CHAPTER 3- Breaking Hurts

15 0 0
                                    

     She sip a bit from her coffee before she finally decided to talk with him. Nagising naman ang diwa nya ng gagapin nito ang kanyang kamay. Kanina pa pala itong nagsasalita pero hindi nya naririnig sa lalim ng kanyang iniisip.

"Asawa ko!" malambing nitong pukaw sa atensyon nya.

        Naramdaman nyang gumalaw ang mga kamay nito at bahagyang pinisil  ang nanlalamig nyang mga palad. Mainit ang palad nito na nag kukulong sa kanyang maliit na mga kamay pero nakakapagtakang wala siyang naramdaman ni kaunting damdamin sa pagkakadap op ng mga iyun sa kanyang mga palad.

" Spear, itigil na natin to. " kinakabahang pahayag n iya matapos dahan dahang bawiin ang mga kamay sa pag kakahawak ng kasintahan.

      Kitang kita nya ang pag titiim bagang nito na agad ding nag laho sa halip ay muli nitong sinakop ang mga kamay niya na nanatili paring nakapatong sa table upang maging suporta sa nanlalambot na niyang tuhod. Lumambot muli ang anyo nito at iginiya ang kanyang kamay sa labi nito upang masuyong halikan ang likod ng kanyang mga palad.

" Asawa ko, hi-hindi kita maintindihan." Sa nalalambing nitong tinig.

" Spear, let's break! " Diretsong pahayag niya dama ang sakit na bumabara sa lalamunan.

" Asawa ko, no! Hindi- hindi ka makikipag hiwalay sa akin. Mahal mo ako diba? Diba? " matigas nitong tutol.

" Spear, please! Wag mo na akong pahirapan pa."

garalgal na ang boses niya at pinipigilan lang ang tuluyang  mag breakdown. Marami pa siyang gustong sabihin kaya matigas siyang lumunok.

"Audrey,maniwala ka. Minahal talaga kita." Lalu lamang siyang pinanghihinaan ng loob sa sinasabi nito.

         Gusto na nyang sabihin lahat ang mga salitang pilit niyang pinigilang lumabas sa kanya simula ng araw na mapagtanto niya ang katotohanan.

"Spear, four years..Four years yun na ako lang mag isa." Napakasakit na nagbabalik na naman sa kanya ang bawat oras na kinukumbinse niya ang sarili  upang manatili sa relasyung iyon.

     Sobrang sakit ng nara-ramdaman niya ngayun at halos hindi na  marinig ang sariling boses sa harapan nito.

" Asawa ko, okey naman tayo. Hindi tayo nag aaway. Bakit-bakit ka nagkakaganyan?" Nagtatanung ito na parang wala itong nalalaman sa totoong dahilan kaya nakakadama saya ng pag hihihimagsik sa kanyang kalooban.

" Spear, kung hindi ba ako makikipag break itatama mo na ba ang lahat saatin? " sumisikip ang dibdib nya na tanungin ito sa huling pag kakataon.

" Audrey, hindi naman kailangang umabot sa ganito. Wala naman tayong nagiging problema. Masaya naman tayo di ba? Naiintindihan mo naman hindi pwedeng-" banggit nito sa pangalan niya na ibig sabihi'y nawawalan na ito ng gana sa usapan at mag papaikot ikot lang sila.

        Ganito ito tuwing bubuksan niya ang topic na iyon kahit sa puntong nakikipag break na siya at kalimita'y nauuwi sa wala dahil hindi nya rin kayang iwan ito. Gusto sana niyang may patunguhan pa ang relasyun ito. Gusto nyang maramdaman nito ang kanyang pag mamahal. Umasa sya kaya nagawa nyang mag tiis. Pero hindi na ngayun. Hindi ordinaryo ang naging relasyun nila at hindi nya inisip na mararanasan nya ang ganung bagay. Totoo nga palang pag nag mahal ka lahat magagawa mo. Sa sitwasyon nya hindi totoong love is blind. Aware sya sa katotohanan ipinikit lang nya ang mga mata nya. Pikit matang tinangap ang lahat at sinarili ang saloobin pero totoo rin palang kayang bumigay ng puso kapag sobrang sakit na. Bagay na pinangako niyang hindi mangyayari pero heto siya ngayun wasak ngunit  nag hahangad na makalimot at muling buuin ang nasirang damdamin...

" Spear, masaya tayo? Masaya tayo dahil nag prepretend tayong walang problema na normal lang ang lahat. " naghi histerical na siya.

" Pero akala ko masaya ka sa akin? Na tangap mo ang sitwasyon natin? " determinado itong ipilit ang katuwiran .

" Spear, masaya? Iniisip mo bang talagang masaya ako. Nagawa kong tangapin oo. Pero ang  maunawaan at maging masaya hindi ko kaya.." Unti unting pumatak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

" Asawa ko, bakit umiiyak ka na? Asawa ko.. " Nasa tono na nito ang pag aalala at pag kataranta.

" Spear naman..Tinatanong mo ba talaga sakin yan. " Hindi nya ito mapaniwalaan.

" Asawa ko, I'm sorry kung ganito ako. " Muli nitong ginagap ang kanyang kamay at pinisil pisil.

       Lalu lamang siyang nasaktan sa mga sagot nito at tuluyan ng napahagulhol.

" Alam mo sinisisi ko ang sarili ko higit sayo kase hinayaan kitang gawin sakin to. Dahil sayo pakiramdam ko wala akong halaga kaya nagawa mo sakin to. Kaya ganito lang ako para sayo. Yung pag papapahalaga ko sa sarili ko, yung pag tingin ko sa sarili ko lahat yun nawala, bumaba. Nagbago na ko hindi mo ba naramdaman yon? Nang tinuruan ko ang sarili kong tangapin lahat ng mali namatay narin ang damdamin ko. Ni hindi ko magawang maging masaya kapag kasama kita kahit pa paulit ulit kong sabihin na yun lang ang gusto ko ang makasama ka kahit minsan. Hindi na ako yung possitive na babaeng nakilala mo. Ni hindi ko na magawang ipakita ang totoong ako sayo dahil paulit ulit binubulong ng kunsensya ko na hindi naman totoo ang lahat satin. Wala itong halaga at kahulugan kahit pa may relasyun tayo bagay lang ako napag aari kung ituring mo." Tuloy tuloy sa pag agos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata na nagpapalabo na sa kanyang paningin.

" Audrey, hi-hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sayo ngayun. " Ang mas lalong nagpapasakit sa kanyang kalooban na wala man lang itong masabi.

" Spear, nagpaka tanga ako at gusto kong maging ganun nalang para magawa kong tangapin lahat at manatili ka lang sa buhay ko pero ang sakit sakit na. Puno ako ng pangamba sa tuwing iisipin ko ang kinabukasan na baka isang araw sasabihin mong iiwan mo na ako pero alam kong walang pinag kaiba ang ngayun sa araw na kinatatakutan ko. Ayaw ko ng matakot Spear. Ayaw ko ng maramdaman yung galit at sakit kase tinatanung ko ang sarili ko kung bakit ako. Kung ano ba yung mali sakin. Kung bakit ginanito mo ako. Ayaw ko nang pag dudahan ang sarili ko. Ayaw ko ng magalit sayo, sa kanya at matakot na baka isang araw wala na kahit konti. Pagod na pagod na ko. " sigurado na syang ito na ang gusto nyang gawin.

         Bagsak ang balikat na binitawan nito ang mga kamay nya. Masakit na nababasa nya sa mga mata nitong nasasaktan ito pero wala ni isang paliwanag ang kaya nitong ibigay sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Unti unti itong yumukod at dinampian sya ng halik sa pisngi bago tuluyang humakbang palabas ng cafe. Kahit sa huling pagkakataon ay hiniling niya na sana'y tumutol parin ito kahit pa desidido na siyang makipag hiwalay dito. Sana'y hindi sya hinayaan nito ng ganun na lang. Sana'y ipinaglaban sya nito...

    Ngunit ito na rin siguro ang paraan to break all her hurts...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coffee Love-When Love Reveal Itself To You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon