"Ahas ka! Inahas mo ang boyfriend ko!" Akma ako nitong sasampalin pero napigilan ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
"Hindi ko siya inahas! Siya ang kusang lumapit sa akin at hindi ko kasalanan yun. Baka naboring sa'yo!" Madiin at may talim sa bawat salita. Nagsimula nang mangilid ang mga luha sa mata niya, kumikislap at unti-unti na ngang nagbuhusan. Typical weak protagonist.
"Kyla, ano ba! 'Wag mo na kaming ginugulo ni Mariela. Masaya na kami!" Pagsulpot naman ng lalaking 'inagaw' ko daw sa kaniya. Marahas niyang kinuha ang kamay ni Kyla mula sa pagkakahawak ko.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan?!" Galit pang dagdag ni Elliot, my boyfriend.
"Elliot..." halos magmakaawa at lumuhod ito.
"Masaya naman tayo dati ha? Anong nangyari? Bakit naging ganito tayo?" Nagsimula nang humagulgol si Kyla."Because I don't love you Kyla! I didn't. Niloko lang kita." Malamig na sagot ng boyfriend ko.
Nanlambot at napaupo na lang ang kawawang nilalang. Poor girl, sorry but your man is mine now!
Kumapit ako sa matipunong braso ng gwapo kong boyfriend.
"Honey, let's go!" At tumalikod na kami paalis. Nilingon ko pa ang luhaang si Kyla at nagpakita ng matagumpay na ngiti. Mas lalo kong idinikit ang katawan kay Elliot.
I smirked, hell yeah. I win, loser!
"CUT!" isang malakas na boses bilang hudyat ng pagtatapos.
"Good take! Good job!" Puri ni Direk. Napapalakpak pa ito sa tuwa maging ang mga nasa paligid na nakasaksi sa buong scene.
"Thanks, Direk." Pagpapasalamat namin.
"That's all for today. Wrap up na tayo guys. Nakakadala talaga ang acting niyo!"
Yes, i am the antagonist of the highest rating drama on television. The favorite antagonist in this generation.
Dumiretso na ako sa designated dressing room ko. Bumungad sa akin ang assistant ko na nag-abot ng wipes.
"Trending na naman ang episode niyo ngayong araw. Hashtag Better Huli Na." Balita niya, kakaupo ko pa lang.
"Wow! Another good news." Masayang sambit ko. Halos araw-araw ay hindi kami nalalaglag sa trending list on social medias.
"At siyempre, mas lalong dumami ang haters mo." Doon nawala ang ngiti ko.
I maybe an antagonist on all dramas or movies na ginanapan ko pero I am not a kontrabida in real life. Nabasa ko na ang mga viral comments and memes ko sa social media. May nakakatuwa, nakakainis at below the belt. Sobrang nadadala talaga sila sa teleserye which is good, meaning maganda ang flow ng drama namin pero nagkalat na napakasama raw talaga ng ugali ko.
Itinawa ko nalang ang lahat ng naiisip.
"As usual." My assistant looked at me sadly.
At biglang ngumiti,
"Don't worry Pamela. Alam naman nating lahat na ang mga kumakalat sa medias ay kabaliktaran ng ugali mo in real life." Pagpapagaan niya ng loob ko.I am Pamela Alvera in real life but known as Mariela Gaviola - the mang-aagaw, kontrabida all the time.
Nginitian ko si Diana, my assistant.
I am thankful na may nakakakilala pa rin sa tunay kong pagkatao, that I am good off cam. Hindi nila alam ay pang-kontrabida pala ang ugali sinusuportahan at kinakaawaan nilang bida. Ghad people are blind.
"Mariela, your features are fierce and perfect. Bagay na bagay sa antagonist role." Isang project na naman ang natanggap ko after our controversial drama. And I'm the antagonist again.