Chapter. 15

133 62 0
                                    

Lei POV

Hay napaka boring dito. Nasaan ba kasi si Nida?

Kinain na ba siya ng inodoro at hindi siya makalabas?

Kunwari abala ako sa cellphone ko. Kunwari may ka Chat ako, kahit wala.

Ang boring talaga ng buhay ko.

Iyong mga boys pati si Rheem may kanyang kanyang ginagawa.

Sa Phia lang walang ginagawa.

"Lei" tawag sa 'kin ni Phia

Agad naman ako lumingon sa kanya.

"Oh?"

"Ang tahimik mo, hindi ako sanay" sabi niya sa 'kin

"Anong tahimik? Sino tahimik?" Gulat kong sabi

Agad naman sila tumingin sa 'kin.
Pati na rin ang mga kaklase ko.

Masama bang magulat?

"Ikaw" sagot niya

Tahimik ba ako ngayon?

"Hindi ako tahimik noh" tanggi ko

Hindi na sumagot si Phia.

Kunwari busy ulit ako sa cellphone.

"Girlfie, subuan mo naman ako" ngusong sabi ni Cas kay Rheem

Subuan? Nakain pa rin ba siya?

"May kamay ka di ba?" Inis na sabi ni Rheem

"Please na girlfie" Cas

Bakit ba kasi nauso ang salitang love life?

Napansin ko naman na tinigil na ni Rheem 'yong pagbabasa niya wattpad.

"Hay" Rheem

Agad naman hinawakan ni Rheem 'yong kutsara at nagsandok ng spaghetti.

"Oh" abot ni Rheem

"Sarap" ngiting sabi ni Cas

Patuloy pa rin ako sa pakikinig sa kanila.

"Hindi ka pa nabubusog kakain pa lang natin sa Canteen" Rheem

"Gusto ko pa kumain ih " Cas

"Tsk" Rheem "Here" sinubuan ni Rheem si Cas

"Pahingi naman ako niyan Cas" ngiting sabi ni Rienx

"Ayoko" seryosong sabi ni Cas

"Subuan mo ko Rheem" ngiting sabi ni Rienx kay Rheem

Hindi naman siya pinansin ni Rheem.

"Ano ba?" Cas

"Jokiee lang"

"Kung ako sa 'yo magseryoso ka ulit para may magsusubo sayo" Cas

Ulit? Ibig sabihin nagseryoso na siya. Hindi halata ah mukhang expert na kasi siya hahaha.

"Wala 'yan sa bokubolaryo ko" proud na sabi niya

"Wala ba or sadyang ayaw mo lang kasii.." Cas

"Tumigil ka na" seryosong sabi ni Rienx

"It's been a long time to move on" Bry

Minsan na nga lang magsalita English pa.

"Matagal na ako nakapag move on na ako" Rienx

Change with the ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon