Mitch POV
"Mitch, pupunta muna ako sa Department store" paalam ni Kuya
Nandito kami ngayon sa Mall ni Kuya. Nag-pasama ako sa kanya.
"Sige"
"Kita na lang tayo dito sa harap ng Jollibee" sabi ni Kuya
"Sige"
Umalis na si Kuya, Pumunta na ako sa National Bookstore.
Habang tumitingin ng libro na bibilhin may nakita ako ng PSICOM na mga libro. Nilapitan ko at panay wattpad.
Tinawagan ko si Rheem at agad naman niya 'to sinagot.
Bold (ako) Italic (Rheem)
"He.."
"Nagbabasa ka ng wattpad di ba?"
"Oo"
"Anong libro ang wala ka?"
"Bakit mo na itanong?"
"Tsk! sagutin mo na lang ang tanong ko"
"The untold story of Ara, Casa Inferno, Ang mutya ng Section E, I love you since 1892, The four...."
"Tama na"
Binaba ko na ang linya.
Bumili ako ng dalawang libro. Para sa birthday niya.
Nilagay ko 'yon sa basket.
Pumunta naman ako sa mga Science Books.
Kumuha ako ng tatlong libro.
• Stephen Hawking's a Brief History of Time: A Reader's Companion by Stephen Hawking
• Cosmos: A Personal Voyag by Carl Sagan
• On the Origin of Species by Charles DarwinPumunta ako sa mga isinulat ni Henryk Grynberg.
Kumuha ulit ako ng tatlo at nilagay sa basket.
• Chidren of Zion
• Drohobycz, Drohobycz and other stories: true tales from the Holocaust and life after
• MemorbuchPumunta naman ako sa William Shakespeare.
Nababasa ko kasi na magaganda daw ang mga work niya.
Alin ba dito?
Halos magtagal ako sa kakatingin ng mga works ni William Shakespeare.
"Nahihirapan ka ba pumili?" Tanong ng isang lalaki
Lumingon naman ako sa kanya.
Lumapit naman siya sa 'kin.
Tiningnan niya ang mga nilagay ko sa basket at tumingin na siya sa mga libro ni William Shakespeare.
Pumili siya ng tatlo at inabot sa 'kin.
Tinanggap ko naman ito.
• Othello
• The Winter's Tale
• The Passionate Pilgrim"Halos lahat na gawa ni William Shakespeare magaganda at may mga mensahe" ngiting sabi ng lalaki
"Bata pa lang ako at hanggang ngayon hilig ko na ang pagbabasa" dagdag na sabi niya
Tinatanong ko ba?
"Hindi pa pala ako nag-papakilala" ngising sabi niya
"By the way my name is Dixon Flammia" ngiting sabi niya
BINABASA MO ANG
Change with the Reason
Romance[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...