Dedicated to @Airishfleur. Siya kasi una nagvote. :) Thanks btw!
Prologue
He got his eyes on me. Kahit saan ako pumunta, kahit anong gawin ko...seryoso lang siyang nakamasid. Yung kulay abo niyang mga mata ay parang nangungusap at may gustong iparating saakin.
“You’re so beautiful. I want to make you mine. You will be mine...” his words kept on replaying on my mind. Yung mainit niyang hininga malapit saaking tenga...it sent shivers down my spine. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung magtama ang balat namin. The way he said those words and the ticklish sensation I felt nung bulungan niya ako...paulit-ulit parin na tumatakbo sa isip ko.
Breathe, Ana, bulong ko sa sarili at marahang ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko dapat masyadong iniintindi yung sinabi niya saakin. I should focus on my work. Dapat hindi ako magpaloko sa mga lalaking tulad niya. Who knows, baka pinagtitripan niya lang pala ako.
Tama. Maybe he’s just playing his game, and unfortunately, he wants me to be his toy. Syempre, imposible namang gusto niya talaga ako diba? Langit siya, lupa ako. It’s way too impossible for a guy like him to like a girl like me. Tsaka hindi rin naman ako naniniwala sa mga ganoong lovestory eh. It doesn’t exist in reality.
Wag kang magpaapekto, Ana, paulit-ulit na bulong ko sa sarili bago ko tuluyang buksan ang aking mga mata. Pero pagkamulat ko, yung gwapo niyang mukha ang tumambad saakin. He was looking at me intently. Nakita ko yung kulay abo niyang mata na palipat-lipat ang tingin sa mata ko at sa...labi ko.
I immediately bit my lip and cursed myself for doing so. Napatingin siya sa mata ko at kitang-kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung muli niyang pinasadahan ng tingin ang labi ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at mabilis na inangkin ang aking labi. He kissed me with so much desire. Hindi ko alam pero...tumugon ako sa mga halik niya. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya at naramdaman kong mas lalo niyang pinalalim ang halik.
“You’re mine now, baby. Mine.” he whispered before he left me dumbfounded.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Obsession Series I: His Obsession
Mystery / Thriller"You're so beautiful. I want to make you mine. You will be mine..." -Christian Lee Grey