@Jadyang : Shots 006-008 are my output when I was in jhs. And I like to share it here - Dagli yata ito kung tama ang pagkakaalala ko.
SAAN DARATING ANG MGA SALITA?
"Nandiyan na siya! Bili!"
Bawat pagpasok ko sa aming classroom ay ganito ang aking naririnig. Ano na naman kayang iniisip nila?
Pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay rinig ko na ang kanilang mga bulungan...
"Anak daw 'yan sa iba ng nanay niya kaya hindi niya kamukha mga kapatid niya."
"Palibhasa pokpok ang nanay niya kaya ganoon din siya."
"Baka marinig tayo niyan."
"Oh ano naman? Wala naman siyang maipagmamalaki, bobo kasi." Sinabayan pa ng tawanan.
Sa araw-araw na buhay ay parang namanhid na ako. Para akong nasa isang silid na puno ng mababangis na hayop at ako ang kanilang paboritong putahe - paboritong pagdiskitahan.
'Walang kwenta'
'Inutil'
'Napakatanga'
'Malandi'
Bawat masasakit na salitang aking naririnig ay isa ring pagkasugat sa aking pagkatao. Nagkakaroon ng malalim na sugat na nagdudulot ng lamay sa'king buhay.
Saan nga ba makararating ang kanilang mga salita?
Nagbibigay ito ng pagkasira sa aking kumpiyansa na maging matatag. Dahil sa kanilang mga salitang matatalim, nasugatan ang aking babasaging damdamin.