17.4

674 13 1
                                    

Nauna uling nagising si Ion at hindi muna tumayo, tinitigan nya muna ng matagal si Vice na mahimbing ang pagkakatulog

"Ang bilis ng panahon noh babe, 17 monthsary na bukas, tapos ilang buwan nalang 2nd anniversary na naten, kung alam mo lang talaga kung gaano ako nagpapasalamat sa pagsagot mo ng oo saken lagi mo lang tatandaan na kahit nagtatampo ka o ako ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko" pag sabi ni Ion ng may pagmamahal kay Vice na natutulog

Bago pamandin makatayo si Ion pinigilan na sya ni Vice sa paghawak sa kamay nya

"Babe" mahinhin na pagkakasabi ni Vice habang nakapikit ang mga mata

"Sobrang nagpapasalamat din ako kase natiis mo ang pagiging childish ko ikaw at ikaw lang ang huling lalaking mamahalin ko" pagbanggit ni Vice sabay pagmulat sa mga mata nito na may ngiti sa labi

"I love you" tanging mga salitang lumabas sa mga labi ni Ion

"I love you too" may pagngiting pag banggit ni Vice

"Tayo na babe almusal na tayo malipasan tayo nyan" pagaaya ni Ion

"Opo aking hari" pagbibiro ni Vice

Magkasabay na nga silang bumaba papuntang kusina para makapagalmusal nagsimula na nilang pagusapan ang mga plano nila para bukas

"Babe, sabi mo diba nagpaplano ka para maging espesyal ang araw natin bukas kahit na lockdown at di tayo makalabas?" pagsisimula ni Vice sa pagpaplano

"Ahh oo balak ko lang masolo kita sa kwarto, este masolo ka ng buong araw" pagbibiro ni Ion

"Pwedeng pwede mo naman akong masolo babe, iyong iyo ako babe" pagtugon ni Vice

"Plano ko kasing paglutuan ka ng masasarap na pagkain mga luto ko ba kumbaga, hahain ko rin sarili ko pag gabi na ahahahaha" patuloy nitong pagbibiro kay Vice

"Tsk ket di mo na ko paglutuan hain mo lang sarili mo ok nako" pagbibiro din ni Vice

"Kahit di tayo makalabas babe basta kasama kita ok ako" seryosong pagkakasabi ni Ion

"Basta babe pangako mo saken, na kahit magkaugod ugod at di na kita mabuhat makalimutan ko man ang mga mahahalagang araw tulad bukas, sana ako paren at wag kang magsasawa kasi ako hinding hindi talaga" nakaluluhang mensahe ni Ion

"Ano ba yan babe pinaiiyak mo ako ehh, ako nga tong mas matanda sayo" pagluluhang sinabi ni Vice

"Mahal na mahal ka ni Benigno" pag papacute na sinabi ni Ion kay Vice sabay halik sakanya sa noo

"Tama na nga babe basta bukas ng gabi ahhh" pagbibiro ni Vice

"Oo naman, ikaw pa ba" pagsakay ni Ion sa biro ni Vice

Natapos na nga ng dalawa ang pagaalmusal at naghanda para makapag ehersisyo

Nauna na nga si Ion at nagsimulang magpush up at sa pagpupush up nya biglang may umupo sa kanyang likuran at pag dapa nya at paglingon, si Vice lang pala ito at nagpapa lambing

Sa kasalukuyan nakaupo si Vice sa tyan ni Ion habang itoy nakahiga

"Babe lapot ka na work out ka ng workout" pagaalala ni Vice sabay pagpunas sa mga pawis ni Ion

"Di ako manlalapot babe mayat maya mo ba naman akong punasan" pagbibiro ni Ion

Bigla namang humiga si Vice kay Ion na tila itoy nakayakap sakanya

"Babe, ewan ko ba feeling ko misis na misis nako pag pinupunasan ko pawis mo" pagiimahinasyon ni Vice

"Misis naman na talaga kita, basta bukas honeymoon agad ahahahahaha" pagbibiro ni Ion

"Ay sus, opo mister ko" sabay paghalik ni Vice sa noo ni Ion

Sa ilang sandaling paguusap tila nakatulog na ang na si Vice ay nakapatong parin kay Ion

Hanggang sa mag gabihan na naunang nagising si Vice

"Bakit sobrang swerte ko naman sa napakagwapong hari na toh, ano bang nagawa ko para madeserve ko toh" sinabi ni Vice habang tulog si Ion at habang pinaglalaruan ang buhok nito

Sa ilang sandali niyakap ni Ion si Vice

"Mas swerte ako sayo, napakagandang reyna na sinayang nila ngayon pag hahari ko na" sabay pagmulat ng kanyang mga mata at pagngiti ng masilayan ang mukha ni Vice

Inabot naman ni Ion ang noo ni Vice para mahalikan ito

"Tara na sa kwarto babe" pagaaya ni Ion

"Ano namang gagawin natin dun?"

"Itutuloy natin yung naudlot na..."

"Naudlot na ano babe"

"Naudlot na pagtulog naten"

Sabay pagbuhat ni Ion kay Vice ng may panggigigil papunta sakanilang kwarto at dun tinuloy na nga nila...

Ang kanilang pagtulog....

MONTHSARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon