Unang Kabanata: Genesis

3 1 0
                                    

Isang umuulan na umaga ang sumalubong kay Elias mga amoy ng sunog na bahay ang nalalanghap niya imbis na sariwang hangin. Napapaligiran siya ng mga bitak ng bato na galing sa mga gumuhong sementadong bahay, papungas pungas pa ng mata si Elias hindi makapaniwala sa mga nakikita niya. "Ano nangyari dito?" Nagtataka na tanong ni Elias sa kanyang sarili, sa kalayuan may nakita siyang tumatakbo na sundalo na tila pamilyar sa kanya.

"Sundalo!" Sigaw ni Elias "Dito!" Hinahanap ng sundalo kung saan nanggagaling ang boses, nang makita niya ang isang tao na kumakaway kumaripas ito papunta sa kanyang direksyon. "Anong nangyari kagabi?" Tanong ni Elias "Dumating ho ang mga sundalo ng Bagong Katipunan at may dala po silang mga kanyon! Nahirapan po tayong depensahan ang linya natin" halata sa itsura ng sundalo na siya ay pagod na pagod na sa kakatakbo para maghanap ng mga natitirang sundalo.

"Anong pangalan mo Hijo?" "Gado ho" tugon ng sundalo, "Sige ganito ang gawin mo hayaan mo na ako na ang maghanap ng mga natitira nating kasama at pumunta ka agad sa Blumentritt at ipaalam ito sa konseho at sabihin mo bumagsak na ang San Nicolas" Sabi ni Elias habang inihahanda niya ang kanyang sapatos at riple. Dalian mo at umiwas ka sa mga makikita mo na kalaban. Dahan dahang tumayo si Elias, sinisilip at matyagang nagmamatyag kung meron siyang makikitang kalaban.

Inumpisahan na ni Elias ang paghahanap sa mga sundalo, bawat sulok ng bahay masusing hinaludgod. Naghanap na din siya ng mga gamit na papakinabangan niya at sa hindi kalayuan may narinig siyang nag-uusap na sundalo at naglalakad papunta sa direksyon ng bahay na pinasukan niya. Dali-dali pero dahan dahan ito kumilos upang magtago, sinilip nito ang kanyang baril kung meron pa itong sapat na bala para ipagtanggol niya ang kanyang sarili kung siya man ay makita. Sumilip siya sa bintana para malaman kung anong posisyon na nila, bumalik sa pagkakaposisyon si Elias at aksidente niyang nasipa yung lata at tumilapon ito pababa sa hagdan na siyang dahilan kaya nabigla ang mga sundalo at biglang naging alerto sa kanilang paligid.

Kinakabahan at pinagpapawisan kaya agad lumipat siya ng posisyon nagbabakasali na pumasok yung mga sundalo. Pumasok si Elias sa isang kwarto kung saan may isang bintana sa gilid niya, nakarinig siya ng yapak na tila dahan dahan na papalapit sa kanya "Alam ko may tao dyan kaya kung ako sayo sumuko ka na lang bago pa magpantay yang dalawang paa mo". Kinakabahan at nakatutok lang ang baril ni Elias sa pinto kung sakaling pumasok man ito, nanginginig ang hintuturo na tila sabik na sabik ng kalabitin ang gatilyo. Nakita niya na ang nguso ng baril kaya agad niya ito itinutok pa ng maayos ng biglang sa iisang bintana may tumutok sa sentido ni Elias "Ibaba mo yan at sumama sa amin" tulala at hindi alam ang gagawin, unti-unti niyang nililihis ang pagkakatutok nito ng biglang pumasok ang sundalo na nasa pinto at ipinalo sa kanya ang baril.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bagong SigloWhere stories live. Discover now