Chapter 34: Endearment

482 28 20
                                    

Lumipas ang isang linggo ng masaya ako. Kung pwede nga lang ipagsigawan sa mundo, ginawa ko na kaso baka mapatay ako ng wala sa oras, sa dami ng fans nila. Wala akong inindang problema at wala akong nagawang mali nitong nakaraang araw, sa sobrang good mood ko nga ay pati trabaho ng janitor ay pwede kong gawin. 





Sa loob din ng dalawang araw, which is Tuesday and Wednesday ay sinusundo ako ni Jungkook tuwing lunch. Taray nga niya may sariling kotse eh, habang ako nakikivan lang kay tito. Nagsasabay kameng maglunch tuwing naka duty ako, minsan siya lang pero nung Wednesday ay kasama niya sila Taehyung at Jimin. Sinusundo niya ako saktong 11 AM at ibabalik din sa building ng quarter to 12. Nakakatouch lang ehe, ikaw ba naman ihatid sundo ng bebe mo hindi ka ba naman nun kikiligin. Dinadala niya ako sa ibat-ibang uri ng restaurant sa apat na araw naming pagkikita, syempre palaging busog ang mga alaga ko sa tiyan.









Tapos nitong Thursday at Friday ay nagsimula na naman ang bagong task namin sa kanila. Sa kadahilanang may award show silang pupuntahan which is Golden Disk award. Gaganapin iyon sa mismong birthday ni Sandy which is January 10 and 11 yung second day ng award show. Sakto naman sa pinaplano namin nila tito Ben. 







Nasabi na din daw ni Jungkook sa hyungs niya ang tungkol samin at suportado naman sila lalo na't wala naman silang rules ukol doon pero kamiyembro palang daw niya ang may alam. As soon as possible daw within this month ay kailangan naming sabihin sa entertainment niya.  Iniisip ko pa lang, kinakabahan na 'ko.





Linggo ngayon at 9:55 PM na, nasa kwarto ako ngayon at may kailangan asikasuhing important business ng ako lang mag-isa. Kahapon kase ay kinausap ako ni tito Ben tungkol sa debut ni Sandy, naikwento daw sa kanya ni Toffer. Sinabi ko naman kay tito ang ideal party ni Sandy, which is yung may 18th roses at 18th gifts lang. Tapos nandun ang buong pamilya at kaibigan niya, syempre hindi mawawala ang BTS.









Sinabi sakin ni tito ang plano niya tungkol doon at mukhang sa January 13, sabado pa mangyayari ang debut ng bestfriend ko dahil nga busy kame nitong week for BTS. Wednesda at thursday kase gaganapin ang award show kaya no choice kame kundi ang iusod ang debut niya sa araw ng walang pasok. Ako ang inutusan ni tito sa pagdecorate ng bakuran ng mansion, doon ang naisip naming venue tutal ang hassle kapag nag resort pa. Ako din ang nag-aayos ng kasali sa 18th's niya medyo nai-stress na nga ako dahil isang linggo na lang ay birthday na niya tapos busy pa ako sa OJT. Ako na din ang nagdesign sa giveaways niya habang si tito na daw ang bahala sa catering, sounds and lights, pagbili ng giveaway at pagkausap sa BTS. Taray ng kaibigan ko makakasama ang BTS sa party niya, pasalamat siya kilala yun ni tito. 









Ang plano namin ay kunwaring hindi namin napagtuunan ng pansin ang birthday niya, hindi naman sa nakalimutan pero parang ganun na nga. Nakausap ko na din ang parents niya at payag naman sila sa plano, napag-usapan nilang 70 percent ang babayaran ng parents niya habang si tito na ang bahala sa 30 percent tapos mismong Friday nextweek ay pupunta dito ang parents ni Sandy and then BOOM! HAPPY BIRTHDAY MY DEAREST BESTFRIEND hahahahaha. Sagot na din ng parents niya ang lahat ng inimbitahan ko sa Pilipinas, sinend ko kase sa kanya ang list and sila na ang bahala kung paano aayusin 'yon.







Sinali ko si Brylle, Toffer, tito Ben at ang BTS sa 18th roses, syempre hindi mawawala ang papa at kapatid niya. Kumuha pa ako ng medyo close namin sa interns para lang mabuo yung 18th roses niya. Sa 18th gifts naman ay syempre hindi ako mawawala, ako pa nga pinakauna sa listahan. Sinali ko din ang ibang intern students na babae pati si Miss Miyun, Misty at kung papayag si Miss Lim ay isasali ko din siya. Kinausap ko din sila Brylle at Toffer kung may close pa si Sandy na classmate nila para mainvite ko din, ibinigay naman agad nila ang fb account ng tatlong babaeng classmate nila para lang makumpleto ang 18th gifts niya. Kinontact ko pa din si Sofie at sinabing pumunta siya sa Korea, dahil payaman ang kaibigan namin. Dinaig ang debut naming dalawa jusko! At ang nakakatuwa doon ay pinayagan siya wahhhh, feeling ko ngayon palang sobrang saya na ni Sandy. Makita niya lang kameng kumpletong tatlo ay masaya na siya. Kahit kase mayaman sila ay hindi siya sinanay maging spoiled, simpleng bagay nga lang ang ibigay mo, maiiyak na yun eh.











I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon