Mitch POV
"Mitch, iyong bilin namin ng Mommy at Kuya mo huwag mo kakalimutan" sabi ni Dad
It's my 18th Birthday.
Tumango na lang ako bilang sagot.
Nakasakay na kami sa airplane.
Sana maging maayos na lahat pag-balik ko.
Iyong babae at lalaki kahapon.
Ang sabi nila kapatid daw nila ako.
Flashback.
"Senyorita" tawag sa 'kin ng isang katulong habang nakasarado ang pinto
Nandito ako ngayon sa kwarto at nakahiga sa kama.
Bahala siya, Tinatamad ako.
"Senyorita" tawag niya ulit sa 'kin
Hindi ko na lang ulit siya pinansin.
Wala na siguro siya. Mabuti naman.
"Lumabas ka, Mitch" sabi ni Mom
Napalingon naman ako.
Hindi ko napansin na pumasok siya sa kwarto ko.
"May bisita ka" seryosong sabi ni Mom
"Wala akong inaasahan na bisita" seryosong sabi ko
"May gusto sila malaman tungkol sa necklace na T. Y ang pendant" sabi ni Mom
"Sa inyo ang necklace na 'yon" sabi ko
"Sa 'yo 'yong necklace, hindi sa 'kin" seryosong sabi ni Mom
"Nag-sinungaling ka" seryosong sabi ko
Ayaw ko pa naman 'yong sinungaling.
Pinatawad ko na nga sila na tinago nila 'yong tungkol sa pagkatao ko.
"Pasensya na" sabi ni Mom
Tumayo na ko.
May inabot sa'kin si Mom. Agad ko naman ito kinuha.
Tiningnan ko naman 'to.
Kung sa 'kin nga 'to ibig sabihin ako ang girlfriend ni Xon?
"Gusto mo ba isuot ko sa 'yo?" Tanong ni Mom
"Sige" sabi ko
Binigay ko naman sa kanya ang necklace at sinuot naman niya sa leeg ko.
"Bumaba na tayo" sabi ni Mom
Hindi na ako sumagot. Una lumabas sa kwarto si Mom sunod ako.
Na makarating sa sala may napansin ako isang babae at lalaki na nakaupo sa sofa kasama nila Dad at Kuya.
"Oh! Mitch" sabi ni Dad
Lumingon naman sila sa 'kin. Tumayo iyong babae at lalaki.
"Hello ako si Maidene South Hubert you can call me Ate Maidene" ngiting pakilala niya
Kung ganoon siya iyong ex-girlfriend ni Kuya.
Hindi ko na lang siya pinansin.
"Zimmerman East Hubert tawagin mo na lang ako Kuya East" ngiting pakilala niya
"Mitch" tawag ni Kuya
Tumingin naman ako kay Kuya.
"Kinakausap ka nila" sabi ni Kuya
BINABASA MO ANG
Change with the Reason
Roman d'amour[Revision] Sa edad na labing anim ay madaming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin talino, palaban, kagandahan, sexy, singer, at hindi rin siya magpapahuli pagdating sa mga sports. Kasali siya sa dance club at ang pangalan ay "Spice Maiden"...