| Chapter Two |
| Unwelcomed |
**KYLE**
"Kuya mamayang 6 mo na ako sunduin. Kailangan ko pang mag-libot sa campus para sa familiarization. K? Thanks. Bye Kuya Jops."
Sinara ko ang pintuan ng sasakyan. Ewan ko kung bakit pero everyone was looking at me when I turned around.
Oo nga pala. Transferee nga pala ako. Wew. Gwapo alert. Kung puro ganito ang hitsura ng lalaki sa school na to, makakalimutan ko talaga ang goal ko.
"Hello. You must be new. I'm Markki." May kamay na pumulupot sa akin na ubod ng puti.
"Uhm, Kyle Montaniel. Pleased to meet you Markki." Sabi ko naman. Kahit labag sa kalooban kong makipagkamay dahil basa ang kamay ko, tinuloy ko pa rin. Only to discover na basa din pala yung kanya kaya, nevermind na lang.
"Montaniel? As in, Montaniel? You're the only son of the late William Montaniel aren't you? Montaniel ka talaga? Shit pare. Kaya pala ang gwapo mo!" Okay lang naman sana kung hindi niya sinigaw yung pagkabakla niya. At okay lang sana kung siya yung mapapahiya pero..
"Opo. Montaniel po ako. Can I go now?" I politely excused myself.
With a tone full of hesitation, he spoke. "May I show you around before anybody does? Kasi kapag dumating si School Chairman, baka ibang 'show you around' ang gawin niya. So, beware." Sabay evil smile.
Puro facility ang pinuntahan namin. May powder room din pala ang guys. Tapos may mga sections yung powder room. Kung anong skin tone mo, dun ka lang dapat. Ano to? Racist school? [Pero di ko matawag na ganun kasi puro mestizo sila.]
May food laboratory, may Starbucks vending machine, may tanning center, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi mo aasahang posibleng ilagay sa isang academic infrastructure.
Nung makarating kami sa registrar's office, at nasesense ko nang pagod na talaga sa kakasalita si Markki, nagpaalam na siya.
"Sige Kyle, I'll see you around. Magnate ka diba? Classmate naman kita kung ganun." Kumaway siya tapos umalis na.
Naghintay ako sa labas ng Registrar kasi sarado pa. Kailangan ko pa daw kasi i-activate yung ID ko. Kasi bukas mandatory na ang pagiging 'identified'.
"Without my consent? You accepted a new student WITHOUT MY CONSENT? I'll repeat. With. Out. My. Consent! Do you want to live your life in a hellhole Ms. Bagonggahasa? Do you?"
May mga librong nagbagsakan. I could clearly hear that a commotion inside the office is ongoing. Bagonggahasa? Is that a surname? O isang monicker?
Nag-ring na yung bell. Signalling the start of my the first period. Kailangan ko nang magmadali so I knocked hard on the door. Softly hard. Basta ganun. Katok na may poise.
"WHAT DO Youu uhm, want?" That sounded weird. Pasigaw na naging pabulong?! From troll face to sweet smile.
"Ms. Registrar kailangan ko na pong i-activate yung ID ko para makapasok na ako sa class ko. Here's my card po."
Inabot ko sa direksiyon ni Ma'am yung card pero hinablot nung lalaking sumisigaw kanina. As he studied my card, I stared at his face. Mukhang baby. Baby na matangkad. Baby. Basta mukhang baby. Tapos naging baby na monster.
"IKAW?!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit ako?!" Sigaw ko naman.
"You're the new student." He said.
"Yes I am. Do I look old and barren just like you? No. So that is a precise evidence that I am new." I answered.
Lord. Patawarin niyo po ako. Nagsisinungaling lang po ako.
Napanganga siya.
But he did not speak a word.
Nakakainis. Kaya pala siya nagsisisigaw kanina kasi nag-enroll ako. Ano to, school niya? Maybe sa kanya nga. Pero human right ang access to education diba?
"Are you speechless? Well you better be. Hindi mo ako mapalaali----"
Sinunggaban niya ako with all his might. Narinig ko na nalaglag sa upuan yung registrar. But I did not turn around to see her. I can't.
Because he covered my mouth.
With his mouth.
BINABASA MO ANG
The Sharp Curve (boyxboy)
Teen FictionNagtransfer si Kyle sa isang exclusive school for boys para magpakalalaki. It was a thought out of the blue na biglang nagmaterialize..isang sharp curve sa monotonous niyang buhay. Pero hindi niya inexpect na sa first day niya sa bago niyang school...