chapter one

131 3 0
                                    

Patakbong tumakbo si Ally sa elebeytor.

Male late na siya. Kailangang makahabol.

"Hintay.."

Pero wala na pinagsarhan na siya.

Nakasimangot na nag abang siya ng susunod na elebeytor.

Napakasama naman ng lalaki na yon, kitang papasok ako eh.

Hay nako pag siya ang natiyempuhan makita niya siya naman pagsasarhan ko.


"Ally."

Supervisor niya ang tumatawag. Pinalalapit siya.

" Late ka na naman. Pang ilan mo na yan ngayong linggo?" Sita nito habang nakatingin sa computer at nag ta type sa keyboard.

Hindi man sa kanya nakatingin damang dama niya ang inis nito.

" Sorry sup, na late ako ng gising. Saka yung kanina...."

" Last mo na yan." Putol nito sa iba pang sasabihin niya. " Ayaw na kitang makitang late this month. Kung hindi, bibigyan na kita ng papel. "

Tumango siya.

Huuu kasi naman yung lalaking yun..

Talaga naman...

Wala siyang nagawa kundi bumalik sa pwesto niya at nagumpisang mag tawag ulit.

Nagtatrabaho si Ally sa call center.

At yung oras ng pasok niya na 1am, sabay sa lunch break ng mga empleyado.

Yung tinatawag ng mga kasamahan niyang 'queueing' na oras sa elebeytor.

Last week nangyari yun.

Ngayon masaya siya. Araw ng sahod.

At di pa siya nalelate ulet.

Elebeytor - one shot at horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon