06

66 9 0
                                    

"Damn! What the hell is your problem? Fuck it!" sigaw niya upang tingnan kami ng mga tao sa loob ng computer lab.

" Bakit kasi nanggugulat?" inis na tanong ko kay Clarkson. Galit pa rin siyang nakatingin sa akin habang inaayos ang buhok niya at naupo sa may tabi ko.

" Kasalanan ko bang magugulatin ka." sarkastiko niyang sagot at umirap.

"Oh ako pa ang may problema ngayon? Alam mo kasi kung hindi ka nanggulat edi hindi kita mahahampas diyan." inis na inis na sabi ko rin sa kaniya.

"Shhh.." suway sa amin ng nagbabantay ng computer lab. Mataman kong tiningnan si Clarkson na tinatawanan ako dahil sa pagsaway sa akin nang nagbabantay.

"Ingay ingay kasi eh, 'yan tuloy napagalitan." he said, teasing me.

" Tara na at nagsisimula na' yong afternoon class."  he said nang siguro ay mag 15 minutes na kaming nagreresearch at nagtatype. Tumango ako at sinave na ang file.

Nauna ako sa kaniyang naglakad habang siya ay nasa likuran ko. Medyo naiilang ako dahil kaming dalawa lang ang magkasama at hindi pa namin kasama ang mga kaibigan namin. Ako kasi 'yong type ng tao na hindi sanay na may kasamang lalaki kahit na kaibigan ko pa siya. Ewan ko ba kung bakit.

Hindi siya nagsalita kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko.

Nang malapit na kami sa may room ay agad ko ulit kinuha ang panyo ko at muli kong iniharang ito sa mukha ko.

"Alam mo mukha kang tanga diyan sa ginagawa mo. Iisipin ko tuloy na may kaaway ka at takot kang makita nila." biglang pagsasalita ni Clarkson nang magsabay na kami sa paglalakad.

"Ano bang pake mo?" tanong ko sa kaniya and I raised my left brow.

"Just saying, iniisip ko lang naman 'yung sasabihin sayo ng mga tao." sagot niya naman. Napatigil ako sa paglalakad. Ang ibig niya bang sabihin ay concern siya sa akin, at bakit naman.

"Concern ka sa akin' no? Yiee si Clarkson concern sa akin." pang-aasar ko at sinundot sundot ang tagiliran niya.

"Hey! Hahaha stop that hahaha." pagtawa niya kaya naman ay mas lalo ko pa siyang kiniliti. So ibig sabihin may kiliti pala itong kupal na ito rito.

Nakarating pala kami sa room habang gano'n ang ginagawa namin. Nawala na nga sa isip ko ang pagtakip sa mukha ko dahil nadala ako sa tawa at pagkiliti kay Clarkson.

"Faith hahaha tama na hahaha hey! Stop it!" wala pa ring tigil sa pagtawa si Clarkson at gano'n din ako. Hanggang sa,

"Ouch.." usal ko at bigla akong natumba. Ang maingay na mga kaklase ko ay biglang tumahimik at napatingin sa gawi ko. Si Clarkson ay natigil rin sa pagtawa at gulat na tiningnan ako, katulad ng marami, ay nagulat din siya.

" Ayos ka lang ba? Shit!" sabi nito at mahinang minura ang sarili. Wait! I knew that voice. Si keny iyon, sure ako.

"Hey miss you okay? Sorry hindi ko sinasadya." nag-aalalang tanong niya.

"Oyy faith tinatanong ka kung okay ka raw." sigaw ni Jen at ng tingnan ko siya ay todo ngiti siya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya, oo, tinatanong nga pala ako. Hindi ako pwedeng hindi magsalita dahil mababastos lamang si Keny, ayoko naman na mangyari iyon, kaya naman ay sumagot na ako.

" Ahh oo ayos lang ako." usal ko at hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Tatayo na sana ako ng may dalawang kamay ang nakalahad sa harap ko. It's from Clarkson and Keny. Ohmy! I guess namumula na ang pisngi ko ngayon, kulang nalang eh sumabog na ako dito.

The Way You Look At Me (On-going) Where stories live. Discover now