Begin Here!

43 0 0
                                    

First Story ko po ito.. Hope ma-enjoy niyo. =)) Thank You!

__________________________________________________________

October 28

Oww. 28 na pala ngayon. My gosh! Bukas na pala yung Leadership Training namin sa school. Officer 'to teh! Hahaha! Oo nga pala, Hindi pa nga ako nagpapakilala. I am Raine. 15 years old. Third Year na ako. Proud to be one of the Class Officers ng Class namin.. Medyo muntik na nga di makasama kaya kahit papaano... Yun nga, Proud pa rin. Business Manager ako. Actually, dalawa yan syempre. Lalaki yung isa. Pero nevermind. Hahaha! Wala ng Muse at Escort sa amin kaya last position na yung nakuha ko.

Ginusto ko maging officer kasi... ahmm.. Wala naman. Yung mga kasama ko kasi sa group ng barkada ko sa school... mga officers kaya pag may meeting sila.. Yun! Ako ang solo na naghihintay. Hay. Saklap -_-.

"Oh?!"

Nagulat na lang ako nang dumating sila Sarah, Nica at Mark sa bahay. Tss. Anong meron at nadala sila ng hangin dito? Napurnada tuloy yung binabasa kong story sa Wattpad. Sarap pa naman ng buhay ko.. Mr. Chips on my side.. Hahaha! Kailangan ko na tuloy i-shut down itong laptop at kailangan i-entertain ang mga taong ito. Hahaha! Well.. Gusto ko sila dito sa bahay. Wrong timing nga lang..

"Raine, Sama ka bukas?" tanong ni Mark.

"Ahm. Ewan ko eh. May Activity kami sa school bukas... Ano meron?" tanong ko.

"Bibisitahin diba natin si Nel." sagot ni Sarah

"Wew. Nakalimutan ko. Sorry, Baka di ako makasama.. Mahalaga rin kasi itong pupuntahan ko bukas." defend ko.

*Raine's POV*

Ngayon na lang nga ako naging officer ulit at ngayon ang first attempt to prove sa sarili ko na seryoso ako sa pinasok ko tapos ganito. Hay. Pero sayang yung get together namin. Masaya pa naman ako palagi pag kasama sila. Hay. Btw. Si Nel pala yung old friend namin.. who chose to transfer to other place to find more opportunities. Hahaha! Si Mark at Sarah with Nica ahmm.. mga friends ko sa place namin...

"Kanina pala pagka-simba ko ngayong hapon nakita ko ang lola ni Jan, sinabihan ko na sumama na lang si Jan sa atin bukas.. May pasok pa kasi sila Mae at Rose .. para hndi boring  na tayo lang 4 pero yun pala 3 lang kami.. este plus pa si Jan.. ang konti." sabi ni Mark

"Wew! Sasama si Jan?! Oh?! Pano siya bukas? Ano oras siya pupunta? San kayo magkikita-kita?" curious kong tanong.

"Akala ko ba di ka sasama? Tapos daig mo pa kami na mga desidido na pupunta bukas!" sabat ni Nica na kanina pa nakikinig.

(Oww. Suitor ko pala si Jan. Wew. Di ko maintindihan siya. Atras-abante yun e. Torpe kasi.. Pero kahit ganun.. Proud na ako sa 2 months na panliligaw niya. Nakokontento na rin ako. Barkada rin kasi.)

"Sorry tuloy na-excite lang..." pahiya kong sagot.

"Basta sinabihan ko na lang na pumunta bukas sa bahay. 10am ang usapan. Tsaka itetext ko na lang siya." sabi ni Mark

"Okay." na lang ang nasabi ko.

*Raine's POV*

Gusto ko sumama. Hay. Alam ko na ang rason.. Tss. Nahihibang na ata ako. Bwisi!. Hindi naman sa pagiging ano.. pero dati naipagpalit ko ang pag-attend ng camping ng club namin na talagang mahalaga para sa akin tapos practice ng Romeo and Juliet play namin sa school.. Project yun..para lang makasama siya este yung grupo namin with him one saturday. Akalain mo. Di ako nagbibilang.. Pero talagang yun nga.. alam mo na. Hay.. Malaki na rin yun sakin. Minsan lang ako mag-effort e..

Umuwi na sila. Naubos ang Mr. Chips ko. -_-

"Ma, Sama ako kila Nica bukas. Pupunta sila kila Nel."  paalam ko.

'Oh di ba nakita mo na si Nel nung Friday.. Naikwento mo. Tapos ngayon pupuntahan niyo pa? At diba may Training kayo bukas sa school niyo.." sabi ni Mama.

"Ee, ahm. Oo nga. Tss. Payag ka na Ma.. Pls?.. "

"Hay.. Hindi.. Ang layo ng bahay nila.."

"May pera naman ako pamasahe."

"Maging practical ka naman anak. Sembreak niyo ngayon.. kaya tumulong ka na lang dito sa bahay.. Maglinis.. Mag-ayos ng kwarto mo.. Mag--"

"Ma naman... Ngayon lang.."

"At pano yung schedule mo bukas?"

"E hapon naman yun... Umaga kami aalis.."

"Mapapagod ka lang niyan."

"Tss."

Di na nga ako makikipag-talo.. K. Fine. Panalo na siya.

Pano bukas?...

;'(

<////3

----------------------------------------------------------

Comments and suggestions are free po ..  para malaman ko if ayos lang ang story ko.. Salamat! =))

1PM-11AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon