Chapter 14: Meet Brianna

613 21 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at lunes na uli ngayon! Hayyyy sobra-sobrang pagod ang naramdaman namin ni Sandy pagkabalik sa kompanya. Simula 'nong Wednesday hanggang Friday lastweek kase ay hindi kame nawalan ng ginawa dahil na rin sa mga papeles na napostpone sa pagkakaroon namin ng Halloween Party.




Masaya naman ang kinalabasan ng party kaya hindi ako nagsisisi sa pagod at hirap 'nong sumunod na araw. Nakapag pahinga naman kame ng matiwasay ni Sandy 'nong Sabado't Linggo kaso nga lang ay parang kulang pa rin ang dalawang araw na pahinga para saming masisipag magtrababo.






Ngayon ay nandito na kame sa 15th floor kasama sila Toffer. Nagpaaga kame ng konti para hindi na rin hussle saming apat. Kailangan naming masanay pumasok ng mas maaga ngayon dahil iyon ang sinabi ni Misty. Ang call time namin kanina ay 5:30. Sobrang aga 'non pero wala akong nagawa kundi ang sumunod.






Hinihintay namin ang iba pang intern students pati na rin ang BTS, wala pa silang lahat miski ang kanilang staff at crew. By the way may I.D na rin pala kame skl (share ko lang) kaya hindi na kame kailangang papuntahin ni Misty sa office niya dahil mismong kame na ang mag-iiscan noon para sa attendance.





Bandang 6:10 ay nagdatingan na ang ibang intern. Sumunod din naman agad sa kanila ang Bighit staff ngunit napansin kong hindi nila kasama ang BTS. Well, I don't care.




"Sorry for waiting. We just discussed some issues with Misty but its fine now, shall we start?" tanong ng isang Bighit staff, no choice naman kame kundi ang tumango.





Si Miss Miyun din pala ay kasabay ng Bighit staff na pumasok. Sa simula ay nagmeeting muna kameng lahat, grinupo-grupo ang ibang interns kasama ang staff. Kame ni Sandy ay napunta sa props kasama ang ibang interns. Ibig sabigin taga ayos, taga gawa at taga labas kame ng mga bagay-bagay, they called us Team B.




Ang magpinsan naman ay napasali sa propsman, I think taga buhat kuno sila. Ang tawag naman sa kanila ay team T. Yung iba naman ay naging extra dancers na tinatawag na team S, kulang daw kase ng backup dancers kaya tinanong ni Miss Miyun kung sino ang may experience or marunong sumayaw. Medyo marami rin namang nagtaas ng kamay kaya ngayon ay nagpapractice na sila ng choreo.





Habang nanonood ako ng practice ay biglang may pumasok na staff dala ang materials sa paggawa ng props. May tutulong saming 3 Bighit staff kung paano ang gagawin, ngayon nga ay nakikinig na kame ni Sandy sa kanila. Masyadong malaki ang kwartong kinalalagyan namin, kung titignan ay mukhang kalahati ng palapag ito.




"Did you understand team B?" tanong samin ng isang staff.



"Yes" we answered in chorus.
Pagkatapos naming sumagot ay sinimulan na namin ang paggawa ng props, katulong namin sa ngayon ang team T dahil wala pa naman silang gagawin.





Tuloy-tuloy ang paggawa namin, hindi naman namin nararamdaman ang pawis dahil aircondioned sa loob.  Nararamdaman lang namin yung bigat ng paghinga dahil sa pagod pero hindi kame tumigil hanggang sa dumating ang 9AM. Pinag water break lang kameng lahat bago uli nagpatuloy sa paggawa ng props.




Dumating sa point na mag lalunch break na ang interns kaya naman pinababa na kame't pinakain.



"Ugh! Ang sakit ng balikat ko" angil Sandy. Ganon din naman ako pero mas masakit ang binti ko kakaupo sa lapag.


"Masakit binti ko" ani ko. Yung boys naman ay tahimik lang mukhang napagod din.





Pagsakay namin sa elevator ay nag streching ng konti si Sandy. Pinihit ko naman sa kaliwa't kanan ang ulo ko na medyo nangalay din kakatungo.



I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon