07

85 9 0
                                    

Faith's POV

Pagkauwi ko kahapon ay agad kong prinint at nilagay sa folder ang project namin. Pagkatapos no'n ay agad kong tinapos ang Kdrama na pinapanood ko pa noong isang gabi. Sa sobrang pag ka antok ko kasi ay hindi ko na ito natapos.

Tirik na tirik ang araw at nandito kami ng mga kaibigan at kaklase ko sa school quadrangle para magparegister sa mga clubs.

"Jusko naman ang init init."  sabi ni Jen habang namamaypay. Pinagmasdan ko ang pila, napakahaba at aabutin pa siguro kami ng one hour bago matapos.

"Kung pwede lang hindi sumali sa mga clubs na'to ay hindi ako magtyatagang pumila."usal naman ni Alysha habang nagpupunas ng pawis na nanunuot sa kaniyang noo.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila habang umiinom ako ng napakalamig na tubig. Kagagaling ko lang kasing cafeteria para bumili ng snacks namin nila Jen.

" Ano bang club sasalihan niyo?" I asked them after kong uminom ng tubig. Kinuha ko ang aking panyo at pinunasan ang bibig ko.

"Dance Club akin tapos English Club."  sagot ni Trinity habang nagbabasa pa rin ng wattpad. Bilib talaga ako sa kaniya dahil hanggang dito ay hindi niya napipigilang hindi magbasa. Kahit ata sa'n kami magpunta ay ganito ang inaatupag niya.

" Ako Math Club nalang siguro, ayaw ko ng pumila pa." sagot naman ni Alysha habang nagb-browse sa kaniyang phone.

"Ako english club tapos tle club." sagot naman ni Jen habang kumakain ng piatos na binili ko.

I just nod with their answers. Kumuha rin ako ng kinakain na piatos ni Jen na inilalayo pa sa akin at masama akong tiningnan.
Grabe, ang damot naman.

"Pahingi." sabi ko kay Jen at pilit kong nilalapit ang kamay ko sa kaniyang piatos.

" Inubos ubos mo 'yung sayo tapos ngayon manghihingi ka." sagot naman niya at tumalikod para hindi ko makakuha. Favorite niya kasi' yung piatos at knowing Jen, hindi talaga siya namimigay.

"Ni hindi mo nga ako binigyan ng Nova eh." dagdag niya pa. Umirap nalamang ako at hindi na nanghingi pa. Iniisip ko nalang tuloy na bumili ulit since hindi naman umuusad itong pila.

I was about to buy again when someone throw me a piatos. When I looked at it, it came from Clarkson who's standing behind me.

"Akin na'to?" I asked at tinuro ang piatos. He just looking at me with a serious look like what he was always do. Why can someone like him gets more attractive when he is on his serious mode. Ako kasi mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa eh. Jusko, ampanget ko tingnan.

"Ay hindi para pala 'yan kay Jen." he said kaya naman ay bigla akong nalungkot. Psh. Paasa!

"Aish." I just said at binato ko rin pabalik sa kaniya' yung piatos na hindi naman pala para sa akin.

"Oh ang lungkot mo na naman. De joke lang, sayo talaga 'yan." he said at muli niya itong binigay sa akin. My mood lit up, agad ko itong binuksan at kumain. Lumapit sa akin si Jen at mukhang manghihingi dahil naubos na yung sa kaniya.

"Hep hep! Wag kang lalapit." I warned Jen when she was about to come to me.

Napairap nalamang siya at lumapit kay Skylark na busy'ng naglalaro ng mobile legends kasama si Joshua at Matthew.

"Damot mo naman." natatawang saad ni Clarkson habang panay ang pindot sa kaniyang cellphone.

"Serves her right." I said then rolled my eyes.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Way You Look At Me (On-going) Where stories live. Discover now