Bullet 003

3 0 0
                                    


"ASHLEY, parating na si Kevin." Kalabit ng bestfriend ko.

"William, manahimik ka nga! Mamaya makahalata siya." Bulong ko sa katabi ko.

"Pfft. Ano ba naman kasing meron sa lalaking 'yan at patay na patay ka." Sabay naming pinagmasdan si Kevin na dumaan sa room.

"Duh? Nasa kaniya na ang lahat Wil." Pagmamayabang ko. Paulit-ulit na naming pinagtatalunan 'to ng bestfriend ko kaya memoryado na niya ang isasagot ko.

"Fine fine fine. He got the looks, e mas gwapo pa nga ako diyan maputi lang naman siya." Nagsimula na naman siya sa pagkukumpara sa sarili niya at sa crush ko.

"Ano ulit yung pangalawa? Matalino siya? Matalino rin ako! Mas matalino pa nga ako sa'yo." Dagdag niya pa. Edi Wow! Siya na ang matalino.

"Physically fit. Well, Ash athlete ako kaya lamang na lamang ako sa labanos na 'yan." Nagtaas pa ng kilay ang loko.

"Kaya kung ako sa'yo. Humanap ka ng tulad ko." Kindat niya pa.

"Hahanap nalang ako ng panget kaysa humanap ng hambog na gaya mo." Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat ng notes.

"NALALAPIT na ang Heart's Day and yearly namang may grand ball. Simulan niyo na ang paghahanap ng date baka maagawan pa kayo ng iba. Ano, William?" ngisi ni Ma'am Winona kay William. Ang Adviser namin ay mommy lang naman ni William.

"Sino ba gusto mong ka-date, William?" tanong pa ni Ma'am Winona.

Napatingin naman ako sa kinauupuan ni William ngayon. Naka-arrange kasi kami alphabetical kapag klase ni Ma'am Winona. Napatingin din siya sa gawi ko at ngumiti. Napailing nalang ako, malamang ako na naman ang kukulitin niyang maging partner. Humalukiphip ako habang hinihintay siyang lumapit papunta rito. Naghiyawan na ang mga kaklase namin dahil sa excite. Napangisi na rin ako, loko talaga 'to.

Palapit na siya nang palapit sa akin. Isang hakbang nalang ay nasa tapat ko na siya.

Pero napawi ang ngiti ko ng lumiko siya at mas naghiyawan pa lalo ang mga kaklase ko. Tumatawa na rin si Ma'am.

Teka! Anong nangyayari?

Huminto lang naman si William sa katabi kong upuan – kung saan nakaupo si Denise. Ang muse sa room. Nakangiti si William habang si Denise naman ay parang kamatis na sa pula.

"Denise, pwede ka bang date sa Heart's Day?" at ngumiti pa ng makalaglag panty si William.

Tumango lang si Denise bilang sagot. Ano 'yon? Cat got your tongue na ba? Pipi ka ateng?

Hindi ko alam pero may inis akong naramdaman. Bakit ba ako naiinis?!

MAG-ISA akong kumakain sa canteen ngayon dahil ang gunggong kong bestfriend ay kasama lang naman ang date niya sa prom. Tingnan mo yun nakahanap lang ng ibang maganda ay iniwan na'ko, mas maganda naman ako dun. Teka! Ano ba itong iniisip ko?!

Ibinuhos ko nalang sa kinakain kong steak ang inis ko.

"Hi Ashley! Mukhang badtrip ka." Puna ng hindi ko kilalang boses. Tiningnan ko kung kanino nagmula. Si Kevin!

"Ahm... Hindi naman." Nahihiya kong sagot, tiningnan ko nalang ang nilalaro kong pagkain. Hindi na siya steak, giniling na!

"Pwede maki-upo?" ngiti niya.

Tumango nalang ako. Bakit wrong timing magpapansin itong si Kevin? Kung kailan naman feeling ko mukha akong gurang saka umeksena.

"Wala ka yatang kasama ngayon."

"Ah... Si William ba? Ayun! Kasama niya yung date niya sa Heart's Day." Muling nag-init ulo ko, naalala ko na naman ang gunggong na 'yun.

"Speaking of Date..." panimula niya.

"May date ka na ba?" tanong niya.

Fairy Godmother! Ito na ba ang hinihintay kong dream come true?

"Wala pa." agad-agad kong sagot saka tumawa. Malay natin chance ko na 'to.

"Good. Can I be your Date?" napakamot ulo pa siya.

"Sure." Dream come true! Wala nang patumpik-tumpik pa, boom buka-bukaka!

"BAKIT mukhang di ka naman masaya na ka-date mo ang crush mo?" pangungulit sa'kin ni William.

'Tanong mo sa ka-date mo!' kating-kati na ang dila ko para isagot 'yan.

"Pake mo ba?" irap ko.

"Wrong timing yata na kinausap kita ngayon. Sige, next time nalang. Ingat Ash!" At pumasok na siya sa bahay nila. Siraulo na yun! Magkapit bahay lang kami!

HEART'S DAY, dumating na nga ang pinakahihintay na araw ng lahat. Pero para sa'kin may kulang... feeling ko talaga may kulang.

Nagsimula na ang ball, First dance ko si Kevin. Habang nagsasayaw ay casual lang kaming nag-uusap tungkol sa buhay-buhay. I find it boring. I find him gentle and fun to talk to. Marami kaming pagkakapareha, nagtatawanan pa kami sa kaniya-kaniya naming baon na kwento. Pero... bakit wala akong maramdaman? Yung tibok ng puso ko, normal na normal. Ni hindi man lang ako kinabahan o naexcite na kasama siya. Hindi ba dapat ganun ang maramdaman ko kasi crush ko siya? Kasi gusto ko siya pero wala talaga. May kulang talaga akong nararamdaman ngayong gabi.

Dumating na ang last dance, hinahanap ko nga si Kevin dahil gusto kong siya ang first and last dance ko kahit na medyo awkward ang atmosphere naming dalawa. Nasaan na ba iyon?

"May I take this last dance my lady Ash?" napalingon naman ako sa pamilyar na boses.

William!

Napatayo ako at napayakap sa kaniya.

"Tado ka! Ilang araw mo akong hindi kinakausap ta's ngayon ka lang magpaparamdam." Mangiyak-ngiyak kong sabi. Napatawa nalang siya.

"Nirereject mo ba ako bilang last dance?" ngisi niya.

"Tara na!" ako na ang humila sa kaniya.

Tawa lang kami ng tawa ni William habang nagsasayaw. Hanggang sa napalitan ng soft music...

"Na-miss kita." Walang prenong nasabi ng bibig ko. Maging ako ay nagulat.

Napahinto kami saglit sa pagsayaw.

"Huwag mo akong ginugulat Ash baka makalimutan kong kaibigan kita." Tawa niya.

"Ano naman?" taking tanong ko.

Hinapit niya pa lalo ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

"Gusto kita higit pa sa kaibigan, happy? Kaya tigilan mo ang pagiging sweet, ayokong umasa. Wag kang paasa Ash."

"Lalayo ka ba sa nalaman mo?" bawing tanong niya.

"I think..." di ko ma-express ang nararamdaman ko, napakabilis ng tibok ng puso ko.

"Ash, wag kang mambitin. Mamatay ako sa'yo." Napabuntong hininga siya ng marahas.

"ilikeyoutoo." Dire-diretsong sabi ko. Ngayon malinaw na sa'kin kung ano ang nararamdaman ko. Ilang taon ko bang kinimkim ito?

"A-ano? Paki-ulit nga." Nauutal niyang sabi.

"I like you too!" nilakasan ko na. Namumula na'ko sa sobrang hiya o kilig.

"So tayo na?" ngumisi siya.

"Ano? Hindi ka pa nga nanliligaw!"

"I don't believe in courtship, it's a waste of time. If I love the person, I'll tell her right away. But for you, I'll make an exemption: Just love me now, and I will court you forever." nakataas pa ang kilay.

"Pres. Ferdinand Marcos is that you?" natatawa kong sabi.

"Yes, and you'll be my Imelda Marcos."

Ngayong malinaw na ang lahat, napagtanto kong matagal ko na pala siyang gusto at hindi ko lang maamin. Bakit? Dahil ayoko naming masira ang friendship naming. Buti nalang, our feelings are mutual.

GunshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon