Undercover 2

13 6 0
                                    

UNDERCOVER 2

Ryshen's POV

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko ng mabilis tapos kinuha ko yung mga gamit ko sa taas.

Bumaba ako para kumain ng breakfast..

Kumuha lang ako ng tinapay ko tapos pinalamanan ng bacon na......
SUNOG..

Si dada kase di marunong.

"Dada tara na po ma le-late na ko"

"Ano ba anak lagi ka namang late"

"Dada..."•__•

"Bakit anak hindi ba totoo?"

"Totoo po.. Tara na dada bilis hatid mo na po ako" sabi ko tapos hinila ko na siya sa may sasakyan namin.

Kanino pa bang sasakyan diba alangan sa kapitbahay tss..

Pinaandar na ni dada ang sasakyan tapos nag maneho papuntang school

Sa AOR high (All Of Rights)

Ganda ng pangalan noh ang galing kase nung nakaisip niyan haha..

Ilang saglit pa nakarating na kami ni dada sa school.

Bumaba na ko ng sasakyan.

"Uhh.. Anak mag-iingat ka ahh susunduin kita mamaya" sabi ni dada

Tumango ako tapos nag wave para mag ba bye tapos umalis na siya

Naglalakad na ko papasok tapos may biglang umakbay saken? Huh sino to--

"Hello guardian"bati niya

Huh sino ba toh?Hinarap ko siya

"Teka sino kaba? Di kita kilala alis nga..!" Sabi ko tapos hinawi ko siya.

Naglalakad ulit ako tapos bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko

"Di mo na ko natatandaan?" Tanong niya

"Tss.. Ano ba! Sino ka ba kase sabihin mo na lang! Sayang oras ko!..."

"Ito na ito na ako yung kahapon.."

Kahapon??

Inalala ko yung muka niya wait
Kahapon...kahapon...,ano bang meron kahapon?

Inaalala ko parin pero di ko matandaan ampotek..

"Sabihin mo na lang kaya nasasayang oras ko. kakaisip niyang kahapon na yan" sabi ko

"Niligtas mo ko kahapon dun sa dalawang ungas"

Ahh so siya pala yung babae.

"Tapos kana ba? bye.." Nilagpasan ko na siya.

"Teka wait" pagpigil niya tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"Ohh bakit nanaman?!"

"Pwede ba kong sumama sayo?"

"Baliw ka bat ka sasama saken?"

"Ano...uhh kase ano...."

Tsk. Ano ba toh nakakaaksaya lang siya ng oras ehh.... Pero..sige mag aantay ako ng sasabihin niya.

"Bilisan mo nga!" sabi ko

"Gusto kong maging kaibigan ka!!" Bigla niyang sabi

Wow kaibigan? Kailan ba ko nagkaroon uli niyan 8 years old ata ako nung huli.

"Tss. Yun lang pala ehh dami pang sinasabi"

"Kaibigan naba kita?"tanong niya

"Oo na nga di mo ba ko magets!"napaka kulit naman netong babaeng toh.

UNDERCOVERWhere stories live. Discover now