prologue

228 2 0
                                    

Dahan dahang bumaba si ash doon sa mansion nila dahil alam niyang pagnakita sya nang kaniyang nanay ay papatulugin siya.wala rin naman yung papa niya kase nandun iyon sa kanilang resort at binabantayan ito kung maayos ba ang pagpapatakbo ng kaniyang mga empleyado sa mga customer nila.

Dahil sa pagmamadali ay nabunggo niya yung kapatid niya na naglalaro ng lutu lutuan sa may hardin nila.

"Kuya ash!"

Tinakpan ni ash yung bibig nang kapatid dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito at baka marinig sila nang kanilang mama.

Siya lang din naman na yung papatulugin kasi tapos nang matulog ang kaniyang kapatid.

"Wag kang maingay mia!shhhh"

"Kuya hinahanap ka ni mommy...."

"Justtt shhh sabihin mo pagnakita mo si mommy na tapos nakong matulog ok?" Pag uutos pa niya sa kapatid.

Binuksan ni ash yung gate nila sa likod ng mansion sa tapat ng pool at doon ay nagtatakbo.

Pinuntahan niya yung bahay nila luna at griffin na malapit lang sa sunflower land.maliit lang ang bahay nila luna at griffin kumpara sa mansion nila ash,ipinagbabawal nang mga magulang ni ash na makipagkaibigan ito sa pamilyang quinn dahil sa kalaban nila ito sa negosyo.hindi naman magawa iyon ni ash kasi sa dahilan na nagugustuhan na nito si griffin ang panganay na anak ng mga quinn.

Maganda kasi si griffin at halos lahat ng mga lalaking ka edaran niya ay nabibighani sa kaniyang ganda.matangkad,maputi,makinis,clear skin at maamo pa ang mukha.itim din ang buhok niyang may kulot sa baba.

Minsan ay naiingit talaga si luna sa ate niya,namana kasi ni griffin ang halos lahat ng katangian na mayroon ang mama niya pati na ang ganda nito habng si luna naman ay sa kanyang ama.palaban at matapang ito.

"Griffin!......Luna!...."

"Griffin! Luna!" Pag uulit pa niya nang walang sumagot.

Maya Maya lang ay may sumilip na babaeng maganda ito yung kanilang nanay.

"Luna anak may naghahanap sayo..."

"Sino po?"

"Yung lalaking laging pumupunta sa inyo dito ni pinpin"

Kinawayan ko naman si luna nang makita ko syang sumilip sa bintana nila.

"Ma alis lang po ako ah"

"Oh sya sige bumalik ka din kayo agad ha at nang makapag ayos tayo"

"Opo"

"Tawagin mo narin yung ate griffin mo ha andun sya sa hacienda"

"Pero ma may ka-" hindi ko na pinatapos pa si luna magsalita ng unahan ko sya.

"Ok lang luna daanan na natin sya"

"S-sige"

Malayo layo ang hacienda ng mga quinn mula roon sa bahay nila kaya naman ay nag tricycle nalang sila tamang tama at kakilala pa ng mama ni ash yung tricycle driver.

ɴᴏʙᴇʟᴀ1941Where stories live. Discover now