Prince Kairo Sacher POV.
Sa totoo lang ay alam ko talaga ang mga mangyayari pero hindi ko maintindihan kung bakit parang iba ito sa mga karanasan namin noon nung ikatlong henerasyon.nung ako pa si mathhew.ibang iba ito sa nakasaad sa nobela,sana nga ay iba nang sa gayon naman ay magkaroon ng saysay ang paulit ulit na kahilingan namin ni fabiana/gabriella na maulit muli ang aming kwento at sa pagkakataong ito ay magkaroon naman na nang magandang wakas ang aming nasimulan.
Pero kung ganun parin ang kahihinatnan mabuti pang wala nalang maalala si gabriella gusto ko syang maging masaya bukod roon ay hindi dapat niya malaman ang tungkol sa nobela kung hindi ay baka manganib nanaman ang buhay niya.naalala ko pa noon na hiniling ko ito para maitama na ang pagkakamali namin at sa pagkakataon na ito sisiguraduhin kong wala nang mapapahamak pa.poprotektahan kita kahit pa kapalit nito ang buhay ko.
"Kairo!" Sinamaan ko nang tingin si elias na binatukan ako.alam ko naman na si elias sya si Enrique na kaibigan ko noon nung ako pa si mauricio at Fidel naman na sya ng maging mathhew na ako.gaya ni fabiana ay wala rin syang alam,kung iisipin ay na reincarnate ulit kami ang kaibahan nga lang simula't pagkasilang ko pa lang ay may alaala nako sa mangyayari.
Bukod doon natatawa pa ko dati tinatanong ng mga kamag aral ko kung bakit ayaw kong humanap ng mga babae sa paaralan namin dito rin sa unibersidad,minsan nga lang ay pinagkakamalan nila akong bakla ehh pero hindi ko na pinansin iyon dahil nakatakda naman lahat ng pangyayari ehh ang dapat mo lang gawin ay maghintay.
'Hihintayin ko ang fabiana ko'
"Ano bang problema mo nanaman elias at nambabatok ka!?"
"Galit agad?ang hina nga lang nun eii"
"Gawin ko kaya sayo?" Bumubwelo nako nang umatras sya at ngitian ako.
"Soweyy na biro lang naman ehh"
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong sa kanya.nag aaral kasi ako rito tas mang gugulo sya.palibhasa kasi di nag aaral ehh.
Magkakaiba kasi kami ng grade kaya naman hindi talaga kami magkakasama sa studies diko nga alam kung pano ko naging kaibigan sina diego at ash ehh basta si elias alam kong tadhana iyon.
Grade 12 nako kaya dapat lang na mag aral ng mabuti habang sina diego naman ay grade9 at si ash ay grade 10 si elias ay dapat na grade 12 narin gaya ko pero sadyang may pagka isip bata lang talaga yan kahit nung si fidel pa sya ay napaka isip bata niya talaga.
"Ayun yayayain ka sana kina ash kasi di yon pumasok ehh si diego naman mamaya pa uwian nila"
"Bakit daw di pumasok si ash?" Takang tanong ko sa kanya.hindi naman kasi nagpapabaya si ash sa academics niya ehh well except nalang kung may sakit sya di talaga sya papasok ehh kanina nakasama ko pa mag basketball Yun eh.
"Mamaya nalang siguro antayin muna natin si diego para sabay sabay na tayo" tumango lang si elias at paunti unting tumabi sakin.kita ko naman na nakikibasa sya sa binabasa ko.
"Nag tanghalian ka naba?gusto mo meryenda?"
"Talaga!?meron!?"
YOU ARE READING
ɴᴏʙᴇʟᴀ1941
Teen Fiction"ᴷᵘⁿᵍ ⁱᵗᵒ ˡᵃⁿᵍ ᵃⁿᵍ ᵖᵃʳᵃᵃⁿ ᵖᵃʳᵃ ʷᵃˡᵃ ⁿᵃⁿᵍ ᵐᵃᵈᵃᵐᵃʸ ᵖᵃ ˢᵃ ⁱᵖⁱⁿᵃᵍᵇᵃᵇᵃʷᵃˡ ⁿᵃ ᵖᵃᵍᵐᵃᵐᵃʰᵃˡᵃⁿ ʰᵃⁿᵈᵃ ᵃᵏᵒⁿᵍ ᵐᵃᵍᵖᵃʳᵃʸᵃ"