CHAPTER 2- BLack Coffee..

115 0 0
                                    

   Nakatayo lang sya doon habang si Isha naman ay nag bibilang na ng kanilang benta. Nag uumpisa na silang mag linis paunti unti may isang oras at kalahati pa naman bago sila tuluyang mag close.

     Sa di inaasahan may pumasok pang customer ng ganoong oras. Bihira na kasi kapag ganitong oras ang may magawi sa shop nila. Dumiretso  ang babae sa counter at umorder.

"PST...ikaw na ang kumuha ng order.." senyas nito sa kanya. Agad nyang sinalubong ang customer na dating regular customer sa shop."good evening ma'am! May I take your order?" naks sabi nya sa sarili. Napapaengles sya sa nerbiyos pero nawala naman agad ang nerbiyos nya ng mapansin ang lalim ng iniisip ng kaharap."coffee caramel ma'am for one??" parang sinusudgest narin nya ang oorderin nito kesa sa tinatanung na nakapukaw naman sa mukang lumilipad nitong diwa..

     Sawakas ay timingin na ito sa kanya ngunit lampas naman."what's wrong with her!!?" nag aalalang naitanung nya sa sarili at the back of his mind.

      "Two coffee please! " wala parin sa sariling sabi into "aish! may kasama pala sya. Asan kaya? Baka naman mag tetake out. Babae kaya!?? " ibat iba ang pumapasok sa isip nya" coffee caramel for two ma'am?" paniniguro niya " no, one caramel and black coffee with out sugar please!." nanibago siya rito..Nararamdaman nyang mukang may problema ito. She loves coffee caramel or atleast with any coffee creamer but black coffee is a big no. Lalu na without sugar. Ayaw nya ng mapait. "Take out or dine in?" sinubukan pa nyang ngitian ito pero mukang di naman nito napansin at ganun parin" dine in" "so makikita ko ang kasama nya" bulong nya sa sarili "okey ma'am I'll get your orders. Sa cashier po ang bill. Pakihintay na lang po sa table nyo ang order nyo." tumalima ito at agad na nagbayad kay Isha. Kinuha naman niya ang order nito. Maya maya pay dala na nya ang order nito "here's your coffee ma'am." dahan dahan nyang inilapag iyon sa table" thank you!" Bahagya itong tumingala sa kanya dahil nakayuko ito at pilit na ngumiti sa kabila ng nababanaag nyang lungkot sa likod ng mga mata nito.  Tinanguan nalamang niya ito pero bago siya tuluyang makalayo napansin pa niya na matamlay na binuksan nito ang cup with the black coffee. Tama nga siguro ang kutob niya.

Hindi sya mapakali habang hinihintay ang taong madalas niyang nakakasamang magkape sa lugar na iyon.Hahawakan nya  ang paper cup na may lamang mainit na kape at dadamhin ang init na nagmumula dito. Para bang nakakalma niyon ang kabang bumabalot sa kanya. Gusto na rin niya itong buksan at inumin pero nag aalinlangan sya. A yaw nyang ubos na ang kape bago pa sila magsimula mag usap ng taong yun para bang  mapapakalma siya ng inumin mamaya pag nagkaharap sila. Kumakabog ang dibdib nya at habang papalapit ang oras ay para na syang sinasakal at para bang gustong lumabas ng kung ano mula sa kanyang sikmura. Hihigpit ito at waring may kung anung nakabara.

Sinusubukan nyang pumikit at pakalmahin ang sarili habang walang kamalay malay na mula sa malayo ay may mga matang nakamasid sa kanya. Napabaling sya sa entrance dahil nakatalikod sya doon at mula rito natanaw nya ang taong papasok sa entrance at saglit na tumigil doon saka nagpalingalinga iniikot ang paningin na waring may hinahanap at di rin nagtagal ay nahinto at natuon ang paningin nito sa direksyong inaasasahan nya.

Naglakad ito at parang naging slowmo ang paglalakad nito. Bahagya pa itong ngumiti at mukhang excited na makalapit sa kanya na pakiramdam nyay naninigas na ngayon sa kinauupuan. Yumukod ito pagkalapit sa table niya at mabilis na dinampian sya ng halik sa pisngi kaya lalu syang di nakagalaw. Hindi na nito hinintay na makapagsalita sya at alukin itong okupahin ang katapat na upuan niya. Agad itong nag tungo sa upuang iyon at naupo. Ngumiti pa itong muli sa kanya na nagpakirot na man sa puso nya. Parang gusto na niyang tumayo bigla at yayain na lang itong lumabas at gawin ang mga madalas nilang gawin na sa kasamaang palad ay salunghat sa mga inaasam niya. Alam nyang iba ang iniisip nito sa pagkikita nilang iyon. Iniisip rin nyang ganun nalang din sana ang sa kanya at kalimutan na lang ang totoo niyang pakay. Inilapit nito ang kamay sa kanyang kamay na nakapatong sa table at hinawakan ito't bahagya pang pinisil. May itinatanong na pala ito sa kanya na hindi niya nadinig dahil lutang na siya. Nang matauhay agad niyang nabawi ang kamay at napawi ang ngiti nito na agad napalitan ng kunot sa pagitan ng makakapal na kilay. Alam niyang batid nito ang dahilan pinipilit lamang nitong ignorahin iyon at ibahin ang mood baka sakaling mabago rin ang laman ng isip niya.

Pero nagkakamali ito dahil hindi lang ganun kasimple ang nasaisip niya. Ngayun kinuha na nya ang kape at saka lumagok nang makailang ulit saka ibinaba ang kape sa table...


WARNING!
Maraming typos at grammatical errors. Paki correct nalang kung nakakasakit sa inyong mga mata. Salamat!

Votes for inspirations and
comment down bellow for your suggestions and reactions.

Be blessed every one!

Ava

Coffee Love-When Love Reveal Itself To You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon