© Joannebitious
"Dude, Tama na. Masasaktan ka lang lalo"
Narinig kong nagsalita si Aldrin pero naka focus pa rin ang atensyon ko sayo.
Ilang minuto lang solve na ako.
Sanay naman na akong tignan ka mula sa malayo.
Magpretend na di kita mahal para di ka mailang.
"Pasensya na. Di kita kayang ipaglaban." Bumulong ako pero narinig pa rin ni Aldrin.
"Dude, hayaan mo na. Makakahanap ka rin ng iba."
Napabuntong hininga ako. Oo nga no? Baka may iba pang babae dyan. Pero kasi Cry minahal kita ng matagal e. Nasaktan mo na ako ng ilang beses. Natatawa na lang ako kasi naghihintay pa rin ako sayo.
--
Naaalala ko pa nung Second Year High School tayo. Ikaw ang pinaka close kong babae. Pinaghirapan kong maging malapit sayo. Kahit na may mahal kang iba nun pinilit kong umextra sa buhay mo. Malay mo di ba? Na biglang lumaki yung role ko sa buhay mo.
Nabigo ako nung una kasi may gusto kang iba. Lahat sila boto sa inyo. At nakita kong ganun ka rin. Ano pa bang magagawa ko? Edi maging masaya na rin. Kasi nga KAIBIGAN mo ako.
Tinuring ka nyang prinsesa. Pero walang KAYO. Sabi mo sa akin okey lang na ganun yung set up nyo. Walang commitment pero masaya kayo. Nalungkot ako dun alam mo ba? Kasi dapat ako yun e.
Nalaman kong di pala sya seryoso sayo. Nag dilim ang paningin ko at nasapak ko sya. Pasensya na ha? Nasaktan ko yung mahal mo. Kinampihan mo sya at hindi ako. Ano ba kasi ang laban ko? E di nga kasi ako yung mahal mo di ba?
Umiwas ka sa akin pero di ko sinabi sayo yung nalaman ko. Kasi baka umiyak ka. Parang di ko kayang makita kang namumugto ang mga mata.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nalaman mo rin ang lahat. Ginusto mong mapag isa at di na lang umimik. Nasasaktan ako alam mo ba? Kasi tinarantado lang yung taong pinakamamahal ko.
Tinry mong mag umpisa ulit. Alam kong ito na ang perfect timing ko. Naglaan ako sayo ng maraming oras. And At last! Napansin mo rin ang existence ko.
Masaya akong napapangiti kita. Lumulundag ang puso ko. Bumibilis ang tibok nito pag tinatawag mo ang pangalan ko. Di ko alam pero mukhang hulog na hulog na ako sayo.
Ilang months din na magkasama tayo. Close na parang matalik na kaibigan. Yes! Lumalapit na lalo ako sayo. Yung tipong masyadong malayo yung agwat natin, ngayon abot kamay na kita.
One time lumapit ako sayo at mag tatapos na ang school year nun. Sabi ko sayo may ipagtatapat ako. Naintriga ka tapos kinulit ako. Di mo ako tinigilan pero di mo ako napa amin. Pasensya na ha? Sinabi ko sayo na sasabihin ko sayo pag may sapat na lakas na loob na ako. Pero hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sayo. Sumabay sa buhos ng ulan ang lakas ng loob na pinag ipunan ko nang gabing yun. Ang tanging nagawa ko lang e buhatin ang bag mo.
Umiwas ka pagkatapos ng gabing yon. Naguluhan ako at di napakali. Medyo na guilty kasi ako e. Gumawa ako ng paraan para malaman ko kung anong nangyari. Nakita ko yung notebook mo at yung nakaipit na bond paper dun.
Isang tula...
Para pala sa akin yun.
Binasa ko at napangiti.
.
.
.
.
.
May bago ka na palang mahal Cry.
.
.
.
.
.
At AKO YUN. :))Bigla akong natakot. Natakot ako na baka masaktan kita. Iba pala pag ako na yung mahal mo. Nakakapressure.
Hinayaan kong matapos ang taon na di ko nasasabi sayo ang lahat. Di pa ako buo Cry. Mahal kita pero di sapat yun. Pasensya na ha? Hinayaan ko na namang masaktan ka.
BINABASA MO ANG
Pasensya na ha?
Fiksi RemajaMahal ko sya. Alam kong mahal nya rin ako. Pero pasensya na ha? Di ko pa kasi kaya yan tuloy nasasaktan tayo.