Today is saturday. Dahil sabado ngayon, ito na naman ako nanonood mag isa... And yah, mag isa ako. Bakit? Si kuya nasa bahay ulit ng kabarkada nya. Sina mom and dad nasa korea pa, si nanny at ibang katulong namin wala, day off. Ohh see? Wala akong kasama.
Dahil sa bored ako, pumunta nalang ako park malapit sa bahay namin. Umupo nalang ako sa may duyan at dahan dahang inugoy iyon. Umihip ang hangin at naglaglagan ang mga dahon sa paligid. Hinawi nito ang mahaba kong buhok.
"Hi". Napatingin ako sa isang lalaking umupo sa katabing swing ng swing na inuupuan ko.
"May kasama ka ba?".
"Mukha ba akong may kasama?".
"Ay ang sungit". Kunwaring malungkot na sabi nya.
"Ano bang ginagawa mo dito?". Nagtatakang sabi ko dito
"May nakita kasi akong isang magandang binibini na nag iisa. Kaya lumapit ako para naman may kasama sya". Nakangiting nakatinging sabi nya sa akin.
"Ah ganon ba? Salamat pero hindi ko kailangan ng kasama tsaka hindi ako nakikipag usap sa hindi ko kakilala".
"Eh bakit mo ko kinakausap kung hindi ka nakikipag usap sa mga hindi mo kilala". Nakangising sambit nya
Tumingin ako sa kanya
"Eh bakit ka ba kasi nandito?". Inis na sabi ko dito. Nananahimik ako tapos bubulabugin nya ako tss
"Kasasabi ko lang kanina di ba?".
"Sabi ko nga". Amp kinis naman.
"I'm Josh Clyden Cy Zenrell, josh for short". Sabay lahad nya ng kamay.
"I'm Zhianna Zy Montero, zhia for short". Tinanggap ko naman ang kamay nya.
"So paano ba yan, magkakilala na tayo. So pwede na ba kitang makausap?". Nakangiting sabi nya
"Oo n-". Napatigil ako sa pagsasalita ng may nakita akong nagtitinda ng ice cream. Nahalata ata ako ni josh kaya naman hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa bilihan ng ice cream.
"Manong dalawa po".
"Anong flavor ang gusto nyo sir".
"Ahh chocolate flavor po. Sayo ba zhia?".
"Ah strawberry".
"Isang strawberry at chocolate po". Pinagmamasdan ko lang siya ng bigla siyang nagsalita
"Alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong titigan ng ganyan, naiilang ako". Nakangiting sabi nya sabay abot ng ice cream sa akin
"Ahm thanks".
"Bakit ka mag isa dito?". Sabi nya at naglakad papunta sa pwesto namin kanina
"Boring eh. Wala akong kasama sa bahay". Simpleng sagot ko
"Eh nasaan ba ang mga kasama mo at iniwan ka mag isa?". Nagtatakang sabi nya
"Bakit ko sasabihin? Close tayo?".
"Hahaha ito naman ang sungit". Hindi na muli akong nagsalita. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain sa ice cream. Maya maya ay biglang tumayo itong josh daw at humarap sa akin.
"Sorry zhia,i have to go. Hinihintay na ata ako nila mommy. Ingat ka pauwi ah". Paalam nya sabay takbo.
Mabilis lumipas ang oras kaya naman tumayo na ako at naglakad na pauwi. Lakad lang ako ng lakad ng may naparinig akong mga nagsusuntukan.
"GAGO!! WALA AKONG GINAGAWA SA KAPATID MO!!". Teka pamilyar yung boses na yun ah. Sinundan ko lang ang boses na yun. Tumago ako sa isang malaking puno at sumilip ng kaunti para makita ang mga lalaking yun.
"GAGO KA!! SYA MISMO ANG NAGSABI SA AKIN!!!. Patuloy lang silang nasusuntukan. Sa una hindi ko makita ang mga mukha nila. Pero habang tumatagal nakikilala ko na sila. Si.. si drake yun ahh. Tumingin naman ako sa kaliwa at nakita ko dun si jonas. Tumingin naman ako sa likod nya at dun ko nakita si james. At pagbaling ko sa unahan nakita ko naman si dylan. Madami silang kaaway. Sa dami nila siguro may mga kasama din sila dylan.
Habang sinusuntok ni dylan ang isang lalaking kulay gray ang buhok, may isang lalaking sumusugod sa likod niya kaya naman napasigaw ako ng wala sa oras.
"DYLAN SA LIKOD MO!!!". Pagkasabing pagkasabi ko nun ay huminto silang lahat. Maski ang lalaking susugod kay dylan ay napahinto. Nasa akin lahat ng attention nila. Unti unting ngumisi ang lalaking may hikaw sa labi, na kalaban ni dylan.
"Ohh, may naligaw na magandang binibini". Nakangising sabi niya at bahagyang lumalapit sa akin. Umatras agad ako sa takot kong mahawakan.
"Oh,binibini wag kang matakot, mabait ako". Nakangisi pa ring sabi niya habang lumalapit.
"Wa-wag kang lalapit". Kinakabahang sagot ko
" Hahaha wag kang matakot binibini,mabai--".
*BOOGGSSSHHH*
" Huwag mo syang lalapitan". Sabi ni dylan at agad na lumapit sa akin
" Bakit ka ba nandito?". Inis na sabi nya
"May n-narinig kasi akong mga nagsusuntukan kaya nacurious ako".
"Tss stupid".
"HOY ANONG BINUBULONG BULONG NYO JAN!? HA!?".
"SHUT UP EHDAIN!!!". Galit na galit na sigaw niya
"HOY!! Babae sama ka sa amin papaligayahin kita". Ngising sabi nung ehdain sabay naglakad papalapit sa amin. Bago pa siya makalapit agad na pinagsusuntok siya ni jonas.
"Tapusin nyo na sila". Sabi ni dylan. Agad nya akong kinalikad papunta sa kotse nya
"Sakay". Malamig na sabi nya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya naman napatingin siya sa akin
"Sakay". Ulit nya pa. Umiling nalang ako sa kanya
"Maglalakad nalang ako pauwi,thanks nalang". Sabi ko sabay lakad papalayo. Hindi pa ako nakakalayo ng kaunti ng maramdaman kong nasa balikat na niya agad ako
"ANO BA!! IBABA MO NGA AKO!!!". Hindi niya ako ibinaba. Patuloy pa rin siyang naglalakad ng walang imik
"ANO BA DYLAN IBABA MO AKO!!". Sigaw ko at naglikot ako para maibaba niya ako.
Ibinaba niya ako at itinulak sa loob ng kotse. Agad niyang isinarado ang pinto. Nang magtatangka akong buksan ang kotse ng mapahinto ako sa sinabi niya
"Sige buksan mo, hahalikan kita". Humalukipkip nalang ako at tumingin sa labas. Pagkaupong pagkaupo ay agad na nagdrive si unggoy. Tahimik lang kaming parehas, walang nagsasalita. Unti unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa makatulog ako..
Itutuloy
------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Ms. Pilosopa Meets Mr. Cold Guy
Teen FictionPROLOGUE Paano kung maglandas ang babaeng ubod ng kapilosopohan at ang lalaking malamig makitungo sa mga tao? Hanggang kailan kaya ang pagtitiis na gagawin ni mr. cold sa pamimilosopa sa kanya ni ms. pilosopa? Mababago kaya ang pakikutungo ni mr...