I know this is my chance. Wala na akong pakialam kung sapakin man ako ng boyfriend mo kasi paparamdam ko na sayo yung pagmamahal na matagal ko nang tinatago. Alam kong Mali. Alam Kong may masasagasaan ako. Pero pag di ko igagrab yung chance for sure di na ako magkakachance pa ulit.
I saw you together with Lanie. Ang saya mo lang. I know she's your second best friend after Lynn. Wala kasi si Lynn lagi nang nag college na kayo. Iba yung course nya. At mas madalas ko syang nakikita kesa sayo.,
This is it. Kinuha ko agad yung dala mong bag. Grabe halos lahat yata nang pinamili natin kahapon dala dala mo. Iba ka talaga Cry. Sabay tayong sumakay ng bus at magkatabi tayo. Hinayaan kong sa tabi ka ng bintana pumwesto. Medyo mahilig ka kasi sa view lalo na sa mga landscapes at nature. Dahil naabutan tayo ng traffic, nakatulog ka at sumandal sa balikat ko. Ang saya saya ko. Parang heaven lang. Yung tipong slow mo ang lahat. At pinapanalangin ko na sana di na umusad pa ang napakahabang traffic sa EDSA.
Ginising nalang tayo ni Lanie nang nakarating na pala tayo sa Camp Site. Nakatulog rin pala ako. Nakita kong bigala nalang lumaki yung mata mo kasi nakita mo kung gaano kaganda yung view sa makiling. Ang daming puno. Ibang iba sa lugar na araw araw nating nakikita sa Manila. Wala halos pulusyon sa paligid at di mo dama ang Global Warming.
Pumunta na tayo sa may harap ng stage sa gilid ng camp site. Dun tayo i oorient ng mga senior scouts at nang mga teachers sa NSTP. Yung mga Do's and Dont's at yung mga rules and regulations. Di naman ako nakikinig kasi busy ako sa pagtingin sa magandang tanawin sa harap ko. At syempre ikaw yun. Nahalata mo siguro na nakatitig ako kaya napatingin ka at biglang namula. Kinikilig ka siguro no? Ang cute mo talaga Cry.
Magkahiwalay yung babae sa lalaki. As usual para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kampante naman ako sa mga kasama mo at alam ko ring dala mo yung inhaler mo kaya safe ka. Naghiwalay na tayo ng landas kasi may sari sarili tayong task na dapat gawin. Pinuntahan nalang kita ng hapunan na.
Masyado tayong naging busy sa iba't iba nating tasks. Magkaiba kasi tayo ng team e. Di na rin kita masyadong nadadalaw sa tent nyo kasi nga busy. Nagkatime lang tayo nung tapos na yung mismong camping. Sabay tayong bumili ng mga souvenirs at kung anu-ano pang pasalubong. Ikaw ata yung pumakyaw ng mga key chain dun sa tindahan e. Ang dami mo kasing papasalubungan.
Pag uwi nang Manila, hinatid kita sa inyo. Sa buong byahe kasi tulog ka. Di na kita inistorbo kasi sabi ni Lanie pagod ka daw. Umuwi ako sa bahay at natulog. Sakto long weekend ngayon at walang pasok bukas. Makakagain ako ng lakas sa dalawang araw na pagpapakamatay sa mga death-defying obstacles sa camp site.
Nag aalangan akong itext ka. Di ko tuloy nasabi sayo yung matagal ko na dapat sinabi. Yung mga bagay na matagal ko nang kinikimkim. Na matagal na kitang mahal at willing akong maghintay. Nakakainis. Ang tanga tanga ko talaga. Countless chances na yung pinakawalan ko. Ang stupido ko Shit.
--
Tuesday nun. Excited na akong sabihin sayo ang lahat lahat. Pupuntahan sana kita sa room nyo. Kaso nakita ko yung boyfriend mong may dalang bulaklak at box ng chocolates. Saktong sakto pa yung dating ko. Yung tipong kilig na kilig ka kasi para kang prinsesa na sinusuyo ng prince sa pinapangarap mong love story. Inaasar ka ng mga klasmates mo. Tapos napatingin ka sakin. Ano ba yung nakita ko Cry? Lungkot ba yun? Akala ko kinikilig ka? Pero bakit nung tumingin ka sa akin biglang lumungkot yung mata mo? Ang gulo mo naman e.
Umalis ako at nagpakalayo-layo. Ngayon alam ko na talaga yung silbi ko sa buhay mo. Dakilang replacement sa tuwing wala sa tabi mo yang boyfriend mo. Pero na bobother talaga ako sa glance na binigay mo kanina. Nagdadalawang isip ako kung ano yung gusto mong iparating. Nakakabaliw Cry. Gulong-gulo na ako.
Iniwasan kita as much as possible. Kahit na patuloy kang nag tetext at tumatawag di kita nirerelpyan. Ayoko. Gusto ko nang sumuko sa 5 taon kong paghihintay na mapansin mo. Talunan na ako alam ko.
It's been months since that incident. Pinilit kong maging busy sa pagiging studyante ko. Di naman ako nahirapan kasi nagsimula na kaming gumawa ng mga Thesis. Hanggang sa nalaman ko na patapos na pala yung sem. Ang bilis ng panahon.
Mabilis na umandar ang oras. Di ko nalaman na sa sobrang bilis nasanay na pala akong di ka makita. Di ko na rin binabrowse yung Facebook account mo. Hindi ka na rin pala nagpapadaan ng mga group messages sakin.
- - -
Thursday nun. Vacant time ko. Nakita kita after 2 years. Akalain mong malaki din pala yung University natin. Sa loob ng 2 taon ni anino mo di ko nakita. Tapos ngayon nakatayo ka sa harap ko. Di mo ako napansin kasi busy ka na makipagtawanan sa mga bago mong kaibigan. Ang laki na nang pinagbago mo. Yung dati mong katawan na medyo payat ngayon medyo malaman na. Naka skirt ka tapos naka black na see through na damit. Parang gusto kitang Yakapin kasi na realize ko na sobrang miss na pala kita.
Umalis ka kasama nila nang hindi mo man lang napansin na nasa malapit lang ako. Sinundan kita nang tingin hanggang sa di na kita makita. Ito na naman pala ako. Bumabalik ulit sa dating ako na naghahangad na mapansin mo.
Bago pa man ako tuluyang mag mukhang tanga, dumating na si Sandra. Sya yung girlfriend ko. Matagal na rin kasi nung last time na sumuko ako sa pagmamahal sayo kaya tinry ko ring ibaling yung pagmamahal ko sa iba. Alam kong medyo unfair ako sa kanya ngayon. Kasi parang bumalik lahat ng mga memories na pilit ko nang ibinaon sa paglipas ng panahon. Medyo matagal na rin kami. First year anniversary namin sa isang araw. Nakakatuwa no? Dahil sayo Cry nakahanap ako ng babaeng mamahalin ako ng buo. Pero syempre di ko sinabi sa kanya kung ano yung nakaraan natin kahit alam ko namang para sayo, wala tayong history. Alam ko kasing pwede naming pag awayan yung bagay na yun. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Pasensya na ha?
Teen FictionMahal ko sya. Alam kong mahal nya rin ako. Pero pasensya na ha? Di ko pa kasi kaya yan tuloy nasasaktan tayo.