CHAPTER 05 : Trouble Again

1.1K 45 0
                                    

SECRETLY LIKE YOU
CHAPTER 05 : Trouble Again

KINABUKASAN paglabas na paglabas ni Astran sa bahay niya ay agad siyang sinalubong ng mga mabibigat na kamay galing sa grupo ng kalalakihan. Sila sila yung mga taong pinagkakautangan at nanggugulo kay Astran.

Hinila siya sa kuwelyo ng isa sa mga ito nong itulak siya doon sa tambakan ng mga karton atsaka siya isa-isa na nilapitan ng mga kasamahan ng tumatayong leader para itayo siya.

Atsaka mabilis siyang hinawakan sa dalawang kamay ng mga ito kung sakaling tatakas si Astran. Hinila pa siya sa buhok nong tumatayong leader,atsaka pinaluhod, at sinapak sa mukha yung binata dahilan para sa sandaling oras ay may tumulo ng dugo sa ilong nito.

“Tila lumalaki na ang utang mo sa amin at ang pursyento nito, baka nakakalimutan mo na lahat ng sumasaway at hindi agad nakakapagbayad sa amin ay agad inililigpit, mag isip ka! ” mariing Pagbabanta nong lalake nang maglabas ito ng patalim mula sa kanyang bulsa saka niya ito nilalaro sa kamay niya sa harap ng binata.

Pagkatapos ay biglaan non aakmaing buksan ng mga kasamahan nito yung pinto ng bahay niya.

“Maghaluglog kayo ng puwede nyo makuha!” Pag-uutos ng lalake nong matigilan sila matapos magsalita ni Astran.

“Hindi nyo na kailangan gawin yan!” Salita naman ng binata non nang nilabas niya yung perang kinita kagabi mula sa bulsa, tuwang-tuwa naman na nanlalaki pa yung mata nong lalake matapos makita yung pera.

kinuha ni Astran yung palad ng tumatayong leader atsaka mariing nilapag yung pera.

“Pasensya na kung kulang yan pero nangangako ako na dadagdagan ko yan.” turan ni Astran habang napapayuko pa nong maangas na napangiti yung leader.

“Nice naman, madali ka naman pala kausap ih.” Salita nong lalake bago siya kinatusan sa ulo atsaka pa siya tinapik tapik sa pisngi nito nong hingkayatin na niya ang mga kasama na huwag ituloy yung gagawin nila at aalis na sila.

“Boys alis na tayo,  huwag mo kakalimutan ah yung dagdag nito." pagpapaalala nito saka lamang siya ngitian pa ng nakakaloko.

Inis na inis si Astran buong buhay nalang ba niya babayaran ang mga ito at buong buhay nalang ba siya matatakot at babalik balikan ng mga ito.

Kasalanan ito ng ama amahan niyang bago mamatay ay may utang palang hindi nababayaran tapos ngayon yung bahay niya ay nakansala sa mga ito na nag-iisang natitirang bagay na masasabi ni Astran na pagmamay ari niya pero kung ganito ng ganito iniisip nalang niya, ano ng mangyayari sa buhay niya minsan ninanais nalang niyang magpatiwakal o mawala sa mundo.

Gaya ng ginagawa niya sa tuwing nagagalit ay sinusuntok nalang niya ang pader kasi sa pamamagitan nito nailalabas niya yung inis at frustrated.

-

During the first subject and discussion of the Homeroom supervisor Mr. Manalac.  Astran interrupt the whole class with his look again. Magulo yung kasuotan at may mga pasa nanaman. Bakas din yung dugo na nagmantsa sa uniporme niya non.

Walang anong dumiretso lang si Astran sa upuan niya inilapag yung bag at nagpahinga. As usual tinatamad at nabo-boring nanaman siya sa klaseng ito. Inilapag niya ang mga kamay atsaka siya nahiga sa table.

“Mr Ji!” Pagtawag sa kanya nong Professor niya pero hindi niya ito pinapansin, napaoakunot noo nalang siyang pilit na pumipikit ng mata.

“Mr. Astran Kyle Ji, for clarification hindi na dito ang class mo, effective for today I hope maintindihan mo, nabalitaan mo naman siguro na ililipat kana.” sunod na salita nong Professor nang imulat niya ang mga mata nya.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon