ICE CREAM

20 5 0
                                    

Time check: 9:45 am
Recess time namin ngayon kaya bumili ako sa tapat ng aming eskwelahan. Umagang umaga ice cream agad ang binili.

Ipinagbawal ang paglabas ng gate sa tuwing class hours kahit na recess time. Kaya ang ginawa ko tinawag ko si manong sorbetero sa tapat ng aming silid-aralan, nasa 2nd floor kasi ang room namin kaya talagang makikita ako ni manong.

May mataas na bakod na nakapaligid sa eskwelahan namin kaya hindi ko makuha ang ice cream na binili ko. Nahihiya naman akong magpatulong.

Palibhasa kasi busy ang lahat sa kinakain nila.  Kaya hindi ko nalang sila inistorbo. Bakit pa naman kasi ang liit liit ko. Sabayan mo pang hindi din maiabot ni manong ang ice cream ko sa kadahilanang maliit din ito.

Aish nakakainis!! Mala - late na talaga ako sa third subject ko , ang layo pa naman ng building sa computer lab.

Di ko nalang kaya bibilhin ang ice cream tutal patunaw na din ito. Pero sayang din naman.Sa pag - iisip ko.Hindi ko napansing may lalaki na palang kumuha sa ice cream ko sana, sabay sabing "

Akin na lang to Miss,pano ba yan ang liit mo kasi naunahan ka tuloy,"
Parang pag-ibig kung tutunga - tunganga ka lang diyan at hindi gagawa ng paraan,sa huli'y ikaw parin ang magsisisi." "Geh bye miss ,salamat sa ice cream."

Sabay alis pero lumingon muna siya sakin at kinindatan ako.Pshh akala mo naman kung sinong gwapo, well gwapo naman talaga siya.Wala nga lang modo atsaka di ko siya type.Peste siya!!

Humanda siya sakin ngayon.. Akala niya huh!!
Sa galit ko, tinawag ko siya ng buong lakas.

"Hoy!! Mr. Mang-aagaw ng ice cream. May nalalaman ka pang hugot huh!!Siguro naranasan mo ng masaktan. Kitang kita ko kasi sa iyong mga mata ang pait at lungkot habang binibigkas mo yun!"

"Kawawa ka naman!"
Oh sige sayo nalang yang ice cream tutal tag limang piso lamang yan atsaka kaya mo siguro gusto ng ice cream kasi gusto mo ng pampalamig sa ulo,palibhasa kasi nakipagbreak ang jowa."

" Hindi ako stalker sadyang tsismosa lang talaga !" "Hanggang sa muli," then I left him speechless. Buti nga sakanya.

Author's note: Hope you like and support my first one shot story😊😘

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon