2

10 0 0
                                    


Alam ko halos lahat ng mga nangyayari sa buhay mo. Kapag nag aaway kayo ng magaling mong boyfriend, kapag mataas ang nakukuha mong marka sa mga test nyo at kung napapagalitan ka ng teacher mo dahil sa kadaldalan mo. Medyo korni pero kinaibigan ko ang klasmeyt mo para lang malaman yun. Obssesed na ako sayo Cry. Pasenya na. Pero yung tignan ka lang mula sa malayo at pangarapin na nagmamahalan tayo lang ang kaya ko.

Nainis ako sa prof ko kung bakit kailangan isama pa ako sa camping sa Laguna. Wala akong palag kasi compulsory yun e. Wala akong choice part yun ng NSTP under CWTS. Habang nasa pila ako para bayaran yung fee sa nasabing camping nakita kita. Ang aliwalas ng mukha mo Cry. Tinanong kita kung anong ginagawa mo sa cash office sabi mo magbabayad ka ng fee para sa camping sa Laguna. Nakaramdam ako ng saya. Kahit pala papano mahal ako ng Diyos. Alam kong magiging exciting yung  camping experience na ito kasi kasama ka. Kahit di tayo parehas ng course okay na sakin yun.

--

Friday nun at isang araw nalang pupunta na tayo sa Laguna. Nakita kita kasama ng mga kaklase mo. Ang saya saya mo. Grabe iba talaga ang kislap ng mga mata mo Cry. Kabaligtaran ng pagkatao mo yung pangalan na binigay sayo ng mga magulang mo. Nakita mo ako tapos kinawayan. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Iba ka talaga. Ikaw lang yung babaeng nakakapagpabagal ng takbo ng mundo ko.

Namalayan ko nalang na nasa harapan na kita. Nakangiti ng sobrang laki tapos yung mga mata mo parang nangungutya. Namula yung mukha ko kasi sobrang lapit mo. Tapos yung mga kaibigan mo nakatawa rin. Kanina pa pala ako nakatanga sayo. Nakakahiya tuloy. Tinanong mo pa nga ako kung pwede kitang samahan sa mall para mamili ng mga gamit sa camping tulad ng sabon, medical kit at kung anu ano pang kakailanganin mo. Sumama naman ako kahit alam ko na may chapter test kami sa next subject ko.

Kung saan saan tayo nagpunta tapos nung napagod ka na, bigla ka nalang pumasok sa isang sikat na fast food chain habang haltak haltak ako. Umorder ka ng value meal para sa ating dalawa. Nakakatuwa kang tignan. Ang lakas mong kumain. Makita lang kitang kumakain parang busog na busog na ako. Noon ko lang narealize na dapat yung boyfriend mo yung kasama mo. Kaya tinanong kita kung nasan sya.

Bigla kang nalungkot tapos tumigil sa pagkain. Sabi mo sa akin nagDodota sya tapos magkaaway kayo. Sabi na nga ba e. Rebound lang talaga ako. Tagapalit sa pusisyon ng boyfriend mo kapag wala sya. Taga payo pag broken hearted ka. Taga salo ng mga luha mo pag nasasaktan ka. Taga palakpak kapag nasa Top ka ulit ng klase. Pero okay lang. Kasalanan ko din naman kasi kung bakit ako nasa pusisyong ito e. Ang tanga ko lang. Biruin mo abot kamay ko na yung taong pinapangarap ko pero ni ipaglaban di ko magawa? Di ko pa kasi mahugot yung lakas ng loob na matagal ko nang pinag iipunan e. Masyado bang mahirap sabihin na akin ka nalang? Na dito ka nalang sa tabi ko at di na kita bibitawan kahit na kailan? Di ko alam. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag kasama mo yung boyfriend mo. Nasasaktan ako kasi di ako yung katabi mong magcelebrate ng mga mahahalagang araw sa buhay mo lalo na pag Birthday mo. Nasasaktan ako kasi di ako yung may hawak ng kamay mo at nag-aalaga sayo pag may sakit ka. Ang hirap Cry. Ang hirap.

Napabuntong hininga ako kaya napatingin ka sa akin. Parang nagtataka ka kasi ang sama ng mukha ko. Inakala mo pa nga na ayoko nang samahan ka kaya nag pout ka. haha. Ang cute mo talaga Cry. Gusto mo bang iuwi na kita? Aalagaan kita dun. Gagawing prinsesa at mamahalin ng sobra. Kaso di pwede e. Di ko pa kaya. Tang ina talaga.

Nag yaya ka nang umuwi sa inyo kasi nga gabi na. Maaga din kasi yung time in departure natin. Kaya nagpumilit ako na umuwi na para mas makapagpahinga ka pa kasi baka atakihin ka pa ng asthma.

Pagdating sa inyo, nakita ako ni Tita Lei. Ang saya nya. Sabi nya alagaan daw kita sa camping kasi alam nyang close tayo at pinagkakatiwalaan nya ako. Gumaan yung loob ko. Buti nalang di kasama yung boyfriend mo. At least masosolo kita kahit dalawang araw lang.

Pasensya na ha?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon