Chapter 16: Smirk

548 21 0
                                    

Second day na namin in  individual shooting, kumpleto na ang lahat dito sa 15th floor. Hinihintay na lang namin na dumating ang isang member, kanina pa kase nila tinawagan ang BTS, sinabi naman nilang OTW(on the way) na yung susunod, sadyang nalate lang daw ng gising.

"Shane hulaan ko kung sino yung late nagising, kung hindi si Jimin si Taehyung yan hihihi. pusta ko pa Baymax mo" nagtataka ko siyang nilingon.

"Hindi ko tinatanong ok? Atsaka huwag mo idamay si Baymax, nananahimik yung tabatchoy na 'yon eh" asik ko na nagpanguso sa kanya. 

Wala naman akong pakialam, ang gusto ko lang makauwi na nang maaga. Papauwiin daw kase nila kame ng maaga dahil tatlong members na lang naman ang ishushoot pero mukhang matatagalan pa dahil late ang isa. 



Nga pala, si Jhope pala kahapon. Grabe! Hindi ko expect na mapapagaan niya yung shooting! As in! Tawa lang ng tawa yung mga Koreanong staff namin dahil sa kanya. Kaya hindi namin naramdaman yung pagod kahapon. Tapos kapag sumasayaw siya. Grabeeeeee. Sobrang smooth! Ang lambot ng katawan niya parang walang buto. Kaya siguro inabot  kame sa kanya ng mahigit isang oras lang dahil nga magaan siyang kasama. Pagkaalis ni Jhope ay si RM naman ang pumalit sa kanya. Para sakin siya yung taong masarap kausap dahil na rin sa pagiging bilingual niya. Nakwento din ni Sandy na may 140 plus siyang IQ. Feeling ko kapag tinanong ko siya kahit memang tanong ay may maisasagot siya dahil sa lawak ng isip niya. Nacutan din ako sa isang piraso niyang dimple kapag tumatawa or ngumingiti sobrang lalim pa naman. Mahiyain din siya kapag sumasayaw pero 'pag nasa mood naman parang wala lang hahaha. Kung papapiliin naman ako kung magaling sumayaw o talino, syempre pipiliin ko na yung talino kahit wala akong talent. 







Maya-maya ay may pumasok sa pinto, pagkabukas noon ay bumalandra samin si Taehyung. Tama nga si Sandy, saulong-saulo na niya ang idols niya tsk.




Bigla ay umingay ang paligid, nagsalita pala yung dalawang Bighit staff sa sarili nilang lenggwahe, para siyang pinapagalitan dahil siguro sa pagiging late niya. Natawa lang naman siya at humingi ng tawad. Wala namang nagawa ang staff dahil nangyari na, kaya sinumulan na lang agad nila ang pag-aayos kay Taehyung. Maya-maya din ay nagsimula na ang solo shoot.



"Sabi sayo si Taehyung eh" bulong ng katabi ko.

"Oo na" pagsang-ayon ko na lang.

Nandito kame sa gilid ni Sandy habang parehas kameng naka cross arm. Sa pagsisimula ng shooting ay napansin kong ang jolly niya masyado. Kapag nagkakamali siya ay mabilis pa sa segundo siyang humihingi ng sorry. Kahit na hindi napansin ng staff na nagkamali siya, magsososrry pa rin siya at doon pa lang mapapansin ng staff na nagkamali nga talaga siya.





Ang cute niya lang, lalo na yung ngiti at tawa niya, nakakadala. Pati ako napapangiti dito sa isang tabi. Wala na kase siyang mata pag nangiti ng sobra tapos sabayan pa ng jolly niyang salita. Kaya siguro idol ni Sandy to eh, masyado siyang cute pag ngumingiti at the same time ang gwapo niya pag naging seryoso.






Natapos ang shooting niya ng magaan. Naka tatlong setting kame at nakatatlo siyang palit pero hindi mo man lang siya nakitaan ng pagod sa mukha. Bow siya ng bow samin habang nagsasabi ng thank you in korean and english, nakibow lang naman kame sa kanya. Umalis na rin siya agad at maya-maya ay dumating na si Jimin.






Pagpasok niya ay nginitian niya agad kameng staffs. Inayusan na siya bago uli nagsimula ang shooting. Habang pinagmamasdan ko siya ay masasabi kong hindi siya confident sa talen at figure niya. Yung tipong maayos naman ang pagkakashoot sa kanya pero siya mismo ang nagsasabi ng negative comments sa sarili niya. Kesyo daw ang pangit ng anggulo ng mukha niya, kesyo daw ang liit ng height niya, mga ganun bagay ba. Pero kung tutuusin, simula't sapul ay wala naman siyang mali sa mata ng director nila.






I've Fallen to a Bangtan?! COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon