Chapter 2: The Evil Within

17 2 0
                                    


2 months later..

Naging matatag ang pagkakaibigan nila Helena at Aldrich. Pero tanging siya lang ang kinakausap nito bukod sa iba nitong mga kaklase. Kinakausap niya lang sila pag may kailangan. Napaghahalataan tuloy silang mag syota. Hinahayaan lang ito ni Aldrich pero si Helena ay gustong gusto ito. Hanggang sa dumating ang isang babae sa buhay nila. Si Charice Almari. Isang magandang babae na gustong ligawan ni Aldrich pero nahihiya ito. Kay Helena lang niya ikinukwento ang tungkol sa lihim na pagtingin ng binata. At hindi natutuwa si Helena dito.

Aldrich: "Magtatapat na ako sa kanya Tamz.." Tamz ang tawagan nila sa isa't isa.

Helena: "S-sigurado ka na ba Tamz?" Pag aalala niyang tanong dito.

Aldrich: "Oo, hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Baka maunahan pa ako ng iba. Pagsisihan ko pa."

Helena: "Pano kung i'reject ka niya? Pano kung--" Hindi na natapos si Helena sa pag sasalita ng magsalita ulit si Aldrich.

Aldrich: "Okay lang Tamz. Atleast nag try ako. Tsaka, walang problema sakin kung tanggihan niya ako. Basta nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ayos na sakin yun."

Nakatungo lang si Helena habang nagsasalita si Aldrich. Parang nasasaktan siya sa mga sinabi ng binata. Nag closed fist siya at hinigpitan ang pagkakasara nito. Tinapik siya ni Aldrich sa balikat.

Aldrich: "Oyy Tamz. Ayos ka lang ba?"

Helena: "A-ayos lang ako. Teka lang, pupunta lang ako ng CR."

Umalis na si Helena sa tambayan nila. Sa isang sulok ng Gym. Dun ang tambayan nilang dalawa. Naiwang mag isa si Aldrich. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Nasa loob na si Helena ng Cr. Mag isa lang siya don. Nag hilamos ng mukha at humarap sa salamin.

Helena: "Hindi maari. Hindi dapat mangyari ang binabalak ni Aldrich. Hindi ako makakapayag. Kailangan may gawin ako bago mahuli ang lahat." Kumurba ang isang nakakatakot na ngiti sa mukha ni Helena. Parang may balak itong masama. Ilang saglit pa'y umalis na siya ng Cr. Pumunta na ulit siya sa kaibigan niyang si Aldrich.

Aldrich: "Ayos ka na Tamz?"

Helena: "Oo Tamz. Tara na sa classroom. Malapit ng matapos ang Lunch Break."

Aldrich: "Sige, tara na."

At umalis na silang dalawa sa Gym para pumasok na sa loob ng classroom nila. Habang naglalakad sila sa corridor ay napansin ni Aldrich na makakasalubong nila ang babaeng kanyang palihim na minamahal. Si Charice. Tumungo ang binata para umiwas ng tingin dito. Napansin naman ni Helena ang kinikilos ni Aldrich. Pagtingin niya sa harapan ay nadun na ang babaeng si Charice. Tinitigan niya ito ng masama. Kulang na lang ay lamunin niya ng buo ito. May mga kasama si Charice. Ang kanyang mga kaibigan. Tatlo sila at nagkukwentuhan. Hindi nakatingin si Charice sa dalawa pero ang isang kaibigan niya ay nakita si Helena. Kinilabutan ito ng makita niya ang mga mata nito na nakatitig kay Charice. Napalunok ito dahil sa kaba. Nakalampas na sila Aldrich at Helena sa magkakaibigan. Sa kabilang banda naman, ang kaibigan ni Charice na nakakita kay Helena ay nagsalita.

Jenny: "C-charice.. nakita mo ba yung babaeng nakasalubong natin kanina?" Kabadong pagtatanong niya dito.

Charice: "Hindi eh. Bakit?"

Jenny: "Nakatingin siya sayo ng masama. Nakakatakot siya. Parang isa siyang demonyo."

Sumabat na rin ang isa nilang kaibigan na si Lexi.

Let Me Kill Them [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon