Mahal ako ng isang patay.......

377 14 18
                                    

Halloween na nga.

E tumingin lang kaya ako sa salamin, halloween na!

Ngayon Nov 1 na. Edi siyempre takutan kaya ayun......

*knock.knock*

"Kaye! Buksan mo na ang pinto! Andyan na ang magtitrick or treat! Ang mga tsokolate nasa lamesang katabi ng pinto." sigaw ng nanay ko mula kusina -____- Ayun, nagbebake ng cake para sa 'selebrasyon namin ng Halloween'

Kinuha ko ang candies at sumilip sa peep hole.

Andyan na nga ang mga bata.

"TRICK OR---" sigaw nila pero naputol. Bagit?

"ETO NA PO ANG MGA CANDIES NAMIN!" binato ng bata ang basket niya.

"Mommy!" nagwala ang bata at naglumpasay sa sahig.

"Uy baby, tayo ka di---" pagalo ko sa kanya.

"Don't touch her! You witch!" sigaw sa'kin nung bata na mukhang pinakamatanda sa kanilang lahat.

Tinayo niya ang batang nagwala at lumakad na palayo.

"Ugly freak! Kinarir mo naman ang Halloween!" at tumakbo.

Napabuntong hininga ako.

Pinigil ko ang luha sa pagtulo.

Normal naman ang masabihan ng nakakatakot ang itsura mo this Halloween dahil sa costume effect mo e.

Nasaktan ako sa pambabastos nung bata pero ang mas nagpalala sa sakit na nararamdaman ko..........

Pakshet na dinisplay sa internet, WALA AKONG SINUOT NA KUNG ANONG BURLOLOY PARA SA HALLOWEEN! NAKAPAMBAHAY LANG AKO!

Naman e *cries*

"Mga anak! Kain na!" sigaw ni Mommy, kaya nagsilapitan kami.

"O bunso! Ano na naman ang dahilan ng pagkabusangot mo?" tanong sa akin ni Daddy.

"Kasi naman Daddy eeeee....." maktol ko.

"Bakit baby?" tanong naman ni Mommy.

"Iyong mga batang nagtitrick or treat kanina." sabi ko plus pout. Eewness na siguro itsura ko.

"Anong meron?"

"Tumakbo po."

"Daaaaahil?" sabay na sabi ng dalawa kong kapatid na babae na napakaganda, puti, tangkad at segzy.

"Natakot sa'kin."

"You know Kaye, I hope this would make you feel better.... But if I was one of those kids....." tumingin si Ate Faye sa kakambal niya sa ganda si Ate Maye at parang naguusap sila sa pamamagitan nun.

"I would do the same." tuloy ni Ate Maye.

"Maye! Faye!" saway ni Daddy.

"No, Dad, it's okay, totoo naman e." ngumiti ako ng peke.

"Mom, busog pa po ako. Sige po, aakyat na lang ako." at umakyat na ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Umikot at pinagmasdan ang sarili.

Mahabang sabog na buhok.

Braces.

Salamin na napakataas ng grado at over pa sa over ang kapal.

Pajamang may Shaun the Sheep na print.

Longsleeves na may print na 'Keep calm and read book'

Panget ba ako?

Hinawakan ko ang mukha ko at hinawi ang ilang buhok. Sa tingin ko, so-so, not bad, not good.

Mahal ako ng isang patay.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon