Chapter 4: Beauty And Madness

11 3 0
                                    

    Kinabukasan. Nagpatuloy ang pag iimbestiga sa pagkawala ni Charice. Tulad kahapon, may mga pulis na nakakalat sa paaralan. Sinusubukang makahanap ng ebidensya. Pero sa kasamaang palad. Wala nanaman silang napala. Umalis sila sa eskwelahan na walang nangyari. Si Aldrich naman ay hindi parin makapaniwala sa pagkawala ng dalaga. Alalang alala na ito. Gusto niya itong hanapin. Kaso wala siyang magawa. Kaya naman nadidismaya ito sa sarili. Ganun pa man, hindi ito nawawalan ng pag-asa na mahahanap din siya. Pero ang hindi niya alam ay patay na ito. Maagang pumasok si Aldrich dahil nakikiusiyoso siya sa mga pulis. Nang makaalis na ang mga ito ito ay umalis na rin siya. Pumasok na siya sa silid aralan nila. Umupo at tumingin sa bintana. Pinag mamasdan ang mga ulap. Maya maya pa'y merong babaeng pumasok sa loob ng silid. Napapatulala ang mga kaklaseng nakakakita sa kanya. Parang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Si Helena. Ibang iba na ang itsura nito. Ang dating pangit na mukha ng dalaga ay nagbago. Gumanda na ito. Mula sa dating kulot at buhaghag na buhok nito ay nagstraight na. May kolorete ang mukha. May lipstick na pula ang labi. Ang ayos niya tignan ngayon. Lumapit si Helena kay Aldrich para mapansin siya nito. Napalingon ang binata sa kanya a katulad ng iba, namangha ito sa nakita.

Aldrich: "H-Helena? I-ikaw ba yan?" Uutal utal nyang sinabi.

Helena: "Oo naman. Ako ito, bakit? Akala mo ibang tao?" Mahinhin niyang sinabi at nasundan ito ng mahinang tawa.

Aldrich: "Oo, ibang iba kasi ang itsura mo ngayon. A-ang ganda mo.." Napatungo si Helena sa sinabi ng binata. Nagsisimula na ring mamula ang mukha nito. Tagumpay ang plano niyang pagpapaganda. Napansin na rin siya ni Aldrich at ikinatuwa niya ito.

Helena: "Salamat Tamz.." Nakatungo niyang sinabi.

Aldrich: "Anong meron Tamz? Bat biglaan ang pagbabago mo? Siguro may nagugustuhan ka ng lalaki noh? Ayiee!" Kantyaw niya dito.

Helena: " Hindi naman sa ganon Tamz. Gusto ko lang magbago ang tingin niyo sakin.." Mahina niyang sinabi.

Aldrich: "Haist. Alam mo Tamz, hindi mo na kailangang baguhin ang sarili mo para mapansin ka ng ibang tao. Mas maganda parin tignan ang ugali kaysa sa panlabas na anyo." Nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon.

Helena: "Kung sabagay.."

Kung merong natutuwa sa pagbabagong anyo ni Helena. Meron din namang hindi ito nagugustuhan. Ang dalawang magkaibigan na sina Tiffany at Laura. (Sila yung nang aapi sa kanya sa chapter 1)

Tiffany: "Tignan mo friend, trying hard ang Peg ni witch. Akala mo nagbago talaga siya ng itsura, hindi niya alam ganun parin siya. Isang Loser parin." Mataray niyang sinabi sa kaibigan.

Laura: "Tama ka dyan friend. Nako! Papansin lang yan. Pabayaan mo na." Tugon niya dito.

Dumating na ang guro nila at nagumpisa ng magklase.

*Recess Time*

Magkasabay ang dalawang magkaibigan na sina Aldrich at Helena. Maraming napapalingon sa dalaga. Lalo na ang mga kalalakihan. Yung iba ay sinisipulan siya. Yung iba naman ay nag ha-"Hi" sabay kindat sa kanya. Hindi niya ito pinapansin. Dahil tanging si Aldrich lang ang gusto nitong makapansin sa kanya.

Aldrich: "Grabe Tamz. Ang daming nakakapansin ng ganda mo ngayon. Haba ng hair mo! Haha!" Kantyaw niya dito.

Helena: "Ano ka ba Tamz. Wag mo nga akong inaasar dyan."

Aldrich: "Talaga naman ee. Haha! Pero seryoso. Napakaganda mo talaga ngayon.."

Dahil sa sinabi niyang yon, agad namula ang mukha ni Helena. Tumungo ito para hindi makita ng binata. Hindi na ito nakaimik pa. Pero tinitignan siya ni Aldrich na nakangiti sa kanya. Hindi sila bumili ng pagkain dahil busog pa daw sla. Kaya pumunta na lang sila sa favorite tambayan nila.

Aldrich: "Tamz.."

Helena: "B-bakit Tamz?"

Aldrich: "M-may partner ka na ba para sa gaganaping JS prom?"

Helena: "Ha? W-wala pa nga eh.."

Aldrich: "Gusto mo tayo na lang ang magpartner?"

Napalingon si Helena sa kanya. Gulat na gulat ito sa sinabi ng binata. Hindi niya alam ang isasagot. Hindi din siya makapagsalita. Ngayon lang kasi may nagyaya sa kanya. Dahil hindi naman ito nasama sa mga okasyon kagaya ng JS prom. Ngayon, parang gusto na niyang sumama. Dahil niyaya siya ng lalaking kanyang kinababaliwan. Ilang saglit pa ay nagsalita na si Helena.

Helena: "S-sure. W-walang problema." Uutal utal niyang sinabi.

Aldrich: "Talaga? Yun! Salamat Tamz!"

Mas lalo siyang nagulat ng bigla siyang yakapin nito. Halos manginig ang buong katawan niya. Nakatulala siya habang yakap yakap siya ni Aldrich. Hindi niya namalayang napayakap narin siya sa binata. Halos sampung segundo silang magkayakap. Unang bumitaw si Aldrich.

Aldrich: "Wala ng bawian Tamz ha?"

Helena: "Oo naman.."

Sa kabilang banda, nakita sila ni Tiffany at Laura. Nakita nila ang dalawa na magkayakap. Hindi ito ikinatuwa ni Tiffany dahil may gusto ito sa binata.

Tiffany: "Look at her! Oh my gahd. The witch turn into a b*tch. How dare her flirt with my Aldrich!" Galit na sinabi niya.

Laura: "Ano friend? Talo ka pa ng babaeng yan. Did you see? Si Aldrich pa ang unang yumakap sa kanya. Haha!"

Tiffany: "Shut up! Wag mo nga akong asarin. Hindi ako makakapayag na landiin siya ng bruhang yan. Makikita niya.."

Laura: "Anong binabalak mo?"

Tiffany: "You'll see. I have a surprise for her. A surprise that she will never forget."

Laura: "Kelan naman yun?"

Tiffany: "On the JS Prom.." At ngumiti siya ng isang nakakalokong ngiti.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Kill Them [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon