Chapter 1: Friendship

26 2 0
                                    


????: "Hindi ka nararapat sa school na to! Kung ako sayo, umalis ka na dito!"

????: "Oo nga, bat ka pa lumipat? Hindi bagay ang isang Baliw sa school na to! Tignan mo nga ang itsura mo, you look like Sadako! You give me creeps!"

????: "Hoy! Kayong dalawa, tigil tigilan nyo nga ang panglalait. Akala niyo kung sinong perpekto kayo kung magsalita ng ganyan."

????: "A-Aldrich?"

Aldrich: "Oo, ako nga. Bilis, mag sorry na kayo sa kanya. Kung hindi, dadalahin ko kayo sa Guidance office. Alam niyo namang bawal ang Bullying dito eh."

????: "Haist. Oo na, oo na. Uhm.. Helena. Im sorry.. I didnt mean what I said to you."

????: "Yeah. Me too, were sorry. Hindi na mauulet.."

Aldrich: "Good! Ngayon, umalis na kayo. Wag niyo na ulit siyang gagambalain pa. Pag nakita ko pa ulit kayong pinagtutulungan siya, hello guidance office kayong dalawa. Am I clear?"

????: "Opo!"

Aldrich: "Helena.. Ayos ka lang? Hindi ka ba sinaktan ng dalawang babae na yun?"

Helena: "H-hindi naman. S-salamat sa pagtatanggol mo sakin.."

Aldrich: "Wala yun, ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang Sgt. at Arms ng section natin. Tayo ka na dyan"

Iniabot ni Aldrich ang kamay niya kay Helena para tulungan itong tumayo. Pero nakatitig lang si Helena sa kamay niya. Hindi niya alam ang gagawin, natataranta siya. Dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking matagal na niyang iniibig ng palihim. Hindi na nakapag antay si Aldrich at siya na mismo ang kumuha ng mga kamay nito para maitayo na niya ito.

Aldrich: "Halika nga dito, masyado mong sineseryoso ang mga sinabi ng mga babaeng yun eh. Para hindi ka na malungkot, ililibre kita ng ice cream!" Ngumiti siya kay Helena na siya namang ikinamula ng mga mukha nito.

Nagbigla kasi siya sa ginawa sa kanya ng binata. Ngayon niya lang nahawakan ang kamay nito. Almost 2 years na kasi siyang may pagtingin dito. Halos tingin lang sa malayo ang nagagawa nito noon. Pero ngayon, nahawakan na niya ang kamay nito at kahit simpleng bagay lang yon ay malaki na ang kasiyahang naidudulot nito sa kanya.

Aldrich: "Dali! Baka maubusan tayo! Ang dami pa namang nabili nun sa canteen."

Hinila siya ni Aldrich papuntang canteen para bumili ng ice cream. Medyo mabilis ang paglalakad nila habang magkahawak ng kamay. Nakatungo lang si Helena at tinitignan parin ang magkahawak nilang mga kamay. Hindi parin mawala ang pamumula ng mga mukha nito. Kinakabahan siya na baka mapansin ito ni Aldrich. Kaya minabuti na lang niyang tumungo para maitago ang mukha. Nakarating na sila sa canteen.

Aldrich: "Anong favorite mong flavor?"

Helena: "S-strawberry f-flavor.." Uutal utal niyang sagot dito.

Aldrich: "Okay. Ate, isang Rocky Road at isang Strawberry flavor nga pong ice cream. Yung nasa giant cone."

Nagbayad na ang binata sa tindera at kinuha na ang binili nilang ice cream.

Aldrich: "Tara, upo tayo don!"

Helena: "S-sige.."

Nagtungo sila sa isang bench at doon umupo at kinain ang ice cream nila.

Aldrich: "Ang tahimik mo talagang babae. Napaka'misteryoso mong tao. Pero sa totoo lang, gusto ko ang mga tulad mo."

Napatingin bigla si Helena kay Aldrich dahil sa sinabi sa kanya nito. Pero agad niya ring iniwas ang tingin nito dahil pakiramdam niya ay namumula nanaman ang kanyang mukha. Hindi umiimik si Helena. Dinidilaan lang niya ang kanyang ice cream. Pero sa mga oras na to, gusto niyang sumabog sa tuwa. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Katabi niya lang ang lalaking gusto niya. Para bang tumigil ang mundo sa pag ikot nito at tanging sila lamang ang tao sa paligid.

Aldrich: "Mag salita ka naman oh. Ang tipid mong magsalita eh. Haha! Joke lang."

Helena: "Hindi kase ako sanay makipag usap sa ibang tao. Lalo na yung mga ngayon ko pa lang nakita at nakilala."

Aldrich: "Ah. Ganun ba. Ngayon alam ko na kung bakit ka ganyan. Matanong ko lang, wala ka bang mga kaibigan?"

Helena: "Wala.."

Aldrich: "Ha? Ang loner mo naman. Kahit isa wala? Tsk. Osige, simula ngayon, ako na ang Bestfriend mo. Okay ba yun sayo?"

Napalingon nanaman si Helena kay Aldrich. Nagulantang nanaman siya sa sinabi nito sa kanya. Nakikipag kaibigan ang taong matagal na niyang lihim na minamahal. Hindi na siya umiwas ng tingin dito, bagkus ay nakatitig lang sila sa isa't isa. Pero bakas parin kay Helena ang medyo mapula niyang mukha. Hindi niya maalis ang titig sa binata. Wala ring nalabas na salita mula sa kanyang bibig. Gusto niyang magsalita pero may kung anong dahilan ang pumipigil sa kanya para gawin ito. Nagulat na lang siya ng nagsalita si Aldrich.

Aldrich: "Huy! Bat ka natulala? May naaalala ka ba? O may dumi lang ako sa mukha?"

Helena: "W-wala, ano kase.. hindi ako basta basta nagtitiwala sa mga tao."

Pinat ng binata ang ulo nito na siya namang ikinagulat ulit ng dalaga.

Aldrich: "Tingin mo naman siguro sakin, isang mabuting tao diba? So trust me" :)

Helena: "O-oo naman.. m-mabuti kang tao.." Uutal utal niyang sagot dito.

Aldrich: "It means, tinatanggap mo na ako bilang isang kaibigan mo?"

Nag nod na lang siya bilang tugon sa tanong ng binata.

Aldrich: "Great! Hehe. At bilang isang kaibigan mo, ako na ang magtatanggol sayo simula ngayon!"

Ngumit lang siya nang nakatungo sa sinabi ni Aldrich. Simula nung araw na iyon. Mas lumalim na ang pagtingin nito sa kanya. At duon na rin siya nagsimulang mabaliw..

Let Me Kill Them [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon