Chapter 10: Bonding With Friends (Part 1)

68 2 2
                                        

ZHIANNA'S POV

"Sa-salamat sa pagtulong nyo. Salamat talaga ms.--"

"Zhianna. Called me zhia".

"Ahhh maraming salamat Ms. Zhia. Salamat talaga". Sabi ng babaeng tinulungan namin kanina.

"Sa susunod wag ka nang lumapit sa unggoy na yun". Sabi ko at lumapit pinat ang ulo nya

"By the way, girl what's your name?". Sabi ni Xia

"I'm haily sebastian". Sabi nya sabay abot ng kamay

"I'm Xia Xy Mondiozon"

"Hi I'm Kelly Shane Florenzo"

"Ako naman si Claire Loine Flanez". Isa isa silang nakipagkamay kay haily

"From now on kaibigan ka na namin ah". Nakangiting sabi ni claire

"Oh isuot mo na ito at bumalik ka na sa room mo". Inabot naman ni kelly ang isang extra uniform niya.

"Thank you so much ibabalik ko na lang ito bukas". Haily

"No need, sayo nalang yan". Nakangiting sabi ni kelly

"Salamat talaga sa inyo"

"Your welcome.. Oh sya tara na balik na tayo sa room". Naglakad na agad sya papunta sa room kaya agad kaming sumunod sa kanya.

Aga akong umupo at dumukmo sa arm chair ko. Hayss bwisit talaga sya. Kalalaking tao lumalaban sa babae. Tss bakla ba sya? Tss ganon pala ang ugali nya. Hindi ko pa talaga sya kilala. Tss ano bang pakialam ko sa lalaking yun?

"Good morning class". Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang boses ng aming lecturer

"Good morning sir".

"Ok lets start our discussion blah blah blah".

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng lecturer namin biglang bumukas ang pintuan.

"The four of you!!! Late na naman kayo!!".

"Hindi ka na nasanay". Cold na sabi ng unggoy

"Don't talk to me like that Mr. Dylan. I'm a teacher here".

"Yah i know, and I'm the owner of this school". Naglakad na siya papaunta sa upuan sa likod namin

"I'm bored". Sabi ni claire habang nagdradrawing ng kung ano ano sa notebook niya.

"Kaya nga. Nakakaantok". Sabat ni xia

"Just listen to our lecturer". Sabi naman ni kelly

"Ayoko nga. Lalo akong nabobored haysss". Claire

Sa aming apat si kelly ang masipag mag aral. Masipag din siyang makinig sa mga lecturer namin kahit nakakabored naman sila magturo. Lahat ng sinasabi at sinusulat ng aming lecturer agad niya yung isusulat sa isang papel bago niya ilipat sa notes nya. Ohh di ba ang sipag.

"Hey tara gala tayo mamaya?". Pag aaya ni claire

"Saan naman tayo pupunta?". Xia

"Sa park nalang kaya. Tutal yun lang naman ang tambayan natin di ba?".

"Oo nga no, dun nalang tayo. Miss ko na tumambay dun ehh". Sabi ni xia sabay sad face. Hahaha mukhang tanga naman ito ah.

"Sige sige gusto ko ya-". Claire

"MS. CLAIRE LOINE FLANEZ, MS. XIA XY MONDIOZON AND MS. ZHIANNA ZY MONTERO!!! ARE YOU LISTENING!!!??". Sigaw ng teror naming lecturer at nakataas pa ang kilay

"Hindi po. Nakakaboring kasi kayo magturo ehh". Nagtawanan naman lahat ng kaklase ko sa sinabi ko.

"Hoy ano ka ba. Wag mong ganyanin si sir". Suway sakin ni Xia

"Aba sinasagot sagot mo na ako Ms. Montero".

"Sinagot ko lang po yung tanong nyo".

"ABA'T SUMASAGOT KA PA!!?? GET OUT!!!". Sigaw nya habang nakaturo sa pintuan

"Ok". Agad akong naglakad. Nang nasa harap na ako ni sir agad siyang nagsalita na nakapagpahinto sa akin

"Hindi ko kailangan ng estudyanteng tulad mo". Pikon na sabi ni sir

"Don't worry sir, ayaw ko din na magkaroon ng lecturer na boring ang turo, nakakaantok ehh". Sabi ko at nagkunwaring inaantok kaya humikab ako sa harapan niya at agad na naglakad palabas

Naglakad lakad ako hanggang mapapunta sa isang garden. Magagandang halaman, makukulay, malawak, may mga upuan din na mahaba kaya pwede kang humiga, at malinis na damo, pwedeng pwede mong higaan ano mang oras.

Umupo ako sa may damuhan at sumandal sa malaking puno. Walang katao tao, tahimik kaya naman nakakakalma ang atmosphere dito. Sariwa pa ang hangin kaya masarap sa pakiramdam.

Naaliw na ako sa ganda ng garden na ito kaya naman halos lahat na ng subject ay hindi ko na napasukan. Maya maya narinig ko ng nagring na ang bell kaya umalis na ako sa kinauupuan ko at hinanap ko na sila Xia.

"Hooooyyyyy"

"Ay tipaklong!! Ano baaa bakit kasi nanggugulat tsk".

"Bwahahahaha ako? Tipaklong? Sa ganda kong ito?". Sabi ni claire sabay flip hair

"Maganda ka ba?".

"Duhh oo naman no. Hindi ba halata?". Maarteng sabi niya

"Oo hindi halata. Kaya nga nagtataka ako ehh". Pang-aasar ko sa kanya

"Hahahahahaha". Sabay tawa nila xia, kelly at hai

"Ewan ko sa inyo tsk". Padabog na umalis si claire papunta sa parking lot. Pumunta nadin kami sa parking at sumakay sa kotse. Agad akong nagdrive papunta sa park.

"Hey ang bilis mo naman magdrive". Kelly

"Ehh gusto ko ng makapunta dito eh".

"Teka. Nasaan sina Xia, claire at si hai?".

"Dumaan muna sila sa grocery, bumibili ng makakain natin".

"Ahh".

Haysss ang tagal naman nila. Tsk baka kung saan saan na naman pumunta yung mga yun.

"Yowww guyss we're here naaa". Maarteng sabi ni claire at inilatag ang medyo maliit na tela sa damuhan. Isa isa namang inilagay ni xia at hai ang mga pagkain sa tela.

"Wow picknik ba ito? Hahaha". Masayang sabi ni kelly

"Oo, ngayon lang ba ikaw na inform?". Pataray na sabi ni claire

"Tara na kain na tayooooo". Sabi ni xia sabay dampot ng pagkain.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami. Hayss sana ganito nalang palagi. Masayang nagkukwentuhan, kumakain na sama sama..

Itutuloy
------------------------------------------------------

Ms. Pilosopa Meets Mr. Cold GuyWhere stories live. Discover now