Prince Kairo Sacher POV.
Nakasunod kami ngayon kay ash dahil sa hindi naming malaman na dahilan.pare parehas kami kuryoso doon sa magkapatid na kaibigan niya.
Dinala naman niya kami sa well of wishes.hindi ko alam kay mommy bakit pa sya nagpatayo nito let me correct myself "bakit hindi pa niya pina wasak ito" alam ko matagal nang panahon ang well na ito at sabi nila sakin na may sentimental value daw ito tiyak daw nila na mahalaga ito rito sa isla.hindi naman talaga kasi samin ang islang ito dati tong sa mga hapones at ang pag kakaalam ko ang dating pangalan ng islang ito ay Shōri no shima hindi ko naman alam yung ibig sabihin.
"Uyyy iwan na natin si ash dito feeling ko may multo dyan sa well ehhh" reklamo ni diego sabay tago sa likod ko.
Multo?ano namang nakakatakot don?kung ako sa kanila mas matakot silang mawala ang mahal nila sa buhay at nang hindi na nila hilingin pa na sana maulit ang kwento.
Wala naman sa nobela na may multo ahh oo nga pala ibang henerasyon na toh ibang lugar pero paulit ulit na kwento aiish
"Shut up diego...."
"Sungit..."
"Tagal na" sagot ko pa sa bulong niya.hindi ko na siya pinansin pa at sumama nalang ako roon kay ash.
Kita kong may hinulog sya sa well pagtapos niyang dumilat.
Ano naman kayang hiniling nito?
Nang tuluyan akong makalapit sa well ay bigla akong nanlumo tuyot na tuyot na ito at puno nang lumot isa lang ibig sabihin nito walang nangahas na ayusin o linisin man lang ito.
"Anong hiniling mo ash?"
"Bumalik sila...."
Simpleng sagot lang yun pero nagdulot samin ng kirot.mahirap makitang ang mabuting si ash ay ganyan.bata pa lang kami ganyan na sya kaya walang sinuman ang nakipagkaibigan sa kanya.
Gusto ko syang kaibiganin nun pero may kung ano sa puso na galit o inis sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama sakin o kaninoman.
Ngayon hindi talaga ko malapit siguro kung meron man ay kay fidel o kay elias nalang iyon.si ash feeling ko kasi karibal ko sya sa puso ni fabiana ehhh.
Nakatambay lang kami dito sa well hanggang sa may matanda na nakaitim ang dumaan sa aming harapan.
"Mga hijo"
Napatingin kami sa kanya ng tawagin niya kami lalo na sakin.nakakapagtaka lang at bakit nanlilisik ang mga mata niya pag tumingin saakin?pero bakit pag kila elias ay nawawala iyon?
"Wag nyo nang ipilit ang bawal tama na umalis na kayo"
"Ho?" Takang tanong ni diego di niya maintindihan.
Pero bakit ako kinilabutan ako?lalo na at sakin pa sya nakatingin ng ganon.
"Ahh baka kasi yung pag wiwish mo dyan un ash bat ka pa kasi naniniwala sa ganyan di naman totoo yon diba la?"
Halos magtayuan lahat ng balahibo ko sa balat ng pagtingin namin sa matanda ay wala na sya.dali daling tumakbo si diego samin at nagtago sa pinaka gitna namin ni ash.
YOU ARE READING
ɴᴏʙᴇʟᴀ1941
Teen Fiction"ᴷᵘⁿᵍ ⁱᵗᵒ ˡᵃⁿᵍ ᵃⁿᵍ ᵖᵃʳᵃᵃⁿ ᵖᵃʳᵃ ʷᵃˡᵃ ⁿᵃⁿᵍ ᵐᵃᵈᵃᵐᵃʸ ᵖᵃ ˢᵃ ⁱᵖⁱⁿᵃᵍᵇᵃᵇᵃʷᵃˡ ⁿᵃ ᵖᵃᵍᵐᵃᵐᵃʰᵃˡᵃⁿ ʰᵃⁿᵈᵃ ᵃᵏᵒⁿᵍ ᵐᵃᵍᵖᵃʳᵃʸᵃ"