03

91 11 1
                                    

Faith's Pov

I woke up early because someone knock my door. Malakas ang pagkalabog at kulang nalang ay masira ang pinto ng kwarto ko.

Bago pa man ako makabangon at pagbuksan siya ng pinto ay iniluwa na ng pinto si Mama.

"My favorite daughter gumising ka na diyan." sabi ni Mama at hinagisan ako ng unan.

I looked at her at nagtaka dahil ang aga-aga ay naka pang office attire siya.

"Ma, ako lang naman yung anak mo kaya malamang ako lang yung favorite mong anak." Saad ko at muling nagsalita. "Atsaka ang aga-aga pa gagala ka na naman po?"  tanong ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

" Anong gala sinasabi mo d'yan? Pupunta akong coffee shop dahil may i-mimeet akong business partner." she explained at inayos ang sarili niya sa harap ng salamin ko.

Mendoza company, iyon ang kumpanyang pinapatakbo ng pamilya namin. Halos lahat ng mga coffee shop sa buong bansa ay hawak namin.

" Oh siya, kumilos ka na d'yan at nagpaluto na ako kay Manang Ofelia ng breakfast mo. At hindi ko gagamitin ang kotse natin dahil sasabay ako sa papa mo." sabi niya at lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

" Maligo ka na dahil ang baho mo na." dagdag niya pa at tumawa kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.

Nang makaalis na si Mama ay ginawa ko na ang usual morning routine ko. Nang matapos ay bumaba na ako sa dining area at kumain na.

"Manong, halika na po." utos ko sa driver namin at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakikita ko sa aking peripheral na tintingnan ako at pinagbubulongan ng mga ka-school mates ko.

At first, I doubt pero naaalala ko na marahil alam na nila yung nangyari sa pagitan namin ni Clarkson nung Monday.

I Just shrugged at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Wala namang mawawala sa akin kung pagtsismisan nila ako, eh. Hayaan nalang natin sila. Biruin niyo, 'di naman ako artista pero sikat na ako. Dami na nga atang bashers at haters.

Naging maayos naman ang naging morning class ko. Take down notes lang ang ginagawa ko at tamang recite lang, ganoon ka smooth ang nangyari.

" Okay class. I will group you into two. Ibig sabihin hahanapan ko kayo ng makaka-partner niyo sa paggawa ng project niyo sa history." Our history teacher said while looking at class attendance.

Nagsimula na siyang magtawag ng mga names na makakapartner.
Napalingon lamang ako kay Jen nang kalabitin niya ako.

" Sana tayo magka-grupo Faith." Aniya at pinagdikit ang kaniyang mga palad na para bang nagdadasal.

Para sa akin ayos lang naman kung sino makapartner ko. As long as yung goal namin ng kapartner ko eh makakuha ng mataas na grade.

Pero sana nga si Jen yung makapartner ko dahil iba pa rin talaga pagkagrupo mo 'yong kaibigan mo.

"Sana nga Jen." sabi ko at nagdasal din na sana magkatotoo
' yon.

The Way You Look At Me (On-going) Where stories live. Discover now