Chapter 05:Kasama ka

159 11 0
                                    

Kasama ka

Third Person Point Of View

Gabi na nang umuwi si Godelaine sa bahay nila. Sinadya niyang magpagabi dahil alam niyang hihintayin siya ng kanyang ina. Umaasa siya na pag umuwi siya gabi ay wala na ang kanyang ina sa loob ng bahay na tinutuluyan niya. Inilapag niya ang kanyang bag sa lamesa at akmang aakyat sana sa hagdanan pero nagulat siya nang magsalita si Trisha–ang mama niya mula sa kanyang likuran. "Kanina ka pa namin hinihintay."

Umirap si Godelaine habang naka talikod siya. "Hindi kana sana nag abala pa." Saad ni Godelaine saka hinarap ang ina na ngayon ay malungkot na nakatingin sa kanya. "Nakita mo yung ginawa ko kanina?" Tanong niya sa seryosong tono. Sa halip na sagutin ng kanyang ina ay tinitigan lamang siya nito. "Sobrang saya pala pag nakakasakit ka ng tao." Ani Godelaine.

Umiling ang mama niya dahil mukhang iba ang ipinaparating ng kanyang anak. "A-anak."

"Sana ay hindi kana bumalik dito." Seryosong saad ni Godelaine. "Alam mo iyon? Hindi ko alam kung saan mo nakukuha yang lakas ng loob mong mag pakita sa akin ng parang walang nangyari." Nanginig ang boses ni Godelaine dahil sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib.

Walang nagawa si Trisha nang talikuran siya ni Godelaine at nagtuloy tuloy sa pag akyat sa hagdan. Nang makarating si Godelaine sa loob ng kwarto niya ay naupo siya sa kama at niyakap ang unan niya.

Nag balik sa kanya ang mga linyang binitawan ng mga taong nakakasalamuha niya noon.

'Hindi ka naman iiwan ng Mama mo kung mahal ka niya. Walang tangang ina ang papayag na iwan ang kanyang anak sa mga taong umaapi sa anak niya.'

'Yang mga katulad mo ay hindi na sana pinanganak pa. Sakit ka sa lipunan.'

'Sadyang malas ka lang talaga.'

'Anak na nga sa labas masama pa ang ugali.'

Kumunot ang noo Godelaine kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

'Wala naman magagawa ang anak ni Don Thiago sa hacienda. Bakit pa niya iyan hinahayaan dito?'

'Tss. Wala na ngang naiambag sakit pa sa bulsa ng ama niya. Nakakahiya.'

'Palamunin.'

'Darating ang araw na magiging pasanin ng mga Narvaez yang bastardang anak ni Don Thiago.'

'Wala siyang maitutulong para mapaganda ang hacienda.'

Humigpit ang pagkakayakap ni Godelaine sa kanyang unan at napatingin ito sa repleksyon niya sa salamin. "Ito na yung huling pagkakataon na hahayaan ko kayong mag salita sa akin ng hindi maganda. Dahil hindi mag tatagal pag aaralan ko kung papaano ko kayo mapapasunod gamit ang mga salita ko."

Into you (Señorita Series No.02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon