a Mayor in Anda. He is very popular in his time for being a wise, very kind and a justified Mayor. We also owned a large amount of land that we used for farming.

Yes we are a small family but we love each other so much. Lahat kami biglang-bigla sa pangyayare! Parepareho namin hindi matanggap. Nahimatay pa nga ang lola namin ng malaman na wala na si Ate Mika. Sa aming mga apo, kay ate Mika sila sobrang malapit dahil kasama nila ito habang lumalaki. Pero hindi namin maramadaman kailanman na may paborito sila.

Dalawa lang kaming babae sa mga magpipinsan kaya sobra kaming close. Hindi rin nagkakalayo ang edad namin. Dalawang taon lang ang pagitan namin.

Bihira kaming umuwi sa Pangasinan. In my twenty years of existence siguro tatlo o apat na beses lang ang natatandaan ko. Huli kong uwi sa Pangasinan was when ate Mika graduated in high school. I was second year high school that time. Madalas kasi sila nila Lolo ang lumuluwas sa Manila kapag may mga okasyon.

"Are you alright Breeiana?" Mommy asked.

I only nodded as response.

"Drink water please , and kain ka naman kahit sandwich lang."

"Opo." I answered subtly.

Nasa Alaminos na kami at isang oras na lang mararating na namin ang Anda.

Hawak hawak ko ang sandwich na ginawa ni Mommy pero hindi parin ako makakain. Kinakabahan ako na natatakot na nalukungkot. I feel like crying again pero pinipigilan ko. Habang palapit kami ng palapit , parang gusto na sumabog ng puso ko sa halo-halong emosyon.

Ilang saglit pa, tanaw ko na ang arko na naghihiwalay sa Anda at sa karatig bayan nito.

This is it Bree! Pull yourself together!

Ilang paalala pa ang sinabi ni Mommy pero walang pumapasok sa isip ko, hanggang nakapasok kami sa tarangkahan ng mansion. Isang may edad na lalaki ang nagbukas ng gate para samin.

Sa labas palang tanaw na ang dami ng tao na nakikiramay. May mga nakaupo sa labas ng mansion , sa hardin, maging sa ilalim ng mga puno.

Ganito karami ang nagmamahal sayo Maria Mikaella! Paano mo naisip na wala kang magiging kakampi at karamay sa pagpapalaki ng anak mo!

Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan ng pumarada ito sa gilid ng mansyon. Sumalubong na si Lolo kasama si Tito Miel at Tita Liza sa amin. Natanaw ko palang sa bintana ang mga ilaw na nakapalibot Kay ate tumulo na agad ang luha ko.

Vengeful HeartWhere stories live. Discover now